Chapter 3: What happened?

10 0 0
                                    

Sa isang pitik ng daliri, nagbago ang paligid. Tahimik. Puro light-green ang kurtina at light-blue naman ang pintura ng mga dingding. Maraming mga ordinaryong taong tila umaasa. Umaasang gagaling ito mula sa mga nurses at doctors na mga abala sa kanilang trabaho. Oo nga! Nasa Ospital kami at oo nga, walang nakakakita sa amin. Hindi pa rin nawawala ang pagtataka 'ko at panghihina pero kelangan kong malinawan sa lahat ng nangyayari.

"Bakit tayo nandito?" usisa ko. 

Nagpatuloy lang sa paglalakad ang lalaking kasama ko. Sumunod lang ako sa kanya. 

"Teka, sino ka nga ulit?" tanong ko pa.

"Saka na 'ko magpapakilala, okay?" sabi niya na hindi ako nililingon. 

Hanggang sa huminto siya. Huminto sa kwartong nahaharangan ng salamin. Kita ang loob nito. May pasyenteng nakahiga. Walang malay at ang daming nakakabit sa katawan nito.

"Ba't tayo nandito?"

Nakatingin siya sa babaeng nakahiga. Tumingin na rin ako. Kinabahan. Baka katulad din ito ng napapanuod ko sa TV. Yung naglalakbay ang kaluluwa. May misyon at kung anu-ano pa.

"A-ako ba yan?" tanong ko.

"Siya yung babaeng naaksidente kahapon." sabi niya.

Yung aksidente kung bakit ako na-late? 

"KAHAPON? you mean, isang araw na 'kong ganito?"

Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko, "Nasa state of Coma siya ngayon. Hindi ikaw yan. At malamang naglalakbay-din siya ngayon," patuloy pa niya. 

"Are you still tripping? Sarili ko ang hinahanap ko, eh ba't iba yan?"

At sa unang pagkakataon ngayong araw, tumingin na ulit siya sa 'kin.

"Lahat ng sinasabi ko at ginagawa ko o nating dalawa, may kinalaman sa mga malalaman mo pa sa susunod, Yan ang hirap sa inyong mga tao eh, mahilig kayong magmadali"

 Natahimik ako. Ibig ba niyang sabihin, hindi siya tao?

"Correction, hindi ka na nga rin pala tao." pahabol pa niya. 

Nanlaki ang mga mata ko. At muli, sa isang pitik ng daliri niya, nagbago ang lahat sa paligid. 

Tulad kanina, tahimik. Mas kinakabahan ako. Para bang ang lakas ng koneksyon ko sa lugar na 'to. 

"Nasaan tayo?" usisa ko. 

Hindi siya nagsalita. 

Hanggang sa nakita ko si Michelle na maga ang matang pumasok sa loob ng parang malaking bahay. Hindi ko alam kung san ito pero parang may event na di ko malaman. May ilaw at mga bulaklak na... pampatay. 

Sinundan ko ng tingin si Mich hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa nakita ko---Isang tarpaulin na may picture ko sa gitna. Nakalagay sa baba August 13, 1987- September 15, 2012. Paalam Francine Bautista. 

THIS.CAN'T.BE.HAPPENING. THIS CAN'T BE REAL. Patay na 'ko? Bakit kailangan kong lisanin ang mundo? Hindi pa ako handa. Nananaginip lang ako. Gahd! NANANAGINIP LANG AKO. 

Patuloy ang pagpatak ng mga luha sa mata ko. Seeing those people--Bonbon, sir Leo, Ma'am Audrey, Michelle, other colleagues, Patricia and heartbreakingly sitting there... My Nathan. in the front row towards the pink coffin which I am having the hard time to believe, it was me lying in there. 

Hindi ko pa ma-digest lahat ng mga pangyayari at katotohanan. Pinili kong lumayo muna. 

Umiyak ako ng umiyak. Nang umiyak nang umiyak. 

"Hindi mo ba sinulit ang bawat araw ng buhay mo kaya ka umiiyak ngayon dahil sa natapos na ito?" 

Alam kong yung lalaki ang nagsasalita. Hindi ako umiimik.

"Bakit kasi may pinapalampas kang pagkakataon? Edi sana payapa kang aalis sa mundo ngayon,"

"Shut up! shut up you fucking asshole! Hindi mo alam yung mga sinasabi mo. And who are you to say that to me? na hindi ko nasulit ang buhay ko?.. Na pinalampas ko ang ilang pagkakataon? SHUT UP! Kasi wala kang alam. Kasi hindi naman ikaw yung may maiiwang mahal na mahal mo, hindi naman ikaw yung ikakasal, hindi naman ikaw yung naghahangad makasama ang mga magulang sa haba ng panahong wala sila buong buhay mo! kaya wag mong sasabihin sa'kin yan dahil ako, gustong-gusto kong mabuhay pa.."

Sa unang pagkakataon, niyakap niya ako. Mahigpit. 

Akala ko masakit lang maiwanan. Minsan, mas masakit pa pala kapag ikaw yung mang-iiwan. Umiiyak ako sa bisig niya. Ng lalaking hindi ko naman kilala...

"ssshh...Paul.. Paul ang itawag mo sa'kin"

SLICES OF HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon