Chapter 11: Thirty days left

18 0 0
                                    

Dahil kailangan kong bumawi sa trabaho, maaga akong pumasok. Tumambad sa'kin ang nakataas-kilay na si Red. Alam kong pabiro lang ang dating nito kaya ngumiti ako at dumiretso na sa loob para isuot ang uniform. Sinundan niya lang ako.

"Ikaw girl ha! Aminin mo nga sa'kin... May lovelife ka na noh?"

Hinawi ko ang aking buhok. 

"Ha? Wala noh."

"Eh bakit absent ka kahapon? May date ka noh?"

"Wala! Ikaw ha! Intriga ka!"

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, pumasok ang isang pamilyar na customer--si Patricia. Nakadress siya at nakashades na dark na hindi mo na talaga masisilayan ang kanyang mata. Gayunpaman, ngumiti siya ng bahagya ng makita ako. 

"Good morning... Ma'am" bati ko.

Ngiti lang ang itinugon niya sa akin pagkalapit ko. Umupo na siya sa bandang dulo ng bakeshop.

"Capuccino please. Isa lang. And one slice of strawberry shortcake" 

Agad akong pumunta sa loob para  ayusin yung inorder niya. Ilang sandali pa'y inabot ko na ito sa kanya at saka ako lumayo. 

Ganito kaaga, nandito na agad siya? Minamasdan ko lang kung ano yung ginagawa niya. Hindi niya gaanong binabawasan ang kanyang inorder. Tila ba'y mayroon siyang hinihintay parang katulad noong una ko siyang nakita dito. 

Ilang customer na ang lumipas ay nag-iisa pa rin siyang nakaupo roon. Maliit pa ang bawas ng kanyang cake. Nakatulala lang ito bagamat hindi ko nakikita ang kanyang mga mata. Nakita kong kinuha niya ang kanyang cellphone at nang tingnan niya ito'y tumulo ang kanyang luha. 

Tiningnan ko si Red sa may counter, busy siya kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para malapitan si Patricia. Inabutan ko siya ng tissue. Ngumiti siya na para bang nahihiya atr saka tinaggap ito. Ngiti na lang din ang tinugon ko at nang aakma na kong umalis...

"Wait!"

Huminto ako. 

"I... I really need... someone... to... talk.. to"

Sa bawat salitang iyong ay isang singhal ng kanyang pag-iyak ang humihiwalay. Tumingin ako kay Red. Tumango lang ito na para bang sinasabing ''sige, damayan mo siya. Ako na muna ang bahala dito''

"Bakit ba kelangan ko laging may mapatunayan? Lagi na lang akong option" aniya.

Sa mga sandaling iyon, hinayaan ko siyang magsalita. 

"Ilang beses na kaming nag-uusap na magkikita kami dito pero laging nauudlot dahil priority niya yung asawa niya. We never had the time for us. Yung time na hindi na namin kelangang magtago, magpretend" 

Nakakapanibagong ang isang DJ na katulad ni Patricia ay nag-oopen sa isang DJ na katulad ko. 

"I know it was wrong but mahal ko yung tao. All my life, I sought for attention and when I had it, may kahati pa 'ko. It was hard!.. It... was... hard"

Ngayon alam ko na kung bakit ganun ang trato niya sa'kin nung nabubuhay pa ko. Ayaw niya ng kaagaw. Dahil ang gusto niya, minsan man lang sa buhay niya, siya ang maging bida. 

Ilang saglit pa'y tinanggal niya ang kanyang shades. May malaking pasa siya sa bandang mata. 

"Stepfather ko ang may gawa niyan. Funny noh? Ang tanda ko na, and still, I get this kind of beating!  Kulang daw kasi yung bigay kong pera. God! Ayoko na! Napapagod na ko. I'm tired of everything!!"

Saka siya umiyak ng umiyak na para bang wala na siyang iiiyak bukas. I feel for her. Iba talaga 'pag nakikinig ka lang sa iba. Ikaw ang nagsisilbing hingahan nila. 

"Sa tingin ko, hindi mo naman kelangang maging second best sa lahat ng bagay. Hindi mo kelangang maging option lang o reserba lang na kapag wala 'yong isa, ikaw ang papalit. Pat, kahit hindi kita ganun kakilala, alam ko, hindi mo naman gusto yang role mo ngayon. Pero isipin mo rin na may nawawasak o mawawasak kang pamilya kapag tinuloy mo pa 'yan. At kung iniisip mo na ang mahalin ang isang taong may nagmamay-ari na, eh makapagbubuo ng pagkatao mo, hindi Pat. Nagkakamali ka. Dahil doon pa lang sa fact na nakikihati ka sa ibang tao, ibig sabihin lang nun, hindi ka pa rin buo," I told her. 

Nagpatuloy lang siya sa pagluha.

"Naniniwala ako na darating din yung araw na ikaw mismo, mamahalin ng isang taong malaya at ipaparamdam sa'yo na ni minsan hindi ka naging basag sa buong buhay mo. Pat hindi mo naman kelangan ipagsiksikan sa iba ang sarili mo eh. Kasi marami ang nakakaappreciate sa'yo. Maniwala ka."

At walang anu-ano'y niyakap niya ako.

Sa yakap niyang iyo'y hindi ko nadama ang dating panlalamig niya sa akin. Wala akong ibang naramdaman kundi awa at kung gaano ko gustong maging isang kaibigan para sa kanya. Ramdam ko ang sakit sa kanyang loob noong una ko pa lang siyang nakitang tumungtong dito sa bakeshop. 

Ilang sandali pa'y tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong sinagot. Lumayo siya saglit. Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi niya pero nakikita ko pa rin sa reaksyon ng kanyang mukha ang kalungkutan. Matagal pa silang nag-usap sa linya bago niya ayusin ang mga gamit niya.

"I have to go." aniya.

Hindi na ako nagsalita pa. Pinanuod ko na lang siyang umalis baun-baon ang bigat sa kanyang dibdib. 

Natapos ang isang buong araw. Mag-isa na naman ako dito sa bahay. Minabuti kong mahiga na lang kesa kumain. Hindi naman kasi ako nagugutom kahit biskwit lang ang kinain ko sa maghapon. 

"Thirty days left!"

Nilingon ko si Paul na nakasandal sa closet ni Camille. Nakangiti ito. Maya-maya'y nagpakita na rin si Camille sa tabi ni Paul. 

"Alam ko naman 'yon"

"May napapala ka naman ba sa mga araw mo dito sa lupa?"

Nagbuntong-hininga ako at sabay tumango. 

"Kahit papano, okay naman. Nakakausap ko na si Bonbon, nadamayan ko na si Michelle. at ito, naging panatag na ako kay Patricia hindi tulad dati,"

"Masaya ako sa balitang 'yan, Francine" sabi ni Camille. 

"Dati, oras lang ang mahalaga sa'kin without me knowing there are some people na mas importante pa sa oras. And what's more ironic is, hindi ko man lang nabigyan yung mga importanteng taong iyon ng bagay na itinuturing kong precious din,"

Hindi ko alam kung paano ako natatagalan ng dalawang ito. Kung kelan kasi ako naging kaluluwa, saka naman ako mas naging madrama. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SLICES OF HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon