Chapter 6: Awaken

4 0 0
                                    

Ilang araw mula nang tuluyang magising ang katawan ni Camille sa aking control. It feels like I'm in the place I have never been in my entire life. Lahat kakaiba. At wala sa akala ko na mangyayari sa akin ang manghiram ng katawan para lang balikan ang mga taong mahalaga sa akin bago man lang ako umuwi sa'king totoong tahanan. Sumugal na ako kahit alam ko ang posibilidad na makakalimutan na rin nila ako. Na balang araw madadigest na nila na wala na ako. Na katulad ng katawan kong nakabaon na sa lupa, ang alaala nilang kasama ako ay mababaon din sa limot. 

"Siguro naman pamilyar ka sa 40 Days?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Paul. Ilang beses na niyang ginagawa iyon pero hindi pa rin ako nasasanay.

"Ang mga namamatay, hindi agad umaakyat. Mayron silang 40 days bago tuluyang umuwi sa langit. Yung iba, ginagamit nila ang mga araw na iyon para tanggapin na iiwan na nila ang mundo. At ikaw, nabigyan ka ng pagkakataon na gugulin ang natitirang 34 days mo sa pagiging buhay muli... Wag mo sanang sayangin"

Hindi ako umiimik. Kinakabahan ako sa mga haharapin ko. Kinakabahan ako sa mga malalaman ko. Huling araw sa Ospital. Pagkalabas ko rito, alam kong mag-isa 'kong haharapin ang lahat. 

Binabaybay ko na ang daan palabas ng Ospital, wala man lang ni isang kaibigan o kamag-anak ni Camille ang nagpakilala sa akin para sunduin ako. Napabuntong-hininga ako habang inuunawa na baka nga ganoon talaga kalungkot ang buhay niya. 

Sa paglalakad ko'y isang pamilyar na mukha ang aking nakita sa harapan ko't nakatingin sa akin--Si Bonbon. Hindi ko napigilan ang luha ko. Nilapitan ko siya. 

"Bonbon"

"Bakit mo ko kilala?" usisa niya.

Natigilan ako. Nasa ibang katawan nga pala ako.

"Ahhh.. K-kaibigan ako ng ate mo. I.. I was sorry for what.. happened to.. her." 

Hindi siya sumagot. Hindi ko alam kung alam ba niyang itong taong 'to na pinaggagamitan ko ng katawan ay ang taong nabunggo ko at nakasama sa aksidente.

"B-bakit ka nandito?" tanong ko.

"Sinamahan ko si Tito ko para magbayad lahat ng gastos dito sa nakabanggaan ng ate ko."

So, hindi niya alam na itong taong ito yung tinutukoy niya? I thank God. 

"Ahhh. sige.." 

"Sige po.. aalis na ko." tumalikod siya agad.

"Ahhh Bonbon, sandali,"

Humarap siya, hinihintay ang sasabihin ko. 

"Mag-iingat ka.."

Ngumiti siya at tuluyan nang umalis. 

Lumabas ako ng Ospital na hindi alam ang pupuntahan. Sinamahan ako ni Paul papunta sa bahay ni Camille. Nilinis ko ang mga kalat. Inayos ko ang mga magugulong pagkakasalansan ng mga gamit. 

"Tulad ng isang pangkaraniwang tao, kelangan mo ng ikabubuhay. Ikaw ang didiskarte. Si Camille ay nabubuhay sa pagtitinda ng tinapay sa isang bakeshop. Alas-otso ng umaga ang schedule niya hanggang alasdos."

 Pagtitinda? Kaya ko naman siguro yun. Pero gusto kong bumalik sa likod ng radyo. Sa pagdi-DJ.

"Pwede ba 'kong magDJ ulit?"

"Ikaw ang bahala. Diskarte mo yan."

Ngumiti ako. Agad kong inayos ang papeles ni Camille sa tulong ni Paul. Naligo agad ako. Nag-ayos ng sarili at nagbihis ng pinakamaayos na damit na meron si Camille. Humarap ako sa salamin at sinubukang ngumiti gamit ang ibang labi.

"Maganda ka pala kapag nakangiti, Camille. Sayang lang at hindi mo nakikita yun" saad ko.

Bigla na namang sumulpot si Paul sa tabi ko. At tulad ng dati, nagulat na naman ako.

"Ano ba, magsasabi ka naman pag magpapakita ka. Papatayin mo ako niyan eh!"

"Patay ka na po, matagal na." paalala niya.

I rolled my eyes. Binalik ang atensyon sa harap ng salamin.

"Alagaan mo ang katawan na 'yan. Tandaan mo, hindi yan sa'yo." 

Hindi ko siya pinapansin. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita ng mga paalala. 

"Hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang tungkol sa'yo. Mananatili lang yang lihim. Pag may nakaalam, mapapaaga ang pag-akyat mo,"

Hindi ko pa rin siya nililingon. 

"Ituring mong ang bawat araw sa piling ng bawat taong mahahalaga sa'yo ay patikim ng langit. Ituring mong langit ang bawat oras kasama sila. parang isang slice sa kabuuan ng langit na iyong pupuntahan."

Napahinto ako. Napaisip. Sa puntong iyon, tumingin na 'ko sa kanya. Seryoso siya. 

"Gamitin mo 'tong pagkakataon na 'to sa magandang paraan, Francine."

Ngumiti ako.

"Salamat, Paul."

SLICES OF HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon