Chapter 2: All things seemed weird!

6 0 0
                                    

Pag minamalas ka nga naman! Bakit ngayon pa may nadisgrasya sa dadaanan ko. Mabilis dumami ang mga tao sa gitna ng kalsada. Mga nakikiusyoso. Wala akong balak maki-usi doon at wala akong pakialam dahil male-late na ko. Wala na rin akong ibang madaanan. Grabe na ang mga sira ng sasakyan at tila may tao pang tumawid lang, nabangga na.

Lumabas ako ng kotse. Napapailing na lang ako sa sobrang inis. Ang atensyon ng lahat ay tila naroon sa aksidente. At ako lang yata ang nakatayo sa di kalayuan. Naiinis. Naghihimutok. 

"Bakit kasi ngayon pa naaksidente yang mga yan, pwede namang bukas," sabi ko at wala akong pakialam kung may makarinig sa'kin. Pero sa kabutihang palad, tila wala namang nakarinig. 

Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa kabilang kalsada. Malinaw ang mukha niya sa nakikita ko. Makinis ito, matangos ang ilong at maganda ang mata niya, maliit ang kanyang labi na unti-unting ngumiti habang nakatingin sa akin. 

Aba't may kaparehas pa yata akong walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Pero hindi siya katulad kong naiinis. Nakapamulsa siya at hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. NaConscious ako sa suot kong dress na pink. Hinila ko ito pababa. Baka kasi manyakis ito at type lang ako. 

Inalis ko ang tingin sa kanya. Naalala kong male-late na nga pala ako. I've got no choice but to walk. Walk and walk until I finally distance myself from many people. Ngunit tila walang pakialam ang mga tao at patuloy lang sa paglalakad papunta sa pinagganapan ng aksidente. Ni hindi man lang sila tumatabi sa dadaanan ko kaya ito, ako ang nag-aadjust. Ako ang tumatabi. Can everything get any worse than this? 

Sa paglalakad ko, muli kong nakita ang lalaking nakatitig sa'kin kanina. This time, mas malapitan. Matangkad siya at nakangiti pa rin. Umiwas ako ng tingin. Kinakabahan na 'ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ngunit naramdaman ko, sumusunod siya sa akin. Hindi na ko nakapagpigil... Lumingon na ako. 

"Ano bang problema mo?! Bakit mo 'ko sinusundan?" pagtataas ko ng boses sa kanya. 

Ngunit tila hindi siya na-threatened sa pagtataray ko. Lalo akong nainis. 

"Dahil kelangan..." sagot niyang nakangiti. 

"Wala akong panahon sa pangtitrip mo ha. Get Lost!"

Naglakad pa ako ng naglakad. Hanggang sa nakapunta na 'ko sa building ng aming Radio booth.  I'm 30 minutes late. Omaygad.

Nagmadali akong pumasok.Busy ang lahat. Walang bumabati sa akin. Ang weird. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko ang booth ko at natigilan ako ng makita ko si Patricia na nakaupo sa dapat na uupuan ko. 

Teka, kanina pa tapos ang shift niyan ah.

"Welcome back to Pag-ibig mo, ikwento mo.. Time-check 8:30 ng gabi. Buhay pa ba mga listeners?"

FUCK! PAG-IBIG MO, ISHARE MO? Eh show ko yan eh! Porket ba late ako, papalitan na ko ng ganun-ganun na lang. At si Patricia pa ha. Intrimitidang babae 'to. At ayaw pa niyang tumayo eh nandito na nga ako. 

Maya-maya'y lumabas na si Sir Leo, ang boss namin kasama si boss Audrey, executive ng radio station. Parehong seryoso ang mukha nila. Malungkot. 

"Sir.. I'm sorry.. I'm late.." saad ko. 

Walang nagbago sa reaksyon niya. Parang di ako narinig. 

"Sir, wag niyo namang gawin sa'kin 'to as if I have done the biggest mistake. Ngayon lang naman ako pumalya , sir---"

"We're going to change the show" sabi ni sir Leo.

"What?... What's wrong? dahil lang sa late ako? Holy fuck!!!"

"Malaking kawalan si Francine sa atin. At sa biglaan niyang pagkawala, we have to make huge adjustments," dagdag pa ni sir Leo.

PAG---KA---WA---LA? Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi pala ako ang kausap ni sir Leo. Hindi niya ako naririnig? Hindi niya ako nakikita? What's happening? WEIIIRD! Hindi ko maintindihan.

Tumingin ako sa paligid at tumakbo ako palabas. Naupo ako sa tabi sa sobrang gulo ng isip ko.

"Panaginip lang 'to! Please. Please. Francine WAKE UP!" sinasampal ko ang sarili ko.

"Hindi ito panaginip"

Tiningnan ko kung san galing ang tinig---Sa lalaking kanina pa ako sinusundan.

"Ikaw na naman?" sabi ko. 

Ngumiti siya. Tila wala na rin akong choice kundi kausapin siya. Mukhang siya lang ang nakakarinig at nakakakita sa'kin.

"Bakit ikaw nakikita mo ko? Bakit ganito? Bakit ang gulo?"

"Gusto mong malaman ang totoo?" tanong niya. Hindi ako sumagot.

"Sumama ka sa'kin nang malaman mo..." 

At ilang sandali't nagpitik siya ng daliri. 

SLICES OF HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon