Chapter 1: Meet Francine.

18 0 0
                                    

Nagring ang aking cellphone at napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Nathan na nagregister sa screen. Agad kong pinindot ang Answer button na puno ng excitement. 

"Hello babe? Kumusta?" ako ang unang nagsalita. Malaki ang ngiti ko sa mukha sa paghihintay marinig ang kanyang boses. 

Sa lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko, kay Nathan ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam na para bang mas buhay pa ko sa buhay. Tatlong taon na mula nung sinagot ko siya sa isang coffee shop at wala akong pinagsisihan sa pagsagot ko ng "oo" sa kanya. Katulad din nang magpropose siya sa'kin tatlong linggo na ang nakalilipas, hindi ako nagdalawang-isip na sumagot ng "Oo" sa kanya. Sigurado ako. Siya na ang gusto kong makasama habangbuhay. 

"Ito babe, namimiss ka. How's my baby?" saad niya. 

Hindi ko mapigilang kiligin na para bang unang linggo pa lang ng aming relasyon. 

"Mas miss kita noh! Ito, nag-aayos ng gamit, pasok na ko later,

"Ingat ha, wag mong kakalimutan yung vitamins mo saka magkape ka para di ka antukin mamaya,"

"Opo. Boss! Ikaw, behave ka lang diyan ha Engineer Nathan. Dahil soon, palasyo naman natin ang gagawin mo," 

"Yes boss!" sabi niyang may hagikgik na kasama. "Nga pala babe, gusto ko lang sabihin na, pinakinggan ko yung show mo kagabi, it was good. You are such a good love-advicer at hindi ko ineexpect na ganun ka ka-expert sa pag-ibig. Kaya mahal na mahal kita eh. I'm proud of you,"

Napabuntong-hininga ako sa pagkaoverwhelm. Ang sarap pa ring marinig ng mga salitang yun kahit ilang beses niyang pinapaulit-ulit sa akin na pinagmamalaki niya ako at mahal na mahal niya ako. Ang sarap sa pakiramdam na maappreciate ka nang taong mahal na mahal mo. 

"Thank you baby, you never fail to make me feel so flattered. I love you so much!"

"I love you, DJ Effie" 

Pinutol na namin ang linya pero nakangiti pa rin ako. Napawi niya lahat ng pressure at stress ko sa trabaho lalo na sa katrabaho kong si Patrcia, kapwa DJ ko. Halos sabay kaming na-hire nito sa Melodio Station 103.4 at noon pa lang, mabigat na ang pakikitungo nito sa akin. Maikli at malamig kung makipag-usap sa akin at hindi man lang ngumingiti. Siya ang dahilan kung bakit minsan ayaw kong pumasok sa trabaho pero naisip ko, maraming kelangan nang kausap. Maraming kelangan ng tagapakinig. at yun, yun ang trabaho ko. 

"Ate Francine... Ate.." kinalabit ako ni Bonbon. Pinakamakulit kong kapatid. 

Actually, tatlo talaga kaming magkakapatid. May panganay pa kaming kapatid na nasa California kasama ng mga magulang namin. Doon kami dati nakatira pero sinama ako ng tito ko Pilipinas, dito ako lumaki kaya hindi ko talaga nakilala ang panganay naming si Adrian. Ni hindi ko rin siya nagagawang kausapin. Naiilang ako. Ganun talaga siguro 'pag hindi ka nakabuo ng bonding sa isang tao. 

"Ano ba yun?" tanong kong naiirita kay Bon.

Sampung taon ang tanda ko kay Bonbon. Nang isilang ito, isang taon siyang namalagi sa California at dinala agad siya dito sa Pilipinas kasama ni tito. Tumungtong ako ng labingwalong taong gulang, umalis na rin si tito sa poder namin at ako na ang nagsilbing guardian ni Bon. Bagamat kinukumusta naman kami nina mama, tanging mga katulong lang din namin sa bahay ang aming kasama at kaagapay. 

Nagtapos ako sa kolehiyo at nakipagsapalaran sa Austria at doon. Doon ko nakilala si Nathan. 

"May program kasi sa school, kaylangan ka dun ate," 

"Si Nana Pacing na lang papuntahin mo, okay? May trabaho pa ko"

Hindi na siya kumibo at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Wala pa kasi akong napupuntahang program nila sa school dahil busy ako at dahil na rin sa ayaw ko talaga. 

Kinuha ko na ang bag ko at sumakay na ng kotse. Bigla namang nagring ang phone ko at this time, hindi na si Nathan ang tumatawag. It's Michelle, My bestfriend. 

"Hello"

"Hi Fra! Punta ka tomorrow sa anniversary namin ni Jon ah. Aasahan kita," masaya niyang tono. 

"But Mich---"

"Hep hep! The last time I called you for a dinner date, hindi ka pwede. Sabi mo, babawi ka. Nung umiiyak ako, sabi mo, sorry kasi hindi ka makakapunta para damayan ako 'cause you're fucking busy and you told me babawi ka. Fra! Bumawi ka na bukas please. I miss you"

Bukas? Bukas lang ang pahinga ko tapos papapuntahin niya pa ko sa anniversary nila ng boyfriend niya? Hindi ko na sinagot pa si Patricia. Binabaan ko na ito. Ano ba naman kasing gagawin ko sa anniversary nila? Ugh! Sometimes I feel like I'm so useless as a bestfriend pero ayoko talagang pumunta. Haaay. Nakakaguilty rin naman kasi ang dami ko nang pinalampas kay Michelle. Lalo na nung isang gabing umiiyak siya sa phone at wala akong nagawa. 

I glance at my watch. Nanlaki ang mata ko. OMAYGAD. 7:30pm na. Malelate na ko sa show ko! Binilisan ko lalo ang pagmamaneho ko. 

Pag na-late ako, nakikita ko na ang reaksyon ng mga boss ko. Nakikita ko na ang pang-aasar ni Patricia. EEEERRRR! Kelangan kong bilisan. Bumwelo ako. 

At sa ilang sandali'y may malakas na kalabog akong narinig!

SLICES OF HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon