Chapter 9: Appreciate

21 0 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nag-ayos ng sarili at maagang umalis ng bahay dala-dala ang pouch na naiwan ni Patricia. Pumunta ako sa building ng radio station na pinagtatrabahuhan ko noon. Pinaunlakan naman ako ng mga tao nang malaman nila ang pakay ko. Saglit lang akong naghintay at lumabas din si Patricia. 

Bahagya akong ngumiti habang nakatingin lang siya sa akin at para bang inaalala kung saan at kailan niya ako huling nakita. 

"Nagkita na ba tayo?" tanong niya.

Gusto ko sanang sabihing matagal na kaming nagkikita dahil nasa iisang istasyon lang kami pero naalala 'kong ako nga pala si Camille. 

"Ako yung crew doon sa bakehop na pinuntahan mo kahapon, naiwan mo 'to," iniabot ko ang pouch. 

Tiningnan niya ito na wari mo'y nabigla. Agad niya itong kinuha.

"Oh my God! Sa bakeshop ko 'to naiwan?Hanap ako ng hanap nito ah."

Nakita ko kung paano niya ito niyakap. Kung paanong halos maluha siya nang makita iyon. Muli siyang tumingin sa'kin at hinawakan ang kamay ko. 

"Paano ba kita mababayaran?"

"Ahhh Nako hindi na, wag na."

"Wait! alam ko na. Halika.."

Hinila niya ako papunta sa kanyang booth. Pinaupo niya ako. Nakita kong kinuha niya yung headphone at iniabot sa akin. Sinuot niya yung kanya kaya ginaya ko na rin. Ilang saglit pa'y tumapat na siya sa microphone. 

"And we're back... Napakagandang umaga ang tumambad sa'kin. Nako mga listeners. Maniniwala ba kayong may mga mabubuting tao pa sa mundong ito?.. Pwes ako! Naniniwala ako" 

Napapangiti na lang ako. Gahd! I miss this place. I miss everyting here! Nakita kong may pinindot siya para magproduce ng sound effect. 

"Dahil nasa tabi ko ngayon ang nagsauli ng pouch kong very much important sa'kin." Tumingin siya sa'kin. "What's your name?"

"Ako si Fr--- Ahh.. Camille."

"Camille. Thank you so much for bringing my pouch back to me. Naglalaman pa yan ng sanitary napkin ano ba!" and she presses another button for the sound effect. Natawa ako. Ganoon pala ka-jolly si Patricia. Hindi ko kasi naappreciate ito nung nabubuhay pa 'ko.

Ibang Patricia ang nakita ko sa Patricia na nakasalamuha ko noon. Iba rin ang Patriciang nakita ko sa bakeshop. Alam kong may bumabagabag sa kanya. Alam kong sa loob niya ay mayroong lungkot at kailangan niya ng karamay. 

Hanggang sa natapos ang isang gap ng kanyang programa hinatid niya ako sa labasan. Patuloy pa rin siya sa pagpapasalamat. 

"Hindi mo alam kung gaano kahalaga 'to sa'kin, Camille. Thank you. Friends na tayo mula ngayon at lagi na 'kong tatambay  sa shop niyo,"

Ngumiti lang ako. Hindi pa rin makapaniwala sa gaan ng pakikitungo ni Patricia sa akin. 

Hanggang sa tuluyan na 'kong umalis na may ngiti sa mukha. Papasok na 'ko sa bakeshop nang matanaw ko si Bonbon na naglalakad mag-isa. Tinawag ko ito agad. Lumingon siya at ngumiti. Lumapit ako. 

"Saan ka pupunta, Bon?"

Napansin ko kasing hindi naman ito naka-school uniform.

"Sa school po"

Nagtaka ako, "Bakit ganyan ang suot mo?"

"May program po sa school. Magpeperform po kami tapos kuhanan din po ng classcards."

"Sinong kukuha ng cards mo? Sinong manunuod sa'yo?"

"Wala po."

Hindi ako nakaimik.

"Sanay na po ako."

Nasaktan ako sa nakita at narinig ko. 

"Okay lang ba sa'yo kung... Panuorin kita? Ako na rin ang kukuha ng classcards mo?"

Nakita ko kung paanong nagliwanag ang mukha niya, "talaga po?"

Tumango ako at sinabayan na siyang maglakad. Sa paglalakad naming iyon, doon ko lang narealize na sobra ko pala siyang namiss sa buong buhay ko. Nakita ko kung gaano kasaya si Bonbon kapag may kasama, kapag naramdaman niyang may pumapansin sa kanya as if for the first time may nakaappreciate ng existence niya.

 Nag-umpisa ang performance nila. Hindi ako pamilyar sa programang ito ng school pero umupo ako sa pinakaharapan. Nabasa ko sa stage ang nakasulat na ST. JUDE ACADEMY GOT TALENT. Nakita 'kong hawak ni Bonbon ang gitara. Pinakilala siya ng emcee as guest. Si Bonbon ang mag-iintermission number. Nanalo na raw kasi ito noong nakaraang taon. And I have never been aware of that. Hindi ko man lang alam na sumasali sa mga ganitong contest ang kapatid ko at hindi ko man lang alam na may talent siyang ganito. 

Lumakad na sa gitna ng stage si Bonbon. Ngumiti sa mga tao at humarap na sa mikropono. 

"Magandang araw po sa inyong lahat. Gusto ko po sanang ialay ang kantang ito sa ate ko. Kung nasaan man po siya, gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya," 

Nangilid ang mga luha ko nang marinig ko iyon. Ganun ako kahalaga sa kapatid kong hindi ko man lang napahalagahan? I feel so stupid! 

Kantang pasasalamat ang inawit niya. Nakikita kong nangingilid din ang kanyang luha habang kumakanta. Nakita ko ang puso niya sa bawat salitang sinasabi niya sa mga tonong nakakapangtunaw ng damdamin. 

Natapos ang kanta. Pinalakpakan siya ng lahat. Isa na ko roon. Agad naming kinuha ang report card niya at sabay na rin kaming naglakad pauwi. 

"Magaling ka palang kumanta, Bon"

Ngumiti siya. 

"Tapos ang tataas pa ng grades mo oh! Nakakaproud"

Muli siyang ngumiti. 

"Sana nga po nakakaproud yang mga ginawa ko," sabi niya. 

Bahagya akong yumuko para matapatan ang nakatungong si Bonbon. Iniangat ko ito at tumingin sa akin.

"Bon, alam mo.. Kung nasaan man yang ate mo, sigurado ako, sobrang proud nun sa'yo. Sigurado ako, pinagmamalaki ka niya sa mga angels dun sa heaven"

Nakita kong lumaki ang kanyang ngiti. Niyakap niya ako. 

"Salamat po ate ha. Salamat po,"

Tinugunan ko ng isang yakap din ang ginawa niya. Hindi ko na napigilang mapaluha. Iyon yata ang unang pagkakataong niyakap ko ang kapatid ko. Bakit ba hindi ko man lang nagawa ito nung nabubuhay pa ko? Bakit ba hindi ko man lang nadama noon na kaming dalawa lang ang magkasangga sa buhay, at hindi ko man lang siya nadamayan?

Hinatid ko hanggang sa bahay si Bonbon. Nagbabakasakaling naroon si Nathan. Pero sinuri ko ang bahay sa labas, mukhang walang ibang tao kung hindi ang mga katulong. Nagpaalam na si Bonbon na nakangiti sa akin. Alam kong sa pagkakataong ito, ang ngiti niyang iyon ay ngiting pasasalamat.

Hindi ako pumasok sa trabaho. Huli na rin kung humabol ako. Kaya naisip kong pumunta sa lugar kung nasaan talaga ako.

Ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito sa katawang tao. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, niyakap ko ang aking sarili. Hinanap ko ang aking puntod. Sandali pa'y nakita ko ito. Napansin kong maraming bulaklak. Mukhang kalalagay lang ng mga iyon. Nangiti ako sa ideyang kay Nathan galing ang lahat ng 'to. Sayang. Hindi ko siya naabutan ngayon. 

SLICES OF HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon