Prolouge

526 14 0
                                    

Grace's POV

"Geng, anak. Wake up na maaga ka pa sa school, you don't wanna be late for your first day as Grade 11"

Naalimpungatan ako sa malumanay na tawag sa akin ni Mommy. Hayshh, it's my first day na pala bilang Senior High School! Shocks naman. Napatingin ako sa orasan at mas lalong lumaki ang aking mga mata.

"OMG! 6 o'clock na! I'm going to be lateeeeee!"

Ginawa ko na ang aking morning ritual pero di na ako nag make up. Napaingin ako sa mirror para tignan ang aking repleksyon. Katamtaman lang naman akong maituturing. May maiksing buhok, kayumanggi ang kulay ng aking balat at napakachubby ko Lalo na yung pisngi ko. Tinignan ko ang repleksiyon ng palda ko ngunit di ko na makita. Haaays ang pandak ko kase.

Patakbo akong bumaba sa kwarto para makakain.

"Oh, wag kang magmadali baka matapilok ka!" ani ni Mommy.

"Mommy, late na ako eh. Una na po ako ha?" sagot ko sabay patakbong lumabas.

Sumakay ako sa motor ko at sinuot ang aking helmet. Pinaharurot ko ang motor ng biglang maalala ko ang isang importanteng bagay na nakalimutan ko.

"SHET. Yung baon ko!!!" >_< Breakfast is the most important meal of the day! Pinaharurot ko pabalik ang motor para balikan ang baon kong breakfast. Sakto naming nasa labas si mommy hawak hawak ang aking lunch box.

"Sabi na nga ba at babalikan mo 'to eh." Nakangiting sambit ni mommy.

"Hahaha, of course mom. I can't miss a meal" I replied cheerfully and drove away quickly.

Maybe you're wondering who am I? Well, I'm Grace Chanel. I'm just a normal ordinary girl. There's nothing special in my life, or so I thought. In my 17 years of experience I was showered with love from my parents, only child eh. Pero i'm glad na di ako bratty or spoiled kahit na mag-isa ako.

Actually, may isang bagay lang talaga akong pinagtatakhan, tila isang munting misteryo ng buhay ko. Nandito na pala ako sa tapat ng school.

I entered and walked quietly ng biglang----- "WAAAAAAAAAAAH!" "OH MY GULAAAAAAAAY". Napatalon ako sa gulat at naging alerto ang aking sistema sa ano mang panganib sa paligid. Maraming kababaihan ang nagkumpulan sa tabi ng gate. Wala bang pasok? Bakit ang saya nila?

Na-curious ako kaya sinilip ko kung anong nangyayare. May limang mapuputing lalaki na kabababa lamang sa kotse. Lahat sila ay naka varsity jacket at nakasuot ng shaded. Hmmm? Sino kaya sila? Anak ng presidente?

Anyways, dahil nga malelate na ako umalis nalang ako sa lugar at nag-umpisang hanapin ang room ko. First day na first day nagkakagulo ang mga tao. Haaaays. Napabuntong hininga na lamang ako.

"HOY GRASYA! *insert squeaky voice*" There's only one person who calls me grasya. Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Karrie Delabuyo. (I know, medyo familiar ang name niya at ang sagwa ng apelyido niya pero keri na ang pretty naman ih). Nakangiting kumakaway sa akin.

Siya at may maputing skin tone, brown eyes na medyo singkit, always magulong hair at mapupulang labi. at higit sa lahat kasing tangkad ko (o mas matangkad yata ng kaunti..... beri layt...... pramis hehe).

"HOY KARRIE-KARRIE! ANO KINUHA MONG STRAND WENGYA KA!"----- Hahaha. Kapag kasama ko tong babaitang to nagiging eskandalosa ako.

"NAG HUMMSS AKO BESH! IKAW?" Pasigaw na tanong niya sa akin.

"Nag STEM ako besh, try ko lang bugbugin sarili ko sa calculus." Sarcastic kong sagot because geez, I fucking hate MATH.

"wahaahahaha Goodluck sa'yo. Pero alam kong kaya mo yan sa talino mo yan" Hagikhik ni Karrie.

"Ewan ko sayo besh. Tawagin na nga natin sila Odette at Selena" wika ko.

"Hi gurl!!!" Sigaw ni Selena Agas-- isa ko pang kaibigan. Kayumanggi. Payat at may mahabang buhok. Flaaaat, pero maganda. At higit sa lahat kapwa ko 5 flat. hahaha.

Bago pa man kami makasagot at dumating na si Odette Swan ang pinakamaganda sa aming grupo. Like literal na Dyosa siya girl. Ikaw ba naman ang may lahing Malaysian. May napakahabang buhok na sobrang straight di tulad ng ex niyo. May Malaki at bilugang mata, maliit ngunit mapulang labi at higit sa lahat. Kapwa ko ring pandak.

"Hello" nakangiti niyang wika. Nagyakapan kami at nagkamustahan ng biglang--- "AWWW"

Napahiyaw ako ng may bumaga sa aking matangkas na lalake. "Aray naman, pwedeng tumingin ka naman sa 'yong dinadaanan. Bulag ka ba?" sambit ng lokong gago na nambangga sa akin.

"Excuse me? Eh ikaw po kaya tong bumangga sa akin. How rude!" Angal ko sa llaking nakabangga sa akin. Now that i've seen his face napansin ko na napaka gwapo niya. Nakakunot ang kanyang noo pero ang cute niya paren tignan.

*napailing iling* Shocks! Pati walang modong lalake pinaganasahan ko pa. Ngunit naaninag ko na medyo pamilyar siya. Siya yata yung isa sa mga lalake na nakashades kanina sa gate.

"Sus, miss. Marami na ako na encounter na katulad mo. Pahiram nalang ng ballpen at bibigyan kita nang autograph" nakangising sambit niya.

"Autograph? Bakit? Si Unique ka ba? Ha? Myembro ka ba ng IV of spades, autotelic, bennybunny, agsunta, atbp. Ha? Ikaw ba si kiyo? ikaw ba si nosia? Why the hell would I get your autograph. " Pairap na sagot ko sa kanya.

"Look, I don't know what you're talking about pero pakibilisan. Marami pa ako gagawin." Tila naiinis niyang sagot. Kung di ka lang talaga gwapo sinapak na kita. Grrrrr. Aym sow marupowk.

"I don't know din kung ano sinasabi mo and di lang ikaw ang nasasayang ang oras. I have to go." pormal na sambit ko at naglakad papalayo. Napalingon ako sa mga kaibigan ko. Why do they look so shookt?

"SHEMS GRACE! Why did you do that? Di mo ba siya kilala?" Sigaw ni Karrie.

"Nope? Bakit, sikat ba?" pagtataka ko.

"Saang planeta ka ba galing at di mo kilala ang Gimme 5?" Takang taka na tanong ni Selena.

"Jusko! di ko kineri!" sambit ni Odette.

"What's the matter? Sino ba sila? Ano bang gimme 5 ha?" sagot ko.

{NEXT POV}

Joaquin's POV

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi guys. Major editing ang pagbabago sa scenes ang ganap sa story na ito. Gimme 5 fanfic parin siya pero marami nang changes.. for the better :)

Hope you enjoyed the Chapter 1. Hahabaan ko na sa mga susunod.

Ciao!,

BGST

My Hero? (Joaquin Lucas Reyes FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon