Chapter 4

10 2 0
                                    

Kinabukasan...

Nagising ako dahil may likidong umaagos mula sa mata ko. Umiiyak ako. Wait -what?napabalikwas ako sa pagbangon at agad na pumunta sa salamin para tignan kung umiiyak ba talaga ako.

At nakumpirma kung umiiyak nga ko pero bakit naman ako iiyak. Inisip ko kung may nagawa or nakaaway ba ako kahapon pero wala talaga akong maalala na meron.

Biglang sumagi sa isip ko ang laman ng aking panaginip, hindi ko na masyadong naaalala lahat ng nangyari sa panaginip ko, pero ang nasisiguro ko lang ay may isang lalaking hindi-hindi ko matukoy kung sino.

Inisip ko kung kailan pa’to nagsimula. Kailan nga ba?Ah, oo tama nagsimula to nang maghiwalay kami ni Liam. Pano kung si Liam yung lalaki?Napapailing nalang ako sa naisip ko dahil kahit anong pilit ko na mag isip hindi ko talaga makita ang mga tindig at maski boses ni Liam sa lalaking nasa panaginip ko.

Hindi nako nag isip pa at naligo nalang 9am pa naman. Sabado kasi  ngayon kaya wala akong pasok. Mabubulok nanaman ako nito sa bahay, buhay nga naman oh.

Napagpasyahan ko nalang bumaba at kumain ng breakfast , i know it’s late, Ano bang paki niyo kung nagpalalipas ako ng gutom akin naman tong katawan ko eh, charr lang thank you sa care guys.

At pagkababa ko ay dumeretso agad ako sa kitchen para maghanap ng maka-kain, sa tagal nang pamimili ko tanging cup noodles lang yung pinulot ko at nilagyan ng mainit na tubig.

Lumapit ako sa T.V para i-on yun. Habang kumakain nanonood ako ng Sleeping beauty. Ang ganda talaga ni Aurora pretty as me chawoottt. peace.

Pasubo na sana ako ng cupnoodles when my phone vibrate ramdam ko yun dahil nasa loob yun ng pantalon ko wag green minded ah nasa bulsa ko yung Cellphone. tsss..

Si Ate.

Hello?ani ko.

Oh, buti naman at gising kana. sagot naman ni ate.

Ate bakit parang wala kayo dito sa bahay nasan ba kayo?

Alangan namang nandiyan kami eh nandito kaya kami sa Lapu-Lapu hala ang daya hindi man lang ako isinama.

At di ka man lang nag abalang gisingin at pasamahin ako sa lakad niyo. naka-pout kung sinabi yun. Ang sasama ng mga ugali nila diman lang ba ako sinama.

Aba’t sinong mag aabala sayo na gisingin ka kung ilang beses na kitang niyugyog para magising kulang na nga lang sipain ko yung mukha mo!

Hoy tuleg kasi nga naman napa ka-oa mo kung yumugyog sino naman ang makakagising eh parang tinitingnan mo nga lang ako kung pano matulog eh. oo naramdamn ko kaninang may gumising sakin pero dahil sa antok na antok paako natulog nalang ako ulit dahil akala ko wala kaming lakad ngayon. Kaya ayon ako nanaman si loner ngayon.

Naramdaman mo naman pala eh bakit hindi kapa gumising ikaw pala tong baliw eh tapos ako payong sisihin mo na hindi ka nakasma!

Nasan ba kasi kayo sa lupalop ng Cebu napadpad!

Bingi karin minsan eh no?sinabi ko na ngang nasa Lapu-lapu kami eh!nasabi ba niya sorry naman ulyanin na kasi yung lola niyo.

Saang part sa Lapu-Lapu?

Sa MNHS. my god!gusto ko magwala dahil sa hindi ako nakasama sa kanila sa MNHS balita ko kasi maganda ang school nayung kahit public dahil may mga teacher’s silang magagaling!Hays.. Marigondon National High School.

Ate pwede bang ibigay mo nalang kay mommy yung phone naiirita na kasi ako sayo eh.

At sakin kapa talaga naiirita ah?

Oo dahil ang tulis ng bunganga mo!

Ma, kausapan kadaw ng nagmamaganda mong anak. dinig kung sabi sa kabilang linya at ako pa talaga ang nagmamaganda!

Hello?Azi?

Ma?

Anong kailangan mo anak?

Kailangan ko tong sabihin.

Ma.. pwede bang jan nalang ako mag aral?

Saan ka mag aaral anak?

Jan po sa MNHS. Oo tama ang pagbasa niyo napagdesisyonan ko agad na lumipat ng school. At sa MNHS yun.

Sure kaba anak?nagtatakang tanong niya.

Opo, at desidido napo ako.

Kaya mo bang malayo samin?

Hindi naman po ako mag iisa kukumbensihin ko po si Mat na sumama sakin diyan. May bahay din naman po sila diyan.

Ah ganon ba anak sige kakausapin ko nalang yung principal nila dito at kapag pumayag ihahanda ko na ang mga papers mo para maka transfer ka agad dito. yan si mommy, sobrang supportive niya kaya nga love ko silang dalawa ni daddy dahil pinapayagan lang nila kung ano ang gusto namin ni ate pero hindi naman na sa nagiging spoil na kami dahil maganda naman lahat ng records ko sa Woodbridge ayaw ko na lang talagang pumasok doon kasi bumalik na si Liam at ayaw ko na siyang maisip pa dahil nasasaktan ako sa tuwing maalala ko kung pano kami naghiwalay.

Cge po. yun lang at binaba ko na yung tawag. Ilang saglit lang napagpasyahan ko nalang na tawagan si mat para sabihin ang plano ko, agad naman niya itong sinagot...

Goodmorning Sleepping beauty!agad kung nilayo ang cellphone sa tainga ko dahil bigla nalang siyang sumigaw , kahit kailan parang laging nakashabu!at nung nakontento nako na hindi na ulit pa siya sisigaw ibinalik ko sa tenga ko ang cellphone..

Hoi bakla hinaan.mo nga yang bunganga mo atsaka anong goodmorning eh hapon na nga eh!aminin mo nga sakin.....Naka drugs kaba?

Sama talaga ng ugali mo eh no sumigaw lang ng goodmorning naka shabu na agad diba pwedeng maganda lang ang gising ko?at alam mo kung bakit goodmorning dahil kakagising ko lang!

Blaaahh... blahhh.. blahhhh

Anak ng kambing- pinutol ko yung sasabihin niya dahil may naisip akong kagaguhan.

Diba ikaw yun?

Huh?anong ako yun?Nagtatakang tanong niya . At ako ito nagpipigil ng tawa

Uhmm... kunwari pa akong nag iisip kahit hindi naman talaga. diba ikaw yung anak ng kambing... nagpipigil parin ako sa tawa nang sabihin ko yun pano kasi kahit hindi ko siya makita alam kung umuusok na yung malapalwa niyang ilong hahah!

Inuunahan mo talaga ako sa pang aasar noh. Magaling...dahil buong araw ko sira na dahil sayo!Hinding hindi na kita sasamahan kung saan ka pupunta!naku yun pa naman sana ang dahilan kung bakit ako tumawag sa kanya.

Oy... prince charming alam mo ba na ikaw ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko?pang uuto ko pa sa kanya.

Tse. ang sama talaga ng ugali mo!

Sorry, na kasi HAAH

Tignan mo nagsosorry lang sinasabayan pa nang tawa hindi ka talaga manhid eh no?

Abay, oo naman hindi ako manhid.

Hoy shungaaa ang sabi ko manhid ka dahil hindi mo man lang nararamdaman na nakakasakit ka na dahil diyan sa mga sinasabi mo!baliw talaga tong lalaking to eh no nag sorry na nga umaarte pa eh kung dagukan ko siya kapag nagkita kami yung tipong hindi na gagalaw pa ang leeg niya. Ang talino ko talaga bwahahah....
















The Man In My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon