Matt’s P.O.V.
Its been a week since hindi na kami masyadong nagkaka usap ni Azi kahit nasa iisang bahay lang kami. I miss her noisy voice. I really damn miss her.
Nang mamatay sina tito at tita hindi ko nakita si Azi na umiyak ni nagmukmok hindi. Pinapakita niya sa lahat na ok lang siya pero ang totoo hinang hina na siya. Hindi ko na kinontra kung ano man ang mga ginagawa niya dahil ang sabi ng ate niya ay pabayaan ko muna siya kaya ayon kahit pa sa school hindi siya masyadong kumikibo at kung tatawagin naman siya para pasagutin sa mga tanong ng guro kailangan mo na siyang yugyugin bago pa ito matauhan. Kung baga lagi siyang lutang.
At ilang araw nalang ang lumipas ganoon padin si Azi hindi na din niya’ko pinapansin. Kapag uuwi siya galing school dederetso agad siya sa kwarto niya ni Hi-Hello wala kaming napag uusapan.
Mahirap tignan si Azi na nagluluksa isa kasi siya sa mga babae na pa lagi mo lang nakikita na naka-smile at hindi mo aakalain na may problemang hinaharap.
Gabi na ngayon at hindi parin bumababa si Azi para kumain kaya hindi ko na napigilan at nagpasya akong puntahan siya sa kwarto niya.
Kakatok na sana ako ng marinig kung bumungis-ngis si Azi. Nakaawang lang ang pinto kaya malaya ko’ng nakikita kung ano ang ginagawa niya.
May hawak siyang cellphone halatang may kausap, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit ito tumatawa hindi naman sa ayaw kong sumaya si Azi pero sino ang kausap niya?
Hahaahha... tumawa nanaman si Azi halatang masaya nga siya.
Magsasalita na sana ako pero...
Ah hahaha yeah mali naman pala ang mga pinagsasabi nila tungkol sayo dahil ang totoo ang bait mo!magiliw pa nitong ani sa kausap na nasa kabilang linya.
Ilang segundo na ang lumipas pero si Azi ay nakangiti parin.
Really lalabas tayo bukas?..... sige ba, ilang araw nadin kasi akong nakatambay lang dito sa bahay ni Matt at tsaka sa tagal ko nang nanirahan dito sa Lapu-Lapu ni isang lugar wala pa akong napuntahan exept for GGM...
Tinitigan ko lang si Azi,. sino ba kasing kausap niya?
Yeah, ok then see you tomorrow Mr. President,.... hahaha sa hindi malamang dahilan bigla nalang huminto sa pagtibok ang puso ko.. Si-si jaydee ba ang kausap niya?ok ok dont be strong hahaha Bye Jaydee See you tomorrow goodnight!ng maibaba na ni Azi ang cellphone ay lumabas na ako sa kwarto niya baki kasi magalit siya na pinakikinggan ko ang pag uusap nila ni Jaydee.
Ilang segundo ang lumipas ay kumatok ako sa kwarto ni Azi para sabihing kumain na siya...
Sino yan?
Tch.. ako to si Matt.
Oh Matt ikaw lang pala kala ko kung sino na.
Bakit may hinihintay kang bisita?
Ah wala.
Kumain kana... may nakahanda na’ng pagkain doon sa mesa.
Hindi mo’ko sasabayan?
Hindi, tapos na kung kumain.. malamig ko pang ani.
May lagnat kaba?akma na sana siyang lalapit para kapain kung may lagnat ba’ko pero inihilig ko ang ulo ko para hindi niya ito mahawakan..
Ako may lagnat?hindi palang sila nakakalapit sakin nailagan ko na.
Eh bakit matamlay ka?
Pagod lang to sige na kumain kana dahil mag V-vc pa kami nila mommy at daddy...
-ah ganoon ba sige...
BINABASA MO ANG
The Man In My Dream
RandomIsang babaeng walang hinangad kundi ang maging masaya sa larangan ng pag ibig.