Matt’s POV.
Nagising ang diwa ko dahil sa lamig ng tubig na bumuhos sa buo kong katawan.
Tinignan ko ang buong paligid ang dilim dilim tanging ilaw lang ng buwan ang makikita.
Pilit kung inaalala kung pano ako napunta dito pero ang tangi ko lang naalala ay yung magkasama kami ni Ericka sa loob ng VIP Room hanggang dun lang ang naalala ko.
Hindi kaya si Ericka ang nagdala sakin dito pero bakit niya naman ako dadalhin dito eh ang dilim dilim nga dito pshhh. stupid.... sabi ko pa sa isip ko. Pero pano kung siya nga ang may pakana nito?gulong gulo nako sa mga nangyayari.
Muli kong nilibot ang mga mata ko nagbabakasakaling makita ko dito si Ericka. Pero ni anino ni Ericka wala akong makita nasan ba kasi ako?
Naaninag ko na may lalaking naglalakad patungo sa kinaroroonan ko kaya muling nabuhay ang lakas ng loob na meron ako.
Tulong!Kuya tulong po...... pagmamakaawa ko pa sa lalaki pero tumawa lang ito.
First time mo bang makidnap hijo?nakakainsultong sabi niya pa lahat ng pag asa na nabuo sa katawan ko kanina parang bula nalang na nawala.
A-nong gina-gawa ko dito?hinang hina nako!
Tanungin mo sarili mo boy wag puro kami. sagot naman ng isa pang kasamahan nila.
Kung alam ko kung nasan ako edi sana hindi nako nagtanong pa!pasinghal ko pang sabi kahit hinang hina nako.
Aba matapang siya boss pwede naba nating umpisahan ang plano natin?
So ikaw pala ang boss at saka anong plano yung gagawin niyo sakin ha!pilit kung pinapakita sakanila na hindi ako mahina.
Sayang ka bata eh ang gwapo mo sana kaso ang tanga mo!nakangisi pa niyang ani pasalamat siya tinawag niya kong gwapo kung hindi malilintikan talaga siya sakin.
Bakit hindi ba ikaw ang boss nila?
May boss ba nagpapakita agad?!mag-intay ka dahil pupunta din siya dito inuuna niya pa yung babae!hindi nga siya ang boss pero ang tanong sinong babae ang inuuna ng boss nila. Ay syete si Ericka!
Anong gagawin niyo sakanya!napaisip ako. Ay mali......kami pala!Anong balak niyo!
Bobo ka talaga eh no?sabi ko ngang maghintay ka diba mahirap bang intindihin yun?galing din ng kidnapper nato sumasagot sakin at hindi pako sinasaktan ganto dapat ang mga kidnapper hindi nanakit. Pero pano si Ericka?
Magtatanong pa sana ako kaso iniwan nako ng mga lalaki.....
Pano kung hindi si Ericka ang babae pero kung hindi siya sino?....... Mag isip ka Matt kung anong dapat mong gawin kailangang makatakas ka dito at mailigtas mo yung babae.. bulong ko pa sa sarili ko.
Nagpalingon lingon ako kung may bagay ba na matalas at kayang putulin ang tali saking kamay...... sakto may basag na buti kaya unti unti ko itong inabot hindi naman mahirap abutin dahil malapit lang sakin. Thank you Lord, kahit na hindi ako palaging nagsisimba ay hindi mo parin ako pinapapabayaan.
Nang maputol ko na ang tali ay muli kong tinignan ang paligid tahimik at parang walang tao kaya naman unti unti ako tumayo at naghanap ng daan palabas.
Hindi mahirap hanapin ang daan palabas dahil nahanap ko agad ito ng nasa ibaba nako ay libreng libre na sana akong makakatakas kaso naisip ko ang babae na tinutukoy ng mga lalaki......
Pano yung babae?mag-isip ka Matt...... Sa ganitong oras dapat sarili ko lang ang iiligtas ko pero sa pagkakataong ito iibahin ko ang nakatadhana tutulongan ko yung babae kahit na hindi ko pa siya kilala....
BINABASA MO ANG
The Man In My Dream
RandomIsang babaeng walang hinangad kundi ang maging masaya sa larangan ng pag ibig.