Azi’s POV.
‖ Now Playing:What if I Told You That I Love You by Ali Gatie‖
Mahigit dalawang linggo nadin simula nung mga pangyayari at dalawang linggo nading nasa hospital si Matt hanggang ngayon wala parin siyang malay.
Nandito lang ako sa labas ng private room ni Matt hindi ako pumasok kasi natatakot ako na baka ako ang sisihin nila Tita sa mga pangyayari kahit ako nga sinisisi ko din sarili ko. Kung hindi lang sana ako niligtas ni Matt edi sana ako yung nakahiga dun sa hospital bed na ngayon ay si Matt.
Sa mga araw na nagdaan ay wala akong maayos na tulog ako lang kasi ang nakatuka sa pagbabantay kay Matt dahil galing sila tita sa labas ng bansa at ngayon lang dumating.
Pagkadting na pagkadating nila ay hinarap ko agad sila pero wala silang sinabi kahit wala silang sinabi kitang kita ko sa mga mata ni tito ang galit sakin hindi ko siya masisisi.
Ang duwag duwag mo kasi Azi lagi nalang si Matt yung nagliligtas sayo....paninisi ko pa sa sarili ko. Matt gumising kana please.. bulong ko padin sa sarili ko.
Nanggaling nadin si Ate dito kahapon siya ang palaging nagdadala ng maiisuot at makakain ko sa araw araw na pagsta-stay dito sa hospital hanggang sa gumising si Matt.
Hindi nagtagal ang mga magulang ni Matt dahil may aasikasuhin silang bussiness seryoso ba sila nasa ospital nanga anak nila nagagawa padin nilang unahin ang trabaho?
Pumasok nako sa loob para bantayan si Matt habang hawak hawak ko ang kamay ni Matt ay unti unti nanamang tumutulo ang luha ko. Tama na Azi pinahihirapan mo lang sarili mo... pag aalo ko pa sa sarili.
Tinitigan ko ang mukha ni Matt para lang siyang natutulog ang kaso ngalang may mga sugat ang mukha niya na unti unti nadin namang gumagaling.
Alam mo Matt mabuti pa mga sugat mo gumagaling na e ikaw kailan mo balak gumising?pagkakausap ko pa sakanya kahit alam ko namang hindi niya ko maririnig. Matt naman gumising kana oh miss na miss na kita eh... ako ba Matt hindi mo namiss ayaw mo na yata akong makasama eh!Gkung may makakakita man sakin ngayon ay iisipin nilang baliw ako.
Umiyak lang ako ng umiyak dahil ito lang naman ang magagawa ko ang iyakan siya.
Matt’s POV.
Nasan ako?bungad ko agad ng magising ako. Pagkamulat ko ng mata ay tumambad agad sakin ang puting ilang na parang tinatawag ako.
Nasa langit naba ako?kahit na hindi ko alam ang nilalakaran ko ay nagpatuloy lang ako hanggang sa may makita akong dalawang tao “babae at lalaki”. Excuse me po alam niyo ba kung anong lugar to?nakangiti ito ng lingunin ako at ang mas nakakagulat ay kilala ko sila per pano?.... Tita..Tito?nakangiti padin sila.
Kami nga Matt...
Pero pano....
Oo Matt nandito kami ngayon sa harapan mo. nakangiti paring ani ni tita ang amo talaga ng mukha niya kung hindi ko lang siya kilala ay mapagkakamalan ko siyang buhay pa. etchos.
Patay napo ba‘ko?agad kung tanong pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit sila tumawa. bakit po?
Hahaha hindi ka padin nagbabago Matt.... Hindi kapa patay at hindi kapa pwedeng mamatay dahil hindi ka tatanggapin sa langit. napalaki yung mata ko sa sinabi niya. Hahah joke lang yun hijo wag mong seryosohin yung sinabi ko... cool pati pala mga patay na kaya paring magjoke haha. Hindi pa ito ang oras mo dahil kailangan mo pang bantayan ang anak namin Matt at mamahalin mo pa ang anak namin kahit nandito na kami ay magiging masaya parin kami kapag nagkaroon na kami ng apo. woohh demanding din sila pilit akong ngumiti.
Eh pano ko siya mamahalin kung hindi niya ko mahal ayaw ko po ng pilit na relasyon lang tito. ngumiti lang ito. Gusto ko yung mahal ko siya at mahal niya ko.
Matt sa buhay kailangan mo munang dumaan sa hirap bago ka dumating sa mga bagay na gusto mong maabot. naintindihan ko naman yung sinabi ni tita eh kaso parang may iba pa yung kahulugan pagdating sakanya.
Kailangan mo nang bumalik Matt ito ang tatandaan mo wag na wag mong iiwan ang anak namin kahit na ano man ang mangyari........... yun lang at unti unti na silang nawala na parang bula.
Nagising yung diwa ko dahil sa hagulhol na naririnig ko pero hindi ko lang ito ibinibuka kasi ayaw kung biglain ang mata ko sa liwanag.
Tama na Azi pinahihirapan mo lang sarili mo... naririnig ko siyang magsalita pero pinababayaan ko lang ito.
Hindi ko alam pero parang naawa ako kay Azi ramdam kung nasasaktan siya. Umiiyak lang si Azi kapag yung mga espesyal na mga tao sa paligid niya yung nasasaktan pero hindi niya ito ipinapakita kapag may kaharap siyang tao pero kapag siya nalang mag isa magtatago siya sa gilid at dun iiyak.
Alam mo Matt mabuti pa mga sugat mo gumagaling na e ikaw kailan mo balak gumising?ngayon na Azi ngayon ko na balak gumising pero teka may sugat yung mukha ko? oh no... my virgin face.. haha joke.
Matt naman gumising kana oh miss na miss na kita eh... ako ba Matt hindi mo namiss ayaw mo na yata akong makasama eh!miss na miss na kita Azi alam mo bang tatlong taon din akong naghintay sayo?Hindi na siya muli pang nagsalita at humagolhol nalang siya naawa nako kaya naman idinilat ko yung mata.
Pa-ngit kan-a nga um-iiyak kapa hirap na hirap ko yung sabihin. Nakita kung nagulat si Azi napatingin tingin siya sa paligid niya at matagal bago ito dumapo sakin kitang kita ko ang saya sa mga mata niya kaso nabigla ako nang humarurot siya ng takbo at nagsisigaw.. Tssss kahit kailan talaga baliw siya kanina umiiyak ngayon naman parang bulati kung makaasta.
Pagkabalik ni Azi ay may dala na siyang doktor na agad naman akong inasikaso ang sabi pa ng doktor na kahit dalawang linggo lang akong walang malay ay matatawag parin yung milagro bukod sakin ay dalawang tao lang ang muling nagising at muling nabigyan ng panibagong buhay masaya ako dahil isa ako sa kanila na muli pang binigyan ng chance para mabuhay.
Pagaka alis ng doktor ay hindi agad lumapit sakin si Azi halatang naiilang siya, bakit naman siya maiilang sakin siguro dahil sa gwapo ako!haah ang talino mo talaga Matt....
Oh bakit hindi kana lumalapit ngayo kanina nga may pa Matt gumising ka na miss an miss na kita ako ba hindi mo namimiss?panggagaya ko pa sakanya.
Letche ka Matt!kakagising mo pa ngalang nagbibiro kana agad. hahaha ang cute niya kapag naiilang kaya nga mahal ko siya dahil cute siya at gwapo naman ako o diba bagay?hahaha.
Sige ako letche pero ikaw Oa maypaiyak iyak kapang nalalaman hindi pako mamatay hoi!
Oo ngano sana hindi nalang kita binantayan!at sana hindi nalang ako nagpakapuyat!masamang damo kanga pala kaya matagal ka kung mamatay!nagulat ako sa sinabi niya.
Kung masamang damo man ako ikaw naman pangit!ang pangit pangit mo!hahaha buti nga sayo.
Ulol hindi man ako maganda atleast ako cute eh ikaw.... apog lang ata meron ka!aba palaban.
Alam mo sleping beauty namiss ko‘to...... nabigla siya sa sinabi ko.
A-anong namiss?
Ito, itong pag aasaran natin at higit sa lahat namiss kita...... putek namumula na ata ako ang hirap nga magconfess ng feelings!
Namiss din kita... namumula din siya.
What if I told you that I love you would you tell that you love me too..... pakanta ko pang tanong sinasabayan yung music na hindi ko alam kung san nanggagaling.
Hindi agad siya nakapagsalita pero worth it naman yung sinabi niya.
Itutuloy.....
(Epilogue is waving.)
BINABASA MO ANG
The Man In My Dream
RandomIsang babaeng walang hinangad kundi ang maging masaya sa larangan ng pag ibig.