Mat’s P.O.V.
Maaga ako nagising dahil sa ingay na ginagawa ng cellphone ko tinignan ko ito at nagulat ng makita ang naka register na caller.
Si tita mommy...
Walang ano ano’y sinagot ko ito.
Hello, tita napatawag ka?
pero ang inaakala kong si tita ang ang sasagot ay nagkakamali ako dahil boses ito ng lalaki...kamag anak po ba kayo ni Mrs. Buena-agua?
bigla akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan.Opo, sino po sila at tsaka bakit nasayo ang cellphone ni tita?dali dali ko pang tanong..
Ako po si SPO2 Dequina. sagot ng nasa kabilang linya. Spo2?
SPO2?bakit po na sa inyo ang cellphone ni tita?
May nangyari po kasing aksidente at ikinalulungkot ko pong ipaalam sa inyo na isa sa 19 na biktima sina Mr. at Mrs. Buena-agua ang hindi nakaligtas... ang mga luhang kanina pa gustong tumulo ay nag uunahan ng pumatak ngayon sa mata ko.
P-po?di-ba nag-bi-biro lang kayo?utal ko pang tanong sa kabilang linya.
Hindi po. tuluyan nakong pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit ngayon pa po kung saan papagraduate na kami si Azi?Masakit para sakin ang nalaman ko ngayon parang gusto ko ng magbigti pero kulang tong nararamdaman ko sa mga mararamdaman palang ni Azi, kailangan ni Azi ng makakapitan.
Hindi nagtagal ang pag uusap namin ng pulis na nagpakilalang si SPO2 Dequina. Mugtong mugto na ang mata ko dahil sa kakaiyak.
Ang sabi ng pulis ay nagkaroon daw ng banggaan kung saan nadamay ang sinasakyan nila ni tito habang pauwi At ang sabi pa ng pulis na ako palang ang natawagan niya kaya kailangan kong lakasan ang loob ko para masabi ko kay Azi ang masamang balita.
Mahirap man pero kakayanin ko.
Pababa na sana ako ng kama para puntahan si Azi ng may biglang kumatok.Tok...Tok..Tok..
Biglang naglambot ang mga tuhod at biglang naging blanko ang utak ko sa sandaling yun. Kakayanin para kay Azi. Pinakiramdaman ko muna kung nandoon parin ba ang taong kumatok sa labas ng kwarto at nang maramdaman kong meron ngang tao ay saka pako nagtanong....
Sino yan?
May problema ba Matt?agad na tanong ni Azi. Kilalang kilala niya talaga ako alam niya kung kailan ako naglilihin at nagsasabi ng totoo.
A-ah Azi..... putol kung pagtawag pansin sakanya...
Ano yun Matt?
H-hmm may-sasabihin sana ako sa-yo. utal utal ko pang sabi kay Azi.
Ano?
Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko..... Pabitin ko paring ani.
Ano nga kase ang sasabihin mo?bilisan mo dahil kinakabahan ako sa mga ikinikilos mo ngayon.
Azi.........
Ano nga?sasabibin mo o bibigwasan kita?kitang kita sa mukha ni Azi na kinakabahan talaga siya sa sasabihin ko.
Azi......
Isa nalang talaga punong puno nako sayo Matt ah pwede bang sabihin mo nalang ng deretso at wag kang magpaliguy-ligoy pa!
Azi... kase sina tito—— hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit siya.
Darating sila?excited pa nitong ani. Bakit hindi mo sinabi kaagad edi sana nilinis ko ang bahay—— hindi na siya nakatapos sa pagsasalita dahil bigla ko nalang siyang niyakap na aawa ako kay Azi.
BINABASA MO ANG
The Man In My Dream
RandomIsang babaeng walang hinangad kundi ang maging masaya sa larangan ng pag ibig.