Matt's POV.
Pagkatapos naming gawin lahat ng mga takdang aralin agad kaming kumain at ang nakakainis ay ako ang nanghugas ng limpak limpak na plato at ako rin ang nagluto ng mga kinain namin. Ang sama sama ng ugali.
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama at iniisip kung sino ba talaga ang babae sa likod ng mga nagdaang panaginip ko.
Ilang gabi na din akong binabagabag ng tanong nayun halos gabi gabi ko nalang napapanaginipan ang babaeng yun.
Sino kaya siya?Sasabihin ko ba kay Azi na may napapanaginipan ako?pero pano kung hindi siya maniwala anong gagawin ko.?Aysshhh wag nalang dahil siguradong kapag sinabi ko ay dadami lang ang tanong noon sa ingay panaman ng bunganga ng babaeng yun himala nalang kung hindi niya ko kukulitan. mahabang litanya ko pa. hayss..
Hindi ko namalayang nakatulog napala ako. At gaya ng mga nakaraang araw ay nandito nanaman ako sa panaginip ko na hindi ko na gugustuhing gumising pa.
Matt...
Lilinga linga kung hinanap ang pinggalingan ng boses at hindi na'ko nagulat ng makita ang babaeng laging nasa panaginip ko.
Bumalik ka. ani nanaman ng babae.
Anong ibig mong sabihing bumalik?nagtatakang tanong ko pa sa babae.
Akala ko hindi mo na ako babalikan. napapaos pang ani nito.
Ano ba kasi ang ibig mong sabihin?
Pagmamahal ang siyang sisira satin, pero pagmamahal rin ang siyang mas magpapatibay sa pagsasamahan natin.
Huh?Anong ibig mong sabihin kilala ba kita?
Pagmamahal ang siyang sisira satin, pero pagmamahal rin ang siyang mas magpapatibay sa pagsasamahan natin.
Pagmamahal ang siyang sisira satin, pero pagmamahal rin ang siyang mas magpapatibay sa pagsasamahan natin.
Pagmamahal ang siyang sisira satin, pero pagmamahal rin ang siyang mas magpapatibay sa pagsasamahan natin.
Pagmamahal ang siyang sisira satin, pero pagmamahal rin ang siyang mas magpapatibay sa pagsasamahan natin.
Nagpaulit ulit ito sa isip ko hanggang sa magising ako.
Pagmamahal ang siyang sisira satin, pero pagmamahal rin ang siyang mas magpapatibay sa pagsasamahan natin.
Anong ibig niyang sabihin?nagtatakang tanong ko pa sa sarili. Weird pero nararamdaman kung kilala ko siya pero bakit kailangang blurred ang vision ko sa tuwing napapanaginipan ko siya. Weird.
Gaya ng kahapon ay wala kaming masyadong ginawa pero iba't ibang mukha naman ng mga guro ang mga nasasalamuha namin keso daw sinasanay kami sa schedule ng mga college para pagtungtong namin sa kolehiyo ay hindi na kami manibago.
K class, bukas ay papasok kayo sa major niyo for 2 hours. ani pa nang adviser. Kanya kanya naman ng react ang mga kaklase namin. Kesyo daw nakakapagod.
Biglang nagtaas ng kamay si Azi.
Ahm excuse me miss, Major what is that?nagtatakang ani ni Azi.
Major is one of the subject here in MNHS each of the student's needs to choose their Major sub. So since bago pa kayo ay kailangan niyong mamili kung ano ang kukunin niyong major.
Choose what?
Kailangan niyo mamili dahil magkakahiwalay kayong mga kaklase mo dahil may kanikaniya rin silang major subjects.
BINABASA MO ANG
The Man In My Dream
RandomIsang babaeng walang hinangad kundi ang maging masaya sa larangan ng pag ibig.