Matt’s POV.
Ilang araw na ang nakakalabay ng iwan kami ni Azi sa mall at hindi parin ako natatahimik kung bakit niya yun ginawa, sa pagkakakilala ko sakanya hindi naman siya ganon.
Paano naman kung totoo talagang nagpaalam siya kay Ericka pero bakit sakanya at hindi sakin?
Flashback.
Kalahating oras na ang nakakalabay ng nagpaalam si Azi na maybibilhin lang na pasalubong para sa ate niya ay hindi parin siya bumabalik.
Siguro nag eenjoy pa siya sa pamimili. napangiti ako sa sarili kung sinabi.
Nagpatuloy parin kami sa paglalaro ni Ericka hanggang sa magpaalam siyang magbanyo kaya ako nalang isa ang naglaro pero hindi palang tumatagal ay bumalik na agad siya.
Ang bilis mo naman ata?nagtatakang tanong ko pa.
A-ah wala kasi masyadong tao tsaka nakasalubong ko si Azi at ang sabi niya mauuna na daw siyang sa umuwi kasi may dadaanan pa siya. nagtataka ako bakit kay Ericka lang siya nagpaalam pero kahit ganon man hindi parin ako nagdududa kay Ericka kasi may tiwala ako sakanya. Tumango nalang ako at sabay na kaming naglakad papuntang parking lot.
End of Flashback.
Kahit iwan pa ulit ako ni Azi hinding hindi parin magbabago ang pagtingin ko sakanya siya at siya parin ang babaeng mamahalin at aalagaan ko hanggang sa huli kong hininga.
Gabi na kaya napagdesisyunan ko na matulog nalang.
‖ Now playing:Ikaw at Ako By:Moira Dela Torre‖
Azira Buena-Agua Will You Mary Me?nakangiti ko pang tanong habang nakaluhod.
Nakita kung may tumulong luha sa mga mata ni Azi kitang kita ko na masaya siya sa ginagawa ko. Wag kang mag alala Azi araw araw kitang pasasayahin.
Kinuha ni Azi ang kamay ko at itinayo saba yakap ng mahigpit at tuluyan na siyang umiyak.
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Matt.. Sabi niya habang umiiyak parin.
Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito. Hindi lang ito ang kaya kung ibigay sayo Azi kahit sabihin mo pang may mahal kang iba ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. pagkatapos kung sabihin yun ay niyakap ko ulit siya.
No, Matt alam mo ba noon palang mahal na kita hindi ko lang kayang sabihin kasi natatakot akong mawala ang pagkakaibigan nating dalawa. Nagulat ako sa sinabi niya, pareho kami?
Bakit hindi mo sinabi Azi noon palang din gusto na kita noong una palang kitang makita gusto na kita natatakot lang akong magsabi pero ngayon napagtanto ko na mali pala yung ginawa ko mali pala na itinago ko sayo ang nararamdaman ko para sayo. Tinitigan ko siya. Kaya ngayon hindi na ulit ako magtatago pa ng nararamdaman ko para sayo hindi hindi na kita papakawalan pa. ngumiti ako sakanya. Azi uulitin ko Will You Mary Me?
Nakita kung tumango siya. Oo Matt I will mary you. sa sobrang saya ko ay nahalikan ko siya, sa sobrang hiya na nararamdaman ko tumalikod ako para hindi niya yun makita. Ano batong ginagawa ko. Hoi ok kalang?akala ko magagalit siya pero mukang natatawa pa siya kaya nilingon ko na siya.
A-anong nakakatawa?!
Ay bakit parang nahihiya kapa Matt?
Ako mahihiya bakit naman ako mahihiya?!
Sos sige lang e deny mo lang yan haha pati nga pisngi mo oh hindi kayang magtago ng nararamdaman. Ang saya-saya niyang tignan sana hindi nato matapos pa. Kung panaginip man to ayaw ko nang magising pa.
Pero sa dahil pinaglalaruan ako ng tadhana nagising ako dahil sa ingay.
Syete maming ... naman oh kakasabi ko pa ngalang na ayaw ko nang magising!pagmamaktol ko pa. Tadhana nga naman mapaglaro pati puso ko ginagawang laruan.
Hindi nako muli pang natulog kahit gustohin ko mang matulog ulit pero wala na!sino ba kasi ang makakatulog kung parang may nagfefiestang kapitbahay ang lakas lakas ng sound.
Parang awa niyo na magpatulog naman kayo!sigaw ko pa.
Akala ko walang nakarinig sakin pero... Kung ayaw mo ng ingay dun ka sa bundok tumira!Tanghali nanga natutulog ka parin!napabalikwas ako ng bangon... Tanghali?agad kung kinuha ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na 2pm.
Syeteng palaka ganon ba ka ganda yung panaginip ko para ngayon lang ako magising.... naalala ko ulit yung panaginip ko kaya napangiti nalang ako. Sabagay ang ganda nga ng panaginip ko.
Naligo nalang ako at bumaba para kumain wala naman akong gagawin ngayon at hindi ngayon pupunta dito si Ericka kaya napagpasyahan kung puntahan yung puntod nila Tita at Tito.
Agad naman akong nakarating sa sementeryo ang tagal ko ding hindi nakapunta dito dati kasi kapag namimiss ko si Azi dito ako pumupunta.
Hi titang maganda, hi titong gwapo na katulad ko hehe. bati ko pa sabay lapag ng bulaklak sa ibabaw ng puntod nila. Alam niyo ba na nakabalik na si Azi ang ganda niya parin po ay mali sobrang gumanda siya. hehehe. sabihin man nilang nababaliw na ako dahil nagsasalita lang ako ng mag isa, wala akong pake!Bahala na kung baliw basta gwapo hahaha.
Tita mahal ko parin yung anak niyo hindi naman sa pagiging selfish pero ang saya ko noong malaman ko na wala na sila ni Jaydee. ngumiti ako pero hindi yun umabot sa mata. Kaso po.... parang ang layo na namin ni Azi sa isat-isa parang laging may nakaharang para hindi kami magkasama. itinukod ko yung ulo ko sa tuhod ko parang maiiyak nanaman kasi ako. Sorry po kung nakikita niyong mahina ako pero nagiging ganito lang naman ako kapag si Azi na ang pinag uusapan. Kahit hindi man ngayon ang tamang oras para saming dalawa handa akong hintayin siya. hindi na’ko muli pang nagsalita at hinayaan ko nalang na malaglag yung mga luha sa mata ko.
Isang oras din akong nagstay dun pero ng makita kung may namumuo nang ulan ay napagpasyahan ko nang umuwi.
Sasakay na sana ako ng kotse ko ngunit nakita ko si Azi mukang patungo siya sa puntod nila tita. Tinignan ko ulit yung langit parang uulan kaya hindi muna ako umuwi para bantayan si Azi sigurado kasi ako na wala nanaman siyang dalang payong ang tanga panaman niya minsan. Kapag may lakad siya kahit alam niyang uulan hinding hindi siya magdadala ng payong kaya ako palagi ang nagdudusa pero kahit na ganoon masaya parin ako kasi kahit yun lang ang naiitulong ko sakanya para sakin malaking bagay na yun tsaka masaya nako dahil nakakasama ko siya.
Hindi naman nagtagla dun si Azi kaya hindi siya naabutan ng ulan. Kaya hindi nalang din ako nagpakita sakanya baka kasi ma awkwardan lang siya kapag kasama niya ko.
Wag kang mag alala Azi You are my one and only. You are the girl behind my beautiful and unforgetable dreams. You Are My One and Only Sleeping Beauty. I Love You Ash. bulong ko pa bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
The Man In My Dream
RandomIsang babaeng walang hinangad kundi ang maging masaya sa larangan ng pag ibig.