15. Jelous

4 0 0
                                    

Habang naglalakad kami papasok sa mall ay nasa likod lang nila ako ayaw ko kasing pangunahan ang mga plano nila. Bakit naman kasi pinasama pa ko ni ate sa kanila hindi niya ba ramdam na naiilang akong kasama sila, lalong lalo na kay Matt. Hayyyst.

Ang hirap talagang basahin minsan ng puso ko. May nararamdaman akong kirot sa puso ko nang hawakan ni Matt yung kamay ng bago niyang bestfriend.

Nakita kung namula yung mukha ni Ericka sa ginawa ni Matt. Alam kung may gusto si Ericka kay Matt hindi naman yun mahirap alaman e kasi sa tuwing hahawakan or may magsabi lang na nagdadate sila bigla nalang siyang namumula.

Nung palapit na kami sa arcade ay nilingon nila kong dalawa, luh anong problema nila?

Azi bakit ang tahimik mo?malamang sino naman kakausapin ko, sarili ko?

Ah wala lang siguro ako sa mood. ba’t kasi sinama niyo pa ko yan tuloy sumasama ang pakiramdam ko.

Sigurado ka?hindi ako ok Matt gusto kung sabihin yun kay Matt kaso nandito sa harap namin si Ericka.

Ako?Wag kang mag alala ok lang ako mawawala din to maya maya. binigyan ko sila ng pilit na ngiti.

Sige na tara na Matt para maaga na din tayong matapos. sabat pa ni Ericka.

Hindi nalang ako nagsalita kasi naglalakad na din sila papuntang arcade.

Habang naglalaro sila ay nakatingin lang ako. Wala akong balak na sumali sakanila. Para hindi ako ma bored nagpaalam nalang ako na magtitingin tingin muna ako sa labas ng mabibili kung pasubong para kay ate.

Hindi naman talaga ako pumunta sa kahit saan nandito lang ako ngayon sa Comfort Room nagpapalipas ng oras 30 minutes nadin akong nandito. Ayaw ko pa sanang lumabas kaso may nagsalita sa labas....

Miss tapos kana ba?

Teka lang po malapit na.!

Anong malapit na kanina ka diyan eh!

Eh sa ayaw ko pang lumabas anong magagawa mo?!

Wag kang mag alala may magagawa ako kasi nagpatawag  na ako ng security guard!Ano lalabas kaba diyan o hindi?

Hindi mo ko matatakot oi ulol!—— magsasalita pa sana ako kaso may kumatok at ang mas nakakatakot pa lalaki!. Lalaki sa loob ng banyo ng mga babae?Shete banyo lamunin mo na ko!

Miss ayaw mo daw lumabas?Luh lalaki nga. Patay kang bata ka!

Huh ako hindi lalabas ito na nga eh patayo na sino bang nagsabi sayo na hindi ako lalabas?ano ba tong ginawa ko?!

Ako bakit?

May sinabi ba ako sayong ayaw kung lumabas?

Oo diba nga ang sabi mo “Eh sa ayaw ko pang lumabas anong magagawa mo?” panggagaya niya pa sa sinabi ko kanina, lagot saulo pa talaga niya.

Huh may sinabi ba akong ganoon parang wala naman akong maalala na sinabi ko yun siguro hindi ako yung kausap mo, hala ka ate nakausap mo ba yung babaeng nakita ko kanina?

Sinong babae, anong pinagsasabi mo?lord help me sana gumana!

Naku hala! kinausap mo siya tapos hindi mo nakita, ako nga nakatingin lang sa salamin kanina nakita ko na.

Tinatakot mo ba ko?

Ako tinatakot ka?bakit naman kita tatakutin ate?lumabas nadin si manong security kaming dalawa nalang ng babaeng to dito!

The Man In My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon