Sunday...
Wala sana akong gagawin ngayong araw nato kaso ang nagmamaganda kung ate inutusan ako na kuhain yung ipinatahi niyang damit para sa kasal ng kaibigan niya. Sana all may kaibigan ako kasi parang wala na akong magiging kaibigan. Buhay nga naman.
Nagmadali nalang ako kasi naman akala ko nasa malapit lang yung damit na ipapakuha niya sakin pero ang layo!Isipin ko palang na babalik ako sa Lapu-Lapu hindi ko na kaya. Hindi naman talaga siya malayo kaso tinatamad ako ngayon kaya parang isang taon din ang biyahe ko papunta dito.
Sa dinami dami nang mananahi sa cebu bakit dito pa niya naisipang magpatahi kahit kailan talaga ang bobo ng ate ko!
Mabuting nalang pagkadating at pagkadating ko sa lugar na sinabi ni ate nakuha ko agad yung damit niya.
Thank you po.
Ikaw ba si Azi?teka kilala niya ko?
Kilala niyo po ako?
Oo hija kilalang kilala kita pero bata kapa noon nung huli kitang makita.
Naka punta napo ako dito?inaalala ko kung nakapunta naba talaga ako dito kaso sumakit nalang yung ulo ko pero wala parin akong maalala. Sinong pong nagdali sakin dito?
Hindi mo na ba naalala?
Eh-h hindi e.
Mama mo nagdala sayo dito kasama mo pa nga si Matt bayon?teka si Matt kasama ko?
Opo si Matt yun.
Kumusta naman kayo?
Kami po?
Oo, hindi kapa ba niya nililigawan?muntik ko nang mabitawan ang nasa kamay kung damit ni ate.
Ako po liligawan niya eh wala naman po siyang kahit ni katiting na pagtingin sakin.
Wala?e sabi nga niya noon na ikaw ang papakasalan niya at ako ang magtatahi ng gown mo. hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko, ako papakasalan ni Matt.
A-ah si Matt papakasalan ako?Eh kahit pagpaparamdam na gusto niya ako hindi niya nga nagawa e yung pakasalan pa kaya ako.
Seryoso, hanggang ngayon hindi niya pinapakita sayo na mahal ka niya?tumango nalang ako. O baka naman hindi mo lang nararamdaman kasi nasa iba ang buong atensyon mo. napatahimik ako sa sinabi ni Ate Nicka.
Habang nagdadrive hindi ko parin maiwasan maisip yung mga sinabi ni ate Nicka. Sinabi niya ba talaga yun?
Sana kung noon ko pa nalaman edi sana masaya na kami ngayon pero magtatagal ba kami?hindi ko pa nga naranasan na magkaroon ng pangmatagalang relasyon eh.
Lutang ang isip ko hanggang sa madaanan ko ang GGM maaga pa naman kaya napagpasyahan ko na pumasok muna at magpalamig.
Mag-iisang oras nadin akong nandito nakatunganga at naka upo lang sa foodcourt. Uuwi na sana ako kaso biglang naramdaman ko na naiihi ako kaya nagpunta muna ako sa c.r. Magtatagal pa sana ako sa loob ng banyo kaso narinig ko ang boses ni Ericka kaya dali dali akong lumabas.
Oo na Matt papunta na.
Hindi niya agad ako napansin dahil busy siya sa cellphone niya kausap niya yata si Matt.
Ok bye. nabigla pa siya ng makita niya ko. Oh hi Azi!
Hmm hello. tipid ko ding bati sakanya.
Bakit pala bigla kang nawala kahapon?biglang nawala diba nagpaalam ako sa inyo na maghahanap lang ako ng maipapasalubong ko kay ate?kaso iniwan niyo ko.
BINABASA MO ANG
The Man In My Dream
RandomIsang babaeng walang hinangad kundi ang maging masaya sa larangan ng pag ibig.