19. Here Comes The Trouble

3 0 0
                                    

Third Person’s POV.

Nandito lang ako ngayon sa malayo tinitignan kung gaano ka mahal nila ang isat-isa.

Awh how sweet?bulong ko pa sa sarili ko.
Magiging ganyan pa kaya kayo pagkatapos ng mga plano ko?napangisi ako sa sariling kung naisip. Tignan natin kung kakayanin niyo ba ang mga gagawin ko.

Natanaw kung papaalis na sila kaya nagtago ako para naman mas exciting yung plano ko hindi nila dapat ako makita.

Let the game begin. kitang kita ko na ang mga taong binayaran ko para harangin si Azi. Walang masyadong tao kaya nagtagumpay kami na makuha si Azi. Umpisa palang yan My Dear Sleeping Beauty.... Hahaaha.

Pagkatapos naming itago si Azi umalis agad ako para sundan si Matt. Hindi pwedeng si Azi lang ang magdusa mas masaya kapag nakikita nila ang isat-isa na nasasaktan. Para tagos sa puso. Haha.

Sinundan ko si Matt at tama naman ang pinuntahan ko kasi nandito siya at umiinom. My Poor Prince Charming walang kaalam alam na nasa peligro na ang buhay ng pinakamamahal niyang Prinsesa. Nakita niya ko kaya agad na kong lumapit para hindi mahalata na may binabalak akong masama.

Hi Matt mag-isa kalang?nakangiti ko pang tanong.

Yeah. boring kasi eh ako lang mag isa sa bahay...

Ah ganun ba ....by the way can I join you?

Sure why not?magkaibigan naman tayo diba. Ouch truth hurts. Sisiguraduhin kung hindi matatapos ang gabing to na hindi ka nasasaktan Matt.

Yeah friends... mapakla ko pang sabi.

Bakit kapala nandito?oh my god anong idadahilan ko.

A-ah just like you boring sa bahay kaya naisipan kung uminom sakto namang nakita kitang dumaan kaya sinundan nakita. Nice one self. Good Job.

So kanina ka papala dito?tumango ako. Matagal din kaming natahimik bago muli akong nagsalita.

Wait lang ha kukuha lang ako ng drinks and some pulutan. nakangiti ko pang pagpapaalam at tumango naman siya.

Kumuha ako ng shoot glass at nilagyan ko ng wine. And now for the finishing touch. Perfect...... Bumalik agad ako sa VIP Room na kinuha ni Matt at ibinigay sakanya ang wine na nilagyan ko ng pampatulog hindi naman ako nabigo dahil ininom niya yun talagang may tiwala siya sakin pero sorry nalang dahil hindi ako kaibigan kundi isa akong kalaban.

Thank you bes. sabi niya pa.

Habang tumatagal ay mas nakikita ko na ang epekto ng alak na nilagyan ko ng pampatulog.

Ganyan nga Matt matulog ka, matulog kalang....... agad siyang nakatulog at sa tulong ng gamot na inilagay ko sa baso ng alak niya hindi agad siya nakagising.

Isang oras din ang naging biyahe namin ng mga tauhin ko bago nadating ang pinagdalhan nila kay Azi.

Hindi ko sila pinagsama dahil alam ko na kapag nagkita sila siguradong sigurado ako na magdadrama sila at ayaw ko ng may nagdadrama sa harapan ko. Sawa na ako sa mga kadramahan ng pamilya ko pati ba naman silang dalawa magdadrama sa harap ko?

Hindi totoong binubully ako sa school namin dahil binayaran ko lang sila para gumawa ng eksena na kung saan ako ang kawawa para mapansin ni Matt at dahil sa mabait si Matt hindi ako nabigo dahil naging kaibigan ko siya sa loob ng 10 buwan.

Gumawa ako ng paraan para mawala sa paningin ni Matt si Azi binayaran ko si Jaydee para magpanggap na mahal niya si Azi pero ang totoo hindi, kawawang Azi walang kaalam alam.

Buong akala ko sapat na yung sampung buwan para mahalin niya ko pero hindi kapag magkasama kami palagi niyang ipinamumukha sakin na si Azi ang mahal niya pero kahit ganun hindi parin ako sumuko.

Akala ko hindi na babalik si Azi pero nagkamali ako dahil hindi siya napigilan ni Jaydee para muling makabalik. Nung gabing tumawag ang ate ni Azi na pumunta daw si Azi sa bahay ni Matt nakita ko siya pero hindi ko pinahalata na nakita ko siya.

Kitang kita ko noon sa mata ni Matt na nasasabik siyang muling makita si Azi pero may halong pag alala dahil hindi saulo ni Azi ang buong lugar kaya ayon imbis na ako yung kasama niya pinuntahan niya si Azi.

Sinundan ko siya nung oras nayon at nakita kung naghalikan sila. Tsss malanding babae . Nung oras na ding yun ay tinawagan ko si Jaydee para makipaghiwalay kay Azi.

Nung inanyaya din namin si Azi na sumama samin sa mall ay si Matt lang talaga ang may plano nun ayaw ko sana pero ano pabang magagawa ko?

Sinadya ko talagang sabihin kay Matt na nauna na si Azi para masolo ko siya. Hindi pa sana siya maniniwala pero hindi nagtaggal ay sumama nalang din siya sakin.

Ngayon mararamdaman niyo kung gaano kasakit ang maging option.

Umalis muna ko para magpalamig ng ulo. Hindi ko alam kung san ako pupunta kung saan man ako mapadpad bahala na!

Dalawang oras ang byenahi ko bago naisipang huminto hindi ko namalayang narating ko na pala ang lugar kung saan palagi kaming nagbobonding ng pamilya ko. 

Ang saya saya namin noon parang walang problema palagi lang nakangiti kung hindi man si Mama yung magjojoke o wala mang maisip si Mama ay nandiyan agad si Papa para patawanin kami para sakin kami na ang pinakamasayang pamilya at kami na ng mga kapatid ko ang pinakamaswerteng mga anak sa mundo dahil sila ang naging mga magulang namin.

Pero dahil sabi nga nila walang bagay ang nagtatagal hindi din yun tumagal dahil nangibang bahay si Mama kung baga may ibang lalaki siya. Nasa isip ko noon na bakit Mama ko pa?bakit hindi nalang mama ng iba bakit kailangang mama ko pa?nagkulang ba kami sa pagmamahal sakanya.

At ang mas mahirap pang tanggapin ay yung naging lalaki ni Mama ay isa sa mga pinsan ni Papa. Parang pinagsakluban nako ng lupa at langit ng oras nayun. Mas pinili niyang makasama ang lalaki niya kesa sa papa ko.

Ni isa sakanila wala akong pinanigan sumama ako sa lolo ko. Si Lolo Rolando yung naging pangalawang ama ko pinakain at dinamitan niya ko at kahit na naghihirap lang kami masaya parin kami.

Siya ang naging ama ko sa loob ng  dalawang taon at sa loob ng dalawang taon na yun nakakasama ko naman ang Mama ko kaso hindi na kagaya ng dati parang palagi nalang akong ilag sakanya. Ayaw kung lumapit sakanya kasi iniwan niya ko kaming magkakapatid iniwan niya kami.

Pagkatapos ng dalawang taon nayun ay hindi ko na muli pang nakita si Mama at dumating yung araw na kukunin ako ng papa ko ayaw ko sanang sumama kasi ayaw kong mapalayo sa Lolo ko pero sabi niya mas makakabuti na sumama ako sakanya dahil sa piling ng papa ko mas maganda ang kinabukasan ko.

Kaya simula noong iniwan ko siya ay nangako ako sa sarili ko na pagbubutihan ko ang pag aaral ko nakatungtong na nga ako ng grade four pero may masamang balita akong natanggap ....wala na si Lolo ... Lord nagkulang ba talaga ako?bakit ba lahat ng to nararanasan ko ngayon?

Hanggang sa mag grade eleven ako ay nangungulila parin ako sa pagmamahal kaya nung nakilala ko si Matt unang kita ko palang sakanya ay nagustuhan ko agad siya kaya simula noon lagi nalang akong nakabuntot sakanya kahit na hindi niya ko nakikita o nararamdaman na nasa paligid niya lang ako.

Tama na Aica...  I am Aica Shane Dela Fuente. Nice to meet you. haha.

Bumalik na ko para makita kung ano ang magiging reaksyon nilang dalawa. I want to see their epic faces hahaha.......

Pagkadating ko ay tulog parin si Azi kaya kumuha ako ng tubig at binuhusan siya ng tubig.

Hhmmm. ginalugad niya ng tingin ang buong lugar matagal bago dumapo ang tingin niya sakin. Ikaw?!gulat pang ani niya.

Yes did you miss me sleeping beauty?nakangiti ko pang tanong.

Hindi......

Itutuloyyyyy.....

The Man In My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon