Chapter One

569 25 21
                                    

Chapter 01 :

          Kim Yeon POV ;

     

      "Jimin oppa! Gising na. May practice ka pa ngayon!"

  
  - 'Yan yung unang salita ko nung pagkagising ko palang.

     "Jimin? May practice ka pa ngayon. Papagalitan ka ni Suga at Namjoon niyan kapag late ka." Sabi ka at tinapik ang pisngi niya kaya kumunot ang noo niya.

        "Ano ba? Ba't dito ka natulog hah?!" Biglang sigaw niya. Umulan kasi kagabi at kumikidlat pa kaya sa takot ko, pumunta ako sa kwarto ni Jimin. Hindi ko naman alam na magagalit siya eh.

    "Ah kasi um-"

  
    "Kasi ano? Tss! Para-paraan ka eh." Sabi niya at kinuyum ang panga niya. "Kung sa tingin mo nagustuhan ko 'yang ginawa mo, hinding-hindi ko nagustuhan kaya umalis ka na."

   Napayuko na lang ako sa sinabi ni Jimin. Tumayo na lang ako at tinaggal na ang kumot na bumabalot sa katawan ko at tuluyan ng lumabas sa kwarto ni Jimin.

     Pumunta na lang ako sa kwarto ko at pinigalan ang sarili ko na 'wag umiyak pero taksil na luha, nagpatuloy sila.

   "Ganon naman diba? Para lang ako yaya niya. 'Wag ka na umasa, hinding-hindi ka magugustuhan nun." Usap ko sa sarili ko at kumuha ng tissue at pinunasan ang luha ko.

    Ako si Kim Yeon. Isa ako sa member at leader ng girl group na sikat na sikat ngayon na "Crown" sa SM entertainment na may apat na members. Ako, Park Kyulkyung, Min Nayoung at Park Joo Ah. Ako at si Jimin ay legally at secretly married at pa'no nangyari 'yun?

    Dati pa kami fixed marriage ni Jimin. Since we were like 15 years old. Pinakilala na siya sa'kin ni papa at lolo and I thought they were only joking when they told me we're getting married we're 18 already.

   Dati pa lang, gusto ko ng maging kpop idol simula nung nakita ko ang 2ne1, SNSD at bigbang kaya sa sobrang pagkadesperada ko, nag-try ako ng online audition sa SM entertainment pero hindi ako nakakuha ng response.

  3 years passed, nalaman ko na lang na mag-aaudition si Jimin sa iba't-ibang entertainment pero bago niya pa yun nagawa, pinapakasal na kami.

We lived in a same roof but we're like strangers. Sumama ako sakanya nung mag-aaudition daw siya sa Big Hit entertainment pero kahit labag sa loob niya, pinasama niya parin ako at laking tuwa ko nung nalaman kong trainee pala siya.

      And then the other day, biglang may nag-email ako at muntikan na talaga akong mahulog sa upuan nung nakita ko ang message.

  "Annyeonghaseyo! This is SM entertainment. We've saw your online audition and we are very interested to see you audition this friday :) Kamsahamnida!"

  
   Kaya ayun na nga, sumugod ako dun sa SM. Kumanta at sumayaw at tumalon ng nalaman kong kasama ako sa trainee.

      Dream came true 'yun pero mas maganda kung same company kame ni Jimin.

   Akala ko okay na kami ni Jimin nung nagsama kami pero wala pa kame nakapasa sa trainee, hindi na kame magkasundo at mas lalong naging malala nung pumasa kami sa audition.

   Sa isang pribadong lugar kaming naninirahan ni Jimin. 'Yung tipong hindi kame masusundan ng mga sasaeng kaya doble-doble ang security namin.

   Ang mas masaklap? Ang malaman kong hindi ako mahal ni Jimin.

   "Hoy Yeon! 'Di ka pa ba nagluto? Anong oras na oh!" Bumalik ako sa realidad ng biglang sumigaw si Jimin galing sa kusina. Oo nga pala! 'Di pa ko nakapagluto kaya bumaba ako kaagad.

   "Mianhae oppa." Sabi ko at kumuha ng kaldero. Wala kasi kaming katulong sa bahay, mas mabuti na 'yun dahil baka ipagkakalat pa nila.

   "Tss. Wala ka talagang pakinabang nuh? Alam mo namang may practice pa ako ngayon!" Sigaw niya at kinagat ang labi niya sabay tingin sa malayo.

   Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko ng tumunog ang cellphone ko. Nag-plaplay ang music namin.

  "Annyeonghaseyo!" Bati ko nung kinuha ko 'yung cellphone ko galing sa bulsa ko.

"Wae?" Sagot ko at tinititigan lang ako ni Jimin.

  "Ah gan'on ba? 'Yan lang pala eh. Sige na. Saranghae annyeong!" Sabi ko at pinaba na ang phone ko at nagpatuloy sa pagluluto.

   "Sino yun?" Biglang tanong ni Jimin. Nasa tabi ko na kasi siya kaagad eh.

  "Ah si Kyungh-" Pero naputol ang sasabihin ko ng barahin niya ako.


   "Wala na akong pake diyan. Ikaw na lang kumain ng pinagluto mo." Sabi niya at hindi ko alam kung nakita ko siyang umirap.

"Hinde ka naman masarap magluto eh." Kahit malayo siya, narinig ko pa rin 'yung bulong niya dahil kami lang dalawa ang nandito.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano.

   Hindi ko din alam kung saakin lang niya pinapakita ang sobrang cold niyang ugali. Mabait at sweet naman siya sa ibang members at fans ah.

  Tinawagan lang naman kasi ako ng maknae ng grupo namin na si Kyunghyun. Nagpapatanong kung may practice daw ba, sabi ko oo pero hindi daw siya makakapunta dahil bibilhin pa raw siya.

Nag-ligpit na lang ako at naligo at naghanda papunta sa SM.

***********************

FEEDBACKS? ANYONE? comment below if you want chapter 02! :)

-cookieforkookie

Married To Park Jimin // Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon