"Tita, have you seen Bembeng?" I asked Tita Matilde before kissing her on the cheeks as I settled on the dining chair.
"Sinama ni Ama, pati sina Ica. They're at Ilaya." Habang kumakain kaming dalawa ni Tita ay mayroon biglang kumatok sa pinto. Napatayo naman ngayon si Tita Matilde, para itong balisa, at dali-daling pumunta sa may pinto.
"Saglit lang," Sigaw niya sabay tingin saakin, "Kumain ka na diyan, ako na titingin doon."
Tumango nalamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Mayroon pa akong part time ngayon sa flower shop ng kumare ni Tita kaya't mag aayos ako pagkatapos nito. Nang nasa lababo na ako ay nakita kong wala na kaming dishwashing liquid kaya naman pinuntahan ko si Tita Matilde sa labas.
"'Ta, we don't have any dish washing liquid anymore."
Nakita ko naman ang kausap na lalaki ni Tita, nginitian ko naman ito tsaka humarap kay Tita. Mayroong nakaparada na mamahaling sasakyan sa tapat ng bahay naming at nasisigurado kong ito'y pag mamayari ng lalaki, dahil wala namang iba pa na naririto sa bahayan na katabi.
"E-Eto and pera at bumili ka kay Maneng." Sabay abot ni Tita ng pera at mabilisan akong tinaboy paalis.
She's acting all weird just because of the man. Given the fact that he's rich, he's also handsome for someone his age. I think that he's in his late thirties, by merely basing on his appearance and all.
"Pagbilhan po," ani ko ng nasa tapat na ako ng tindahan.
"Aba'y ikaw pala, Iowa! Ay, kaganda mo na lalo." Sabi ni Aling Maneng sabay titig ng mapanukat saakin.
Nginitian ko nalamang ito at sinabi ang aking sadya. Pagkatapos ko magbayad ay mayroon naman tumawag saaking pangngalan sa hindi kalayuan.
"Iowa!" Sigaw ng boses lalaki. Pagkalingon ko ay nakita ko si Jasper na tumatakbo papunta saakin.
"Jasper, ikaw pala... "
Nagkamot naman siya ng ulo bago ulit magsalita. "Hindi ba't mamaya ay papasok ka sa flower shop? Hatid na kita sa tricycle ko."
Aling Maneng chuckled at Jasper's actions and commented. "Ano ba itong si Jasper! Ikaw nga ay tigilan mo itong si Iowa!"
Kababata ko itong si Jasper at simula nang lumipat kami dito, I can even remember the good old day na palagi pa kaming magkakasama. Kahit naman anong sabihin nila tungkol dito ay nasisiguro kong walang lalagpas sa pagkakaibigan ang mangyayari sa pagitan naming dalawa. I am sure of it.
"Sabay kaming pupunta ni Tita sa flower shop eh, next time?"
Ang namumula niyang mukha ay mas lalo pang tumindi. "Oo, basta sabi mo next time ha."
I nodded at him at nagpaalam narin kay Aling Maneng. Pagkalapit ko sa bahay ay napansin kong wala na ang lalaki at nasa loob na si Tita. I never ask about certain things when I can see that they're not interested on sharing it. I've learned to keep it, hide it, and just shrug things off.
Nang makapag ayos na ako ng sarili ay lumabas na ako sa kwarto at bumungad naman saakin si Tita na ayos na ngayon. "Iowa, mamaya ay susunduin kita pagkatapos ng shift mo." Sabi ni Tita Matilde saakin habang papalabas kami ng bahay.
Tumango nalamang ako rito. Sumakay kami ng bus at habang nasa biyahe ay inabutan ako ni Tita ng isang long brown folder. "What is this, Ta?" I asked her, still confused on why would she hand me a folder.
"Application form. I've had some contact in field, mamaya mo nalang sagutan at buklatin."
"Tita, saan naman tayo kukuha ng pera? I can work after senior high school and when time comes na nakaipon na, tsaka nalang ako babalik."
YOU ARE READING
Deceiving Sebastian
General Fictiontogether with his memories, i fade. but in his heart i stayed.