deny me

6 0 0
                                    



Akmang bubuksan ko ang pintuan ng kotse nang pigilan naman ako ni Trishia, nababalot ng takot ang mukha niya. There's something here that I don't know of, yet. Because there's no reason for her to be scared of him, dapat nga ay ako pa nga makaramdam ng takot at habag sa nagawa ko.

"Iowa, si Zero ang nasa harapan natin," Paalala niya saakin, "Banggain ko nalang kaya kotse niya?"

"Trishia!" Palahaw ko dito, "Nasisiraan ka na ba?"

"Iowa, hindi pwede malaman ni Atticus na magkakilala tayo."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "At bakit?"

"You see, his mom made sure that your traces are burnt, no known record of yours must be presented to him, at bakit sa tingin mo hindi ka manlang niya nakilala? Do you really th-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay mayroon naman kumatok sa bintana sa gilid ko na medyo napahiyaw saakin, "Iowa, deny me in front of him,"

Tumango naman ako sakaniya bago binuksan ang pinto at lumabas. Matamtam kong minatahan si Atticus na nasa harapan ko ngayon, nakahalukipkip at madiin ang tingin saakin.

"Miss Andradez..."

"Sir," Napahalukipkip ako dahil sa intensidad ng pagkakatingin niya saakin.

His brooding eyes are going through me, he tilted his head a bit to take a more clearer view of who's inside the car that I quickly covered by shielding my body. Tumikhim naman ako upang makuha ang atensyon niya, bago ko siya tinaasan ng kilay.

"You need to come with me, come on." Sabi niya sabay lapit saakin ngunit bago pa niya ako malapitan ay umataras ako ng bahagya na nagpatigil sakaniya.

"Woah, easy there," Itinaas ko naman ang mga kamay ko, "I am not going anywhere with you, Atticus. You just followed me while having a break, even made my ride stop, and now you want me to come wherever the fuck you want?" I asked through gritted teeth. Naku, nanggigigil na talaga ako dito.

"It's about work, Miss Andradez."

"Paano ako makakasiguradong trabaho nga? The last time I checked you've harassed me at the back of a restaurant."

"Don't be too sure of yourself," He chuckled a bit, "Tito Ismael is landing in a few, so if you'd kindly come with me because your team is on the way at the moment, while we're here chatting away, I would love to do that but you see..."

Tinignan ko siya ng matagal upang masiguradong nagsasabi nga siya ng totoo, wala namang bahid ng kalokohan ang mukha niya kaya naman bigo akong huminga, "I can go there by myself, sa nakikita mo naman na mayroong maghahatid saakin."

"It is more convenient, don't you think? Makakatipid ka ng pera mo, lalo na sa oras, na ngayo'y sinasayang natin dahil ang tigas ng ulo mo."

"M-Mahirap ang ginawa kong pagpapa-book! Atsaka, hindi lahat katulad mo na mayaman at hindi kailangan magbanat ng buto." I kept my cool, "Susunod ako, sige na."

Tatalikod na sana ako ngunit biglang kinuha ni Atticus ang aking kanang kamay at mariing humugot ng hininga bago hinigpitan ang hawak saakin, "You'll walk or I'll carry you?"

Nanghahamon ang titig niya at halatang naiinis na sa inaasal ko. Tangina, ayaw pa kasi ako pabayaan, akala mo naman tatakbuhan ko. "Bingi ka? Hindi mo narinig sinabi ko?"

"Let's not waste our precious time arguing," Pagkatapos niya sabihin iyon ay napatili ako sa pagbuhat niya saakin.

Naeeskandalo ang mga tao sa paligid namin habang nakatingin saakin habang si Atticus ay parang wala lang na tuloy-tuloy ang lakad papunta sa sasakyan niya. Kung sisigaw ako ngayon ay parang tanga lang akong titignan ng mga tao, kaya naman pinagdesisyunan ko na sa loob nalamang ng kotse ako magbubunganga.

May lumabas naman sa driver sit na naka unipormeng lalaki na pinagbuksan kami ng pintuan, nang maibaba ako ni Atticus ay tinignan niya ito at sinabing, "Pay for the cab," At pumasok na sa loob sa tabi ko.

"This is kidnapping!" I shouted at him, nagpupyos ako sa galit ngayon habang siya'y kalmado lamang na nakaupo sa tabi ko.

"Akala mo ba nakakatuwa ka? You're a respectable businessman, why would you stoop that low? At anong rason mo? Na pupunta sa airport para salubungin si Sir Ismael?" Tuloy-tuloy kong sabi, nagyo'y nakaharap na siya saakin at pinapakinggan ang lahat ng lumalabas asa bibig ko.

"You've just accused me of having a relationship with your uncle not a few days ago, and now you're manhandling me?"

Nang wala pa rin siyang sinasabi ay hinampas ko ng isa ang kaniyang braso na malapit saakin, kasabay ng pag andar ng sasakyan. Wala na akong hiya-hiya sa tao na nakasakay sa harapan namin dahil gigil na gigil na talaga ako dito.

"Tapos ka na?" Ang kauna-unahang sinabi niya na nagpanganga saakin.

How rude! I scoffed before biting my lower lip to suppress my another fit. Hindi ko talaga inaasahan ang ganitong gawain sakaniya. Tangina, gigil man ako pero wala na talaga akong magagawa.

Ang alam ko ay kami lamang ng team ang susundo kay Sir Ismael pero bakit pati siya ay sasama? Medyo bida-bida siya. Nakakainis, akala mo naman hindi makakapunta doon ng mag isa. Anong akala niya saakin? Hindi marunong mag commute? Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko, nakita ko naman na si Anais ang tumatawag kaya naman sinagot ko naman ito kaagad.

"Iowa! Ano 'tong tinext saakin ni Trish?" Naguguluhan niyang tanong.

I sighed loudly and angled my body towards the window more, to avoid seeing Atticus' reaction. That way, hindi ako mayayamot sa inaasal niya.

"Maybe tomorrow nalang tayo, just had an important call." Ang tangi kong sinabi sakaniya kaya naman napamura siya sa kabilang linya.

"Kakaiba na talaga 'yan si Atticus! Jusko, nakakagulat ha... Sige na, bye na." She said.

"Bye! Bukas nalang ha? Love you," We bid our goodbyes before I ended the call.

Pagkaayos ko ng upo ay namataan ko naman na medyo yamot ang pagmumukha ni Atticus kaya naman napangiti ako. Ikaw naman ang mamatay sa inis ngayon! I kept myself busy with my cellphone all through out the ride para maiwasan ang anumang interaction with him. Nang makarating sa Terminal 3 ay ako na mismo ang nauna sa paglabas sa kotse, at dumiretso sa loob upang kitain sina Sir Franz. Bahala na si Atticus sa sarili niya, do I need to thank him? Pagiisipan ko.

"Era, alam mo ba kung bakit nag emergency call si Sir Ismael? Akala ko kasi sa isanga araw pa siya babalik..." Ani Mace sabay kamot sa ulo niya na tila ba naguguluhan.

Nang tignan ko sina Harvey at Sir Franz ay mayroon itong pinaguusapan na seryoso kaya naman ngumiti nalamang ako. Hindi ko 'rin alam kung bakit napadali ang pagbalik ni Sir, wala 'rin naman siyang naiwan or emergency meeting na hindi ko alam.

"Hindi ko 'rin alam, Mace." Ang tanging nasabi ko kay Mace at tumayo sa gilid niya.

Deceiving SebastianWhere stories live. Discover now