love

2 0 0
                                    


Ngayon ang aking graduation at sa ngayon ay nag aayos na si Tita ng sarili samantala ako'y nakatulala pa rin sa kawalan. Bumalik ako sa katinuan nang tumunog ang aking cellphone.

"Hello?" Sagot ko rito.

Tumikhim naman ang nasa kabilang linya. "Hey, you okay?"

Napangiti naman ako sa tanong niAtticus. Ilang beses na baa ko nagsinungaling na ayos lang ako? Nakakapagod na. "Yeah, how's your meeting?"

"Hindi pa nagsisimula, mamaya pa." He chuckled. 

Napatawa naman ako sa pambobola niya. "Oo na, baka mamaya niyan umamin ka pa eh."

This is the last,  Atticus. Susulitin ko na.

"Yeah..." He said nonchalantly.

Mapait naman akong napangiti dahil sa sagot niya. Maybe, we can be in another life. Kapag iba yung sitwasyon natin. Natapos naman ang pag uusap naming dahil tinawag siya ng sekretarya niya dahil dumating na raw ang mga kausap niya.

"Iowa, ayos ka na ba diyan?" Kumatok naman si Tita Matilde ng dahan-dahan at pumasok. Nang nakita niya akong ganon pa rin ang ayos ay lumapit siya saakin ay tinabihan niya ako sa kama.

"Iowa, hindi man madaling gawain, pero kailangan." Pagpapaalala saakin ni Tita.

Hinaplos niya naman ang aking buhok at mayroong kinuha sa bulsa niya. Inilabas niya ang isang kwintas na mayroong disenyo na kalahating buwan. Right off the bat, I could say that it's gold. Marahan naming isinuot ni Tita sa leeg ko. "Kung nandito si Marian, sobrang proud siguro niya sa mga nararating mo sa buhay." At suminghot si Tita dahil sa mga luha.

Niyakap ko nalamang si Tita at inalo. "Tita, bakit kailangang si Atticus pa?"

"Mapaglaro ang tadhana at sadyang maliit ang mundo, Iowa." Sagot saakin ni Tita.

"Gusto kong magalit at mapaghiganti si Mama, Tita. Gustong-gusto ko..." Mapait kong saad.

"Tama na iyong nakilala at dumaan ka sa buhay niya, Iowa. Ayokong mabuhay ka sa galit, hindi iyan ang gusto ni Marian." Humagulgol naman si Tita dahil dito.

Maya-maya pa ay inayusan na niya ako bago kami lumabas ng kwarto ay hiniwakan niya ang aking kamay. Nang bumaba kami ay naroroon na si Lolo at si Tito Ariel na nakangiti saakin. Lumapit naman saakin si Lolo at yumakap. 

"Aba'y napakaganda naman nitong apo ko..."

"Huwag ka lamang sisimganot Iowa at magiging kamukha mo itong Tita Matilde mo." Pagbibiro ni Tito Ariel. Napatawa naman si Lolo at ako dahil dito, si Tita naman ay binatukan si Tito Ariel dahil sa komento nito.

"Andiyan na sa labas ang taxi na itinawag ko, kami nalang ni Tatay ang susundo sainyo mamaya." Sabi ni Tito sabay ngiti saakin.

"Tay, mauuna na kami nito ni Iowa at dadaan pa kami kay Marian bago pumunta sa PICC." Pagpapaalam ni Tita.

Binitiwan naman ako ni Lolo at hinagod ang mukha ko ng isa pang beses. "Marian..." Bulong ni Lolo sa hangin.

Tumungo naman kami sa sasakyan at umandar na ito. Habang nakatitig sa labas ay napaisip-isip ako. Tama lamang ang hiningi kong pabor kay Ismael, tama na.

Hindi man kami pinanigan ng hustisya, tandhana naman ang kumampi saamin. At lulubos-lubusin ko na ito. All those sleepless nights, crying and mourning for my mother, would be worth it. We would get even.

"Marian, gagraduate na ang anak mo ngayon!" Pahayag ni Tita habang hawak ang bulaklak para kay Mama.

"Nagmana sa iyo, matalino rin..." Dagdag ni Tita at niyakap ako.

Deceiving SebastianWhere stories live. Discover now