"Miss Seraphine, pinapatawag po kayo ni Sir Ismael sa conference room." Biglaang tawag saakin sa intercom na nakapag kunot ng noo ko.
Sir Ismael haven't mentioned any scheduled meeting for today. I quickly did some checking in my appearance, brought my notepad and such before heading out of the room. Pagkapasok ko sa loob ng conference room ay kumpleto ang mga board members at dim pa ang light, naroon naman sa harap sina Sir France, Mace, Harvey, at si Sir Ismael.
"Ah, Iowa Seraphine!" Bati saakin ni Sir Ismael pagkapasok na pagkapasok ko ng silid, "Ladies and gents, meet Seraphine."
Ang lahat ng board ay tumingin saakin habang papunta ako sa harap. Ang iba ay tumango at ang iba naman ay tumitig lamang saakin. "At dahil nasa Espanya ako sa petsa ng convention sa Maynila, I've decided to send the four of them there. They will be our representatives for Manila."
Some nodded at the idea, while others just shrugged their shoulders off. "Ismael, how about the presentation for our newest project?" Ani ng isang matandang babae sa may kanan habang nakatukod ang mga siko sa lamesa.
"Both Harvey and Mace will take the honor to present it, while France is there for the financial aspects, and Seraphine for the report." Pinal na sabi ni Sir.
Natapos ang meeting ng uminom sa kani-kanilang kopita ang lahat, pati kaming nasa harapan. Pinatawag naman kami agad sa opisina ni Sir Ismael kaya naman sama-sama kaming apat, nauna ako sakanila para ayusin ng kaunti ang opisina at pinaupo sila sa sofa.
"Seraphine! I'm so excited, pupunta tayong Maynila." Excited na sabi ni Mace.
I wish I can say it, too. Tumango nalamang ako dito at umupo sa tabi niya, sina Sir France at Harvey naman ay mayroong kaniya-kaniyang pinagusapan sa kabilang gilid.
"Good morning," Biglaang pasok ni Sir Ismael kaya naman ay napatayo kaagad kami sa sofa, "Sorry for the short notice..." At nagsimula na si Sir Ismael sa pagbibilin ng mga kailangang gawin.
Napag usapan naman namin ang mga kakailangan naming dalhin, at kung paanong kilos at report format ang gagawin. Lalo na sa parteng pagkokoleta ng lahat ng mangyayari ay dapat aksama sa report na ako ang gagawa.
After our meeting with Sir Ismael, nagyakag si Sir France na magkaroon kami ng dinner sabay-sabay na apat para naman maging klaro at gamay ang mga kakailanganin.
We've decided to meet in ten minutes para makapag ayos ng gamit at magkita-kita nalamang sa lobby ng building. Nag asaran pa nang mabanggit ni Sir France na sa Muebles kami kakain.
"Galante tayo ah, Sir!" Pagbibiro ni Harvey.
Tumawa naman ito sa sinabi ni Harvey at humarap saamin bago kumindat, "Hindi naman, talagang nababayaran lang ng tama."
Sir France ordered a generous amount of foods, varying from Filipino cuisine up to Italian. While in the midst of our conversation ay nagkwentuhan na kami. Nangulit naman si Harvey at tinanong pa si Sir France kung pwede raw siyang mag casino after ng peresentation, dahil nang itipa niya sa online ang lugar ay nakita niyang malapit ito sa mga malalaking casino.
Dahil sinabihan kami na sa unang araw ay manonood muna kami sa CCP kasama ang mga executives ng ZHC for formal introductions, ay nagkaroon ng ganon na plano sa utak ni Harvey. Then, the second day would be our preparation and the rest of our remaining days are spent mostly with other companies.
"Seraphine, ikaw ba ay may nobyo na?" Out of nowhere ay tanong ni Sir France na tinilian naman ni Mace.
"Kapag wala pa, Era, itong si Harvey single pa!" Kantyaw ni Mace saakin. Umiling naman ako sa mga ito.
YOU ARE READING
Deceiving Sebastian
General Fictiontogether with his memories, i fade. but in his heart i stayed.