Pagkapasok ko sa loob ng room namin ni Mace ay naabutan ko siyang nag-aayos ng pagkain. Ngumiti naman siya saakin bago ako inaya, "Binili namin kanina nila Sir sa ibaba, halika na muna kain na tayo."
"Thank you, nasaan nga pala sila?" I asked before joining her.
"Pumunta sa casino sa kabilang building kasama ang ibang kompanya, nagkayayaan sila." She said before taking a bite on her hotdog.
"Era, nga pala... I hope you don't mind me asking this but, is your father still around?"
Napailing nalamang ako sakaniya. "I really don't know where he is, kahit noong bata pa lamang ako ay hindi nila nababanggit manlang kung nasaan or kung buhay man siya."
"You've been raised so well, Era. I hope you know that." She commented while pouting at me.
"I know, they did all that they can to raise me lalo na nung namatay si Mama, I've seen them bled and yet their cries were never heard. They're my rock ever since."
"Naku! Kung ako siguro mawawalan ng Nanay, baka mabaliw ako. Feeling ko hindi ko kaya, Era... hindi ko kakayanin." Ani Mace.
You know, hindi naman talaga nawawala ang sakit talagang nasasanay ka nalang. 'Yung pagod ka na masaktan kaya hahayaan mo nalang, hindi mo na papansinin kasi malungkot ka na nga mas lulungkot ka pa? Ano na, diba?
After we ate ay naligo muna ako bago nagpalit sa isang black mid-length sleeveless dress na mababa ang neckline kaya naman hinayaan ko nalamang ang buhok ko na bagsak, nagpaalam ako kay Mace na maglilibot lang ako sa baba. Nakita ko kasi dito sa hawak kong brochure na may shop sila dito, may mga binebenta na souvenir and such. Naalala ko si Bianca dahil sa pambatang hoodie na nakapaskil dito.
Nasa medyo may kalayuan ang shop kaya naman medyo na-exercise ang legs ko dahil dito. Nang makapasok sa loob ay bumungad saakin ang mga pampasalubong na pagkain, laruan, at mga damit na may tatak ng hotel. Medyo kaunti pa ang tao sa loob at karamihan pa ay mga foreigners kaya naman dumalo dito ang saleslady.
"Can I help you with something, Miss?" Someone asked from behind.
Pagakatingin ko naman ay isang banyaga na mayroong pares ng asul na mata. I think he's on his early twenties, based on his clothing and features. Ang nagpangiti sa akin ay ang tattoo nito sa leeg na kung hindi ako nagkakamali, ay isang lobo na ang likod ay buwan. I think, I'll forever be drawn by them- by the story behind it.
"Actually, I was looking for some souvenir for kids." I replied. Mukhang mapapasabak ako dito.
"Lucky for you, I just saw them pulled out some new stocks," Ani nito sabay turo saakin sa medyo dulo kung nasaan ang pambata. "I'm Garret, by the way."
"Thank you,"I paused before taking a hold of his hand, "Era..." Bago ako nagsimulang maglakad papunta sa isang stuffed toy na unicorn.
"Are you already here days ago? I didn't seemed to see even a glimpse of your beauty..." Napangiti naman ako sa turan nito. Feeling ko tuloy ay napakaganda ko naman.
"Smooth, I just arrived here yesterday for some work." I shrugged bago siya nilingon at ngumiti.
He chuckled at my response. "That explains why," He paused. "Can I take a picture with you?" He asked before taking out his camera.
Nabigla naman ako sa tanong nito dahil, lipstick lamang ang mayroon ako ngayon. Wala pa akong kilay! Shit. Tinawag naman niya ang isa sa mga staff upang kuhaan kami ng litrato.
"You would make a perfect couple, Sir!" Puri nito saamin bago i-click ang camera. "Ma'am, usod ka naman ng kaunti, 'yung mas close."
Garret suddenly put his arms on my bare shoulder kaya naman medyo napaigtig ako. Pagkatapos kami kuhaan ng picture ay tinignan naman ni Garret ang picture sa camera niya. "Are you free this evening, Era?"
"I can't, I have some work related errands this evening." I didn't want to sound rude kaya naman dinugtungan ko ito, "Some other time, perhaps?"
Ngumiti naman kaagad ito ngunit bago pa makapag salita ay nagring ang kaniyang cellphone. Tumalikod naman ako dito habang may kausap at tinignan pa ang iba pang mga gamit na pambata. Kukunin ko sana 'yung isang unan na kulay black ngunit nang makita ko ang presyo para dito ay napagpasiyahan ko na huwag nalamang. Hindi practical.
Nang matapos ang tawag ay pumunta naman kaagad si Garret sa harapan ko at inilahad ang kaniyang cellphone. "Let's go out some other time, then."
Kinuha ko naman ito sakaniya bagi tinipa ang aking numero. He smiled at me before excusing himself. Habang tumitingin sa iilang kwintas ay napatigil ako nang makita ko ang isang kwintas na simple lamang ngunit ang nagpaganda dito ay ang isang diyamante na nakahugis buwan.
"You and your fascination for Selene," Napabaling naman agad ako sa nagsalita dahil bukod sa kilala ko ang pinaggalingan ng boses ay siya ang nagkwento saakin ng pinanggalingan nito.
I tightly held the unicorn stuffed toy into my chest. Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang haklitin ang aking palapulsuan. "Perfect couple, my ass..." He muttered lowly before facing me.
"Ano?" Dahil hindi ko masyadong narinig ang binulong niya.
"We have a dinner meeting later at around seven thirty," Anunsyo niya.
Huminga naman ako ng malalim bago inalis ang kamay niya sa kamay ko. "I know,"
Pumunta naman ako sa counter para bayaran ito, ngunit bago ko pa maabot ang pitaka ko ay ibinigay niya na ang card niya. "Atticus!" Ani ko sabay haklit ng card niya.
"I am the one who's buying it, kung gusto mo ng ganito ay kumuha ka doon." I said before handing him back his card at binilisan ko ang pagabot sa cashier ang pera ko.
"I was paying for it. Damn, woman..." He annoyingly said bago hinarap ang kahera.
"I have my own money, I need no man's money to provide for me." I said before taking the paper bag and my change.
Inunahan ko na siya lumabas ng shop dahil nayayamot ako. Kanina lang ay maganda ang mood ko pero nung dumating siya ay nasira na! Damn him for being a scumbag. Medyo mahangin na ngayon kaya naman ay bayolenteng hinahataw ng hangin ang balat ko, ang buhok ko naman ay nililipad na kaya tumigil ako sandali at itinali ang buhok ko. Medyo mahaba-haba pa ang lalakarin ko, baka pagdating ko sa lobby ay buhaghag na ang buhok ko.
Hindi pa ako nakakalayo ng biglang hinaklit ni Atticus ang braso ko ng marahas para iharap sakaniya. "Are you even wearing a damn bra?" He asked in a low voice, restraint was present.
"Ano ba?" Bawi ko naman sa braso ko. Dahil sa open back ang likod ay talagang mapapaisip ka kung may suot ba ako o wala. Pero paki niya ba?
Inabot naman niya ang tali ko sa buhok atsaka mabilis na tinanggal sa pagkakatali. "I am fucking asking you, Iowa... Do not fucking test me."
"Ano naman kung wala? Hinaharangan ba ng dede ko 'yang dadaanan mo?" Inis na wika ko dito. Nagsimula ulit akong maglakad habang siya'y nagpakawala ng ilang buga at mura.
"Iowa..." May pagpipigiil na wika niya.
"May paddings ito sa harap!" I told him bago siya iwanan doon sa hall.
Binilisan ko na lalo ang paglalakad at pagkabalik sa pad ay nakita ko naman ang kakaligo lang na si Mace na nakabath robe pa.
"Oh, ang asim ng mukha natin," She teased.
"Halata ba na wala akong bra?"
"Era, ang ganda nga ng dress sa'yo! If only I have those boobs of yours..." Sabi niya kaya naman sinimangutan ko siya bago umupo sa kama ko.
"Pero no joke, Era. Sino ba ang nagsabi na hindi bagay?" Ani niya habang papalapit saakin.
Huminga nalamang ako ng malalim tsaka pumikit. Ang gagong Atticus ay talagang iniinis ako. I was supposed to stay away from him. Hindi iyong nakikipag usap ako dito. I should keep my distance just until this convention is over.
YOU ARE READING
Deceiving Sebastian
Fiksi Umumtogether with his memories, i fade. but in his heart i stayed.