Dala ang lakas ng loob ay maingat na isinarado ni Edgar ang tarangkahan ng bahay, takot na maistorbo ang mga mga kapatid na nagtitiis sa bahay na yari sa mga pinaglumaang materyales. May pag a-alinlangan man ay hinarap nito ang nobyang kanina pa naghihintay.
"Wala nang urungan." Mahina ngunit mariin na bigkas ni Belinda.
Sa huling pagkakataon ay nilingon ni Edgar ang tahanan na lilisanin kapalit ng kalayaan. At kahit pa nanghihina ang katawan ay hindi mababayaran ang ngiti sa maputlang mga labi.
"Pasensya na Pa, pero mas matimbang ang pangarap kong maging arkitekto," bulong ng binata sa nanlalabong paningin habang hinahaplos ang naghihilom na sugat sa gilid ng tiyan.