"Catherine. . ."
Nabigla akong makita siya dito sa clinic at ganun rin siya nang matitigan niya akong mabuti.
"Pasensya na kalimutan mo na ang sinabi ko." Nagmamadali siyang lumabas ng clinic ngunit mabilis ko siyang hinabol. Para kaming dalawang batang naglalaro ng habulan na hindi tumatakbo.
"Teka lamang, Catherine! Mag-usap tayo pakiusap!" ang sabi ko habang patakbong naglalakad kasunod niya.
Bigla siyang tumigil at humarap sa akin. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan!"
Tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Sinubukan ko itong punasan pero pinigilan ito ni Catherine. Nagtagpo ang mga kamay naming kasabay nito ang bigla ko na naming pagkahilo.
Nagising ako na wala na naman si Catherine. Mag-isa lamang ako sa clinic. Nakalagay sa pinto ang plaka na "CLOSED" at nakababa ang mga blinds ng bintana ng clinic.
"Anong nangyari?"
"Binantayan ka niya hanggang sa naging maayos ang kalagayan mo." Biglang lumitaw na naman mula sa kung saan si Samara. "Iyon lamang ang kailangan mong malaman sa ngayon."
"Bakit may iba pa bang nangyari?"
"Paalam na ulit. Paparating na muli si Tod. Huwag mo na muna isipin masyado si Catherine." At naglaho na siyang muli na parang bula. Halata kapag umiiwas si Samara sa mga tanong ko. Walang kasing bilis siyang maglaho para lang hindi ko na siya makulit pang muli.
Anong klaseng gabay ba si Samara, ni hindi niya nga ako ginagabayan ng maayos.
Hindi pa nagtatagal noong umalis ang anghel kanina, dumating na si Tod. Mukhang kalmado na siya at ito ang perpektong pagkakataon para kausapin siya tungkol sa natuklasan ko. Tumitig ako diretso sa kanyang mga mata ngunit umiwas siya ng tingin. Balak niyang lumabas muli ng clinic ngunit pinigilan ko siya.
"Tod, mag-usap tayo," ang pagtawag ko sa kanya.
Mabilis na lumapit sa akin si Tod at niyakap niya ako ng mahigpit. Labis ang aking pagkabigla sa kanyang ginawa. Matagal niya akong niyakap at tila ba ayaw na niya akong pakawalan.
"Patawarin mo ako sa ginawa ko kanina," ang malambing na sabi niya sa akin.
"Akin ka lang, Sterben. Ipangako mo sa akin na hindi mo ako itataboy palayo dahil kay Angela," bulong niya sa tenga ko.
Biglang nanlambot ang aking mga tuhod dahilan para mapaluhod ako at mapakapit sa suot na lab coat ni Tod. Pagkahawak na pagkahawak ko pa lamang sa laylayan ng kanyang lab coat ay dumagsa muli ang pagpasok ng mga alaala sa aking isipan.
Nagbalik sa aking isip ang alaala ko kasama si Tod.
Magkababata kami ni Tod, magkaklase kami sa eskwela at magkapitbahay kami. Siya lamang ang tanging kaibigan na mayroon ako dahil sa kumalat na sa paaralan ang masamang reputasyon ng mga magulang ko. Ang aking ama ay isang drug addict at ang aking ina ay isang dating prostitute. Nilalayuan ako ng mga kaklase ko dahil pinagsasabihan sila ng mga magulang nila. Si Tod lamang ang lumapit sa akin para makipagkaibigan.
"Ako si Tod, ikaw ano ang pangalan mo?" ang sabi niya na may matamis na ngiti sa kanyang labi. Ang unang kaibigan na mayroon ako.
"Sa oras ng problema, lagi lang akong nandito para sa iyo. Pangako iyan!"
"Salamat Tod."
Isang araw nagising na lamang ako na patay na ang mga magulang ko. Base sa imbistigasyon ng mga pulis, nalason sila sa pamamagitan ng pag-inom ng alak na may halong lason. Si Tod lamang ang dumamay sa aking pagluluksa sa aking mga magulang. Dinala ako sa isang ampunan matapos isara ang kaso bilang double suicide.
BINABASA MO ANG
Dr. Sterben
Mystère / ThrillerSterben died in a car accident and then finds himself in the middle of nowhere, surrounded by pure darkness. A nameless little angel suddenly shows up to deliver him the good news. Sterben was informed by the angel that he is a lost soul who was giv...