Chapter 11: The 3rd Memory Fragment

173 12 18
                                    

"Genesis, lumapit ka rito!" sabi ng aking ama na may kasamang paghampas sa mesa. "Bilisan mo!"

Halos magkandarapa na ako sa pagmamadali habang nanlalambot ang aking mga tuhod dahil sa takot. Kapag tumaas na ang boses ng aking ama, iyon na ang sensyales na sa akin na naman niya ilalabas ang lahat ng inis niya.

"B-bakit po?" Nanginginig ang aking boses sa simpleng pagsagot lamang sa kanya.

"Hubadin mo ang suot mo!" utos sa akin ng aking ama. Hindi sa pagkasabik sa laman kundi purong galit ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

"Sinabing maghubad ka!" sigaw niya nang makita niya na hindi ako nasunod sa kanya.

Hindi ako makakilos sa takot. Alam kong mas masasaktan ako kung hindi ako susunod sa kanya, pero hindi ko talaga kaya sundin ang ipinapagawa niya.

Hinigit niya ang braso ko at kinuha ang suot niyang sinturon. Paulit-ulit niya itong inihampas sa akin. Wala akong magawa kundi ang umiyak at magmakaawa. Ngunit tila hindi ito naririnig ng aking ama at patuloy lamang sa paghampas. Nang hindi na ako makagalaw, hinubaran niya ako at paulit-ulit na pinagsamantalahan. Ito ang araw-araw kong tinitiis sa tuwing uuwi ako ng bahay mula sa eskwelahan. Sa ama ko lamang ito, iba pa ang nararanasan ko mula sa aking ina.

"Genesis! Genesis!" sigaw ng aking ina. "Bilisan mo!"

Katulad ng aking ama, hindi pwedeng babagal-bagal ako kumilos sa oras na tinawag na ako ni ina. Mas nag-iinit ang ulo ni ama at ina sa tuwing nahuhuli ako at nagiging mas matindi ang parusa.

Pagkarating na pagkarating ko pa lamang ay binatukan na ako kaagad ni ina. "Ano na naman ba ang ginawa mo? Napag-initan na naman ako ng ama mong walang silbi!"

Kinuha niya ang kanyang bag ng make-up. Inilabas niya ang sari-saring laman nito at salit-salitan niyang ginamit ang mga ito. Pinunasan niya ang mga parte ng mukha ko na mayroong pasa. Ganun din ang ginawa niya sa mga braso at binti ko. Kailangan niya itong gawin dahil makikita ng ibang tao na pinagmamalupitan nila ako kung hindi niya itatago ang aking mga pasa.

Kung may pinagkaiba man si ina kumpara kay ama, iyon ay sinasaktan din siya ni ama. Minsan nakikita ko rin siyang umiiyak habang umiinom ng alak.

Nang matapos ang pagbalik ng mga alaala ko, nangibabaw ang galit sa puso ko. Gusto kong magwala, gusto kong gumanti sa mga magulang ko na sinaktan at pinagmalupitan ako!

"Sterben! Huminahon ka!" sabi ni Samara na nakikita rin ang mga ala-alang pumapasok sa isipan ko.

"Bakit ba tinatawag mo pa rin akong Sterben!"

"Hindi ko pa maaaring sabihin sa iyo pero sa ngayon magtiwala ka sa akin. Alalahanin mo ang natutunan mo mula kay Maria."

Naalala ko bigla ang mga salitang sinabi sa akin ni Maria. Katulad ni Angela, nagawa rin labanan ni Maria ang galit at poot sa puso niya. Kung nagawa ni Maria at Angela, dapat kayanin ko rin!

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Pilit kong inaalala ang mga masasayang alaala na mayroon ako mula kay Angela, ang mga alaala ng maiksing panahon na nakausap ko si Maria, ang mga panahon na ginugol ko kasama si Samara at ang mga natutunan ko sa bawat taong muli kong nakasalamuha. Tinalo ng mga ala-alang iyon ang namamayaning galit sa puso ko.

"Salamat, Samara."

Humupa na ang nag-uumapaw na poot sa aking puso nang unti-unti.

"Walang anuman. Trabaho ko iyon, ang gabayan ka."

Ngayon kumalma na akong muli. Pagtingin ko sa baba ay nakita ko si Maria na nakatitig ng maigi sa akin.

"Ayos ka lang po ba?"

Dr. SterbenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon