4th Part

61 4 0
                                    

Days have passed by so very fast.

Now, I almost lost all of my hair. I'm now wearing a face mask. and I'm here, sitting in a wheel chair. Nagbibilang na nga ako ngayon kung ilan araw na lang yung itatagal ko sabi ng doctor sa'ken.

Then, it was only 7 days from now. 1 week na lang pala ako mabubuhay.  

Pano ba yun? Di ko pa din  tapos yung bucket list ko. Kelangan ko pang matapos yung tatlo. :(   Alam na nga din pala ng buong klase namin na may sakit ako, they are always visiting our house.  Hindi kasi ako nagpa-confine sa hospital e.

I was just guided by my private nurse. Si Anne, naging malapit kaming magkaibigan and I even tell her my problems. Syempre lagi ding nandito sina Venice at Brent. May mga pagkakataon ngang nag-ssleep-over na din sila dito.  

I'm marking my calendar X after another X.      

One time tumingin ako sa salamin, I literally lost all my hair. I was crying painfully. I really look ridiculous, pathetic or whatever you call it.

Tapos dumating si Brent.   "Oh? Bakit umiiyak yung baby ko?" Brent   "Ang panget-panget ko na. Siguro di mo na ako mahal no? Siguro di na ako yung gusto mo?" ako habang umiiyak pa din.  

"Anu ba yang mga sinasabi mo?" Brent  

"Sabi ko na nga ba e." lalo akong umiyak  

"Walang nagbago sa pagmamahal ko sa'yo Baby ko. Ikaw pa din yung magandang Lorainne sa paningin ko. Malagas man lahat ng buhok mo, ang ngipin mo, kumulubot man yang balat mo, wala akong pakialam. Mamahalin at mamahalin pa din kita dahil hindi naman ang mata ang nagmamahal e. Eto oh" tinuro niya yung dibdib niya. "PUSO, puso ang nagmamahal."

Tapos niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Oh? Iiyak ka pa ba baby ko?"  

"Sige, hindi na." tapos umiyak na naman ako bigla.  

"Akala ko ba hindi ka na iiyak?" Brent  

"Masyado lang akong na-touch sa mga sinabi mo. Ganun mo pala talaga ako kamahal no?" ako

  "Oo. Hindi kayang sukatin ng anuman ang pagmamahal ko sayo. Ikaw lang yung nag-iisa dito sa puso ko." Brent      

===After 6 days===  

This is my last day! My very last day! Mawawala na ako. Di ko mapigilang umiyak. Kagabi, katabi ko si Brent. Paggising ko wala na siya. Siguro mas OK na yun, mas mahihirapan akong iwanan siya e pag makikita ko siya bago ako mawala. Siguro ganun din siya sa'kin.

Ayaw niya sigurong makitang mawawala na ako.  

Lumipas ang bung araw na ang kasama ko lang ay si Anne, si Venice at yung family ko.   Naalala ko tuloy last night nung magpapaalam na ako sa family ko.    

==FLASHBACK==  

"Ma, Pa, salamat po talaga sa lahat ng ginawa niyo para sa'kin ha? Mahal na mahal ko po kayo." umiiyak na agad ako. Nakita kong umiiyak na din silang lahat, including my two siblings.  

"Ate, Ate, pwede bang wag ka ng umalis? Pleaassee?" umiiyak na sabi sakin ni Reese. "Mamimiss kita ate. Wala na akong makukulit."  

"Hindi pwede Reese e. Magiging masaya naman si Ate sa pupuntahan niya. Wag kayong maging pasaway ni Anton dito ha? Wag niyong bibigyan ng sakit ng ulo sina Mama at Papa." tapos hinalikan ko sa noo si Reese.

Then gumanti naman siya ng yakap, iyak na siya ng iyak.  

"Ate, sayang no? Hindi mo ako naabutang maging doktor? Panigurado. Magagamot ko yang sakit mo." si Anton. Nakwento nga pala niya sakin na gusto niyang maging doktor, dati gusto niyan pilot. Gusto na daw niyang mag-doktor kasi mahirap daw pala yung nararamdaman ng mga tulad niyang  may sakit ang kapatid. Nakakatawa pero napaka-touching. Naappreciate ko talaga yun.  

"Oo nga e. Pero ok lang yun. Alam ko namang magiging magaling kang doktor. Hindi man ako yung magamot mo, alam kong may iba ka pang matutulungan." ako, tapos ginulo ko yung buhok niya.  

"Anak,!" Niyakap na lang basta ako ni Mama. Yung kahit walang sabihin, ramdam na ramdam ko yung mga emosyon niya. Ang sakit, ang sakit sa pakiramdam na makikita mo yung nanay mo nasasaktan dahil sa kalagayan mo.  

"Ma, anu ka ba. Lalu akong naiiyak sa'yo" ako  

Si papa, nandun na nakatayo lang sa harapan ko. Hindi mo kakikitaan ng lungkot o pighati pero ramdam ko yung nararamdaman niya. Nilalakasan niya yung loob niya bilang Padre de pamilya.

Niyakap ko na lang si Papa nung lumapit siya sa'kin. Bumulong na lang siya. "Mamimiss kita anak, mahal na mahal ka namin."   Di ko na talaga kayang pigilin yung luha ko. Sobrang sakit na e. Sobra-sobra na.      

==End of Flashback==     

My Bucket List (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon