Habol-habol ni Verse ang kanyang hininga ng magising sa isang panaginip. She's nervous and scared at the same time. Naalala nya pa ang laman ng kanyang panaginip, naaksidenti daw sya habang sakay ang kanyang koste, nahulog ito sa bangin na sanhi ng kanyang pagkamatay, But obviously buhay pa sya at humihinga.
"Binibini!!" napapitlag si Verse ng marinig ang boses babae sa tabi nya. "Gising na kayo!" masaya sabi nito.
Napataas s'ya ng kilay sa itsura ng babae. Nakasuot ito ng sinaunang damit na mukhang pangkatulong, itim ang dress nito na may puting apron. Bahagyang magulo ang nakapusod na buhok nito at tila nagmamadili, hula nya kasing edad n'ya lamang ito, ngunit nagtakaka sya sa costume nito.
"Binibini kailangan na nating umalis!" may pagmamadaling usal nito. Bigla sya nitong hinila pabangon sa kanyang hinihigaan. Napansin agad nya ang kanyang suot. Nakaputing longsleeve dress sya na umaabot hanggang paa, manipis and tela at malambot. Nagtataka sya sa kanyang suot.
'Ito ba ang usong hospital gown?' sa isip-isip nya.
"Binibining Verse, wala na tayong oras kailangan na nating umalis!" nagmamadlaing sabi ng babae, may pinasuot itong makapal na cloak at sombrero.
Inilibot nya ang paningin sa paligid, malaki ang silid may isang malaking aparador at salamin sa dingding, may tsiminea sa gilid samantalang sa taas niyon nakasabit na pendulum clock, makakapal ang kurtinang nakatakip sa bintana at sa lamig ng silid sa tingin nya umuulan ng niyibe sa labas.
Nanlaki ang mata nya ng mapagtanto kung nasaan sya.
'What the heck!'
Transmigration. Hindi sya naniniwala roon, she's 20th century women at hindi totoo iyon. Nababasa lang ang mga iyon sa libro, paano sya napadpad sa lugar na ito! Bago pa mag sink-in sa kanya ang nangyayari, hinila sya ng 'babae' palabas ng silid.
"A-anong nangyayari?" nauutal nyang tanong habang tumatakbo sa madilim na pasilyo, tanging kandila lamang ang naroon.
"Nandito na sila...." Sagot nito.
Nagtaka sya "Sinong sila?"
Bahagya syang binalingan ng babae, napansin nya na may halong takot at lungkot ang mga mata nito "Ang taong bayan.....nandito sila para sayo...."
"Ano—" bago pa nya matanong ang ibig nitong sabihin.
Biglang nabasag ang malalaking bintana sa pasilyong tinatakbo nila. Napadapa silang dalawa, namatay ang nakasinding kandila at nabalot sila ng kadiliman. Nasundan iyon ng isang malakas na hiyawan. Nanginginig s'ya sa takot ng ibangon sya ng babae at nagmamadling tumakbo palayo roon. Malaki ang bahay, marami siling nilikuan bago sila nakarating sa maliit na pinto mula sa kusina.
"Kailangan mo ng umalis dito binibini..." hinihingal na turan ng babae.
"Anong nangyayari?" naguguluhan nyang tanong.
"Nandito sila para patayin ka!"
Nanlaki ang mata nya at lalong lumakas ang kabog ng dibdib nya "B-bakit?"
"Binuhay mo ang hari ng kadiliman.." mahina nitong sagot. Bago pa man sya makapagtanong nakarinig sila ng mga sigaw at yapak papunta sa kanilang direksyon. Binuksan ng babae ang pinto at tinulak sya palabas roon "...Binibini tumakas ka na." umiiyak nitong turan.
"Paano ka?" naiiyak nyang tanong.
Ngumiti ito ng mapakla "Masaya akong pagsilbihan ka....... kahit sa'king huling hininga..." anito. Bago siya tuluyang itulak palabas ng bahay at isara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Hades (one shot)
Fantasy"Ayun sila!" sigaw ng isang lalaki sabay turo sa kanila. Nagulat sila ng makita na may mga kasama pa ang mga ito dala ang mga ispada at apoy, marami sila may babae at lalaki, ang mga mata nila ay puno ng galit at panghuhusga. Nagkatinginan sila ni...