Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update, naging busy po ako these past few weeks. Hope to see your reactions and suggestions in the comment box :)
-deliixx
Update 07/01/20:
Let me know if galing kayo sa book (Published under Pop Fiction). Wala lang, gusto ko lang mag thank you sainyo hehe
"Venice!" 'yan ang unang rinig ko pagkasagot ko ng tawag niya sa facetime. Kumaway ako bilang sagot.
Nakangiti siya habang inaayos ang anggulo niya sa cellphone niya, buti na lang dahil kung nakasimangot 'yan ngayon ay siguradong may problema sila ni Clay.
"Ang ganda mo na Vee! Kailan ka babalik ng Pinas at makita ko na ng personalan 'yang ganda mo." Natawa na lang ako sa sinabi niya, iyan lagi ang sinasabi n'ya everytime na nag-fe-facetime kami.
Inaayos ko ang buhok ko dahil papasok na ako maya-maya sa unibersidad na pinapasukan ko.
"Oh, don't give me that silence. Umuwi ka na ng Pinas! For God's sake, tatlong taon ka ng nandyan. Di ka ba nag-sasawa sa mga mapuputing tao dyan?" Umiling ako, meron naman akong mga kaibigan na Pilipino rin at nag-migrate dito sa New York.
"I'm here to cheer you up para sa OJT mo, hindi para pauwiin mo ako dyan." Sabi ko. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga kailangan sya ipag-cheer sa OJT niya dahil kompanya naman nila ang papasukan niya. Pero ang sabi niya ay maraming expectation ang mga tao doon sakanya lalo na't both parents niya ay magaling pagdating sa negosyo.
"I forgot, okay na ba ang ayos ko?" tanong niya at lumayo sa screen para ipakita sakin ang ayos niya, naka-pormal na white blouse sya at itim na shorts na bagay na bagay sa puti niya.
Binigyan ko siya ng two thumps up at doon pa lang siya nakuntento.
"Look Dee, I should better go. Baka malate ako, terror pa naman yung prof. ng first class ko."
"Okay, ako rin. Terror rin si daddy e. Bye."
Nagmadali akong lumabas dahil kanina pa nag-hihintay ang sundo ko. Mabilis akong nakarating dahil hindi naman kalayuan ang bahay namin sa unibersidad na 'to at walang traffic.
"Thank you, sir." Sabi ko sa pinuno ng mga driver namin.
"Anytime, ma'am. Just call me if you need a ride." Sabi niya at tinaas ang sombrero niyang parte na ng uniporme nya bilang driver.
Ramdam ko ang mga titig ng mga studyante sa parking lot,agad kong nilabas ang phone ko para tawagin ang kaibigan ko. Noong una, nahirapan akong makipag-kaibigan dito dahil iba ang kulturang nakagisnan ko pero nung nakilala ko si Trigger, na isang Fil-Am at katulad ko ring hirap makasunod sa mga kaklase naming kakaiba ang kulay ng mga mata.
"Where are you?" paninimula ko nung sinagot nya ang tawag ko.
"Cafeteria, punta ka dito. Kanina pa kita hinihintay." Binaba ko na ang tawag para puntahan si Trigger. Agad ko siyang nakita na nakaupo kasama si Thea, blonde na kaklase namin sa isang subject na may gusto sakanya.
Natawa na lang ako sa expression na binigay sa akin ni Trigger nung nakita nya ako sa pintuan ng cafeteria. Ever since, ayaw na nya kay Thea dahil alam nyang katawan nya lang ang habol dito. Medyo may pagkahorny kasi itong si Thea kaya ayaw niya rito.
Agad akong lumapit at pumagitna sakanila, agad nag-walk out si Thea at tinawanan lang namin yun ni Trigger.
"Damn that girl, ilang beses ko ng sinabing hindi." Sabi nya at inayos ang buhok niyang naka-style.
BINABASA MO ANG
SCSU: Venice II - Still Into You (Published under Pop Fiction)
RomanceEverything changed for Venice in four years of existence in America but her heart remained cold. Maraming tao ang sumubok tunawin ang yelo sa puso n'ya pero hindi ito natinag. Just one person, one person from the past who will surely melt her coldne...