"Hindi ba kayo nabibigla lang, Lolo?"
Balak daw nitong bilhin sa mas mataas na halaga ang maliit na lupang nasa hangganan ng kanilang napakalawak na lupain. Sampung ektarya, ganoon kaliit, pero balak bilhin ng abuelo niya sa mas mataas na halaga?
Bakit?
Ano'ng mayroon doon? Buti sana kung napakalawak ng lupang iyon, mas maiintindihan pa niya. Isa pa may kalayuan na iyon sa town proper. Kung balak naman palawakin ng Lolo niya ang pinagagawa nitong subdivision, parang nonsense pa rin kasi nga maliit lang ang lupa.
"Hindi, apo. At hindi rin ako sinasaniban ng maligno na gaya ng sabi ng Lola mo."
Napaingos ang Lola niya na katabi lamang ng esposo nito. "Ewan ko ba riyan sa matandang iyan, Evan. Pagsabihan mo nga iyan."
Kung hindi lang sa nakatutulig-taingang anunsyo ng kanyang abuelo ay mangingiti siya sa kakyutan ng nakikitang senaryo sa pagitan ng dalawang matanda.
"Ano'ng meron sa lupang iyon, 'Lo?"
"Mataba ang lupang iyon, Evan. Sagana sa mineral na kailangan ng halaman para lumago."
"O? Huwag mong sabihing maghahalaman ka na rin, Ando?"
"Why not, Saling? Wala namang masama roon. Nakakatulong ang paghahalaman para sa kalusugan natin. Matatanda na tayo. Panahon na para i-enjoy natin ang mga huling araw natin sa mundo. Ang balak ko, kapag nabili natin iyon, patatayuan ko iyon ng tipikal na bahay-kubo. Tapos doon tayo titira. Ipaubaya na natin itong ancestral house kay Evan kapag nakasal na siya. May malalim na batis sa hangganan niyon. Masarap maglunoy. Naiisip mo ba ang ideya ko?"
"Pero, 'Lo, puwede naman ninyong bilhin iyon sa tamang presyo."
"Oo. Kaso ay nalaman kong ayaw ipagbili ng may-ari."
"Sa anong dahilan?"
"Pinagkukunan daw iyon ng kabuhayan ng pamilya nila."
"O, iyon naman pala, eh. Diba puwede naman na doon na lang sa panig ng lupa natin na dinadaluyan ng batis patayuan ng binabalak mong bahay-kubo?"
"Saling naman, nakaplano na iyon na patatayuan ng townhouses. Despues, hindi na puwede."
"Maganda ba talaga ang lupang iyon, 'Lo?"
"Oo, apo. Pasyalan mo iyon mamaya para makita at malaman mo. Baka pag-uwi mo ay sumang-ayon ka na rin sa balak ko."
Napahawak siya sa kanyang baba.
"Sige, mamaya po."
"Kausapin mo na rin si Leopoldo Santamena. Siya ang namamahala roon."
"Alalahanin ninyo, pinagkukunan ng kabuhayan ng pamilya nila ang lupang iyon. Ano na lang ang mangyayari sa kanila?"
"Saling, kaya nga babayaran natin sila ng malaking halaga. Sinabi ko pa sa Kapitana na just name the price. Sa halagang mapipili nila, puwede na silang magpatayo ng negosyo. Maraming paraan. Basta marunong lang silang humawak ng pera."
"Paano kapag hindi pa rin pumayag, aber? Ano'ng gagawin mo?"
Nakita ni Evan ang pagtigas ng anyo ng matandang lalaki.
"I'll have the land, by hook or by crook, Saling."
Parang natakot na nanahimik na lang si Lola Saling.
Napalunok si Evan. This was his Lolo Andro, the tyrant and unforgiving Androlino Rodriguez, Sr. Na noong kapanahunan nito ay naging kilalang mabagsik na panginoon ng mga lupain. Walang sinisino, walang sinasanto. Basta ginusto, nakukuha nito.
Kaya naman sa bayan nila ay iniilagan ang kanyang abuelo. Walang sinuman ang nais bumangga sa pader na maraming koneksyon sa gobyerno.
Ngayon pa lang ay naaawa na siya sa pamilya ng sinumang may-ari ng lupang iyon.
***
Nangiki si Nadia sa ginaw nang dahan-dahan niyang ilubog ang sarili sa malinaw na batis, sa bandang baywang na ang lalim. Paborito niyang maglunoy sa batis sa tuwing dadalaw siya sa kanilang farm. Ang batis na ito ay nasa hangganan ng dalawang lupain; ang sa kanila at ang sa pamilya Rodriguez.
Nangangamba siya na baka masira ang batis kapag naipatayo na ang imprastraktura ng pamilya Rodriguez. Sa pagkamoderno ng plano ng mga constructors, hindi malabong mangyari nga iyon. Ang batis na ito ang bumubuhay sa kanilang farm. Paano na lang kapag sinira ito ng mga walang pusong mapanira ng kalikasan? Mas mahihirapan sila.
Kung may magagawa lamang sana siya.
Isumbong sa gobyerno?
Hindi. Para na rin siyang sumuong sa giyera na alam niyang wala siyang lusot. Malakas ang kapit ng mga Rodriguez sa munisipyo. Para na rin siyang bumangga sa pader.
Napailing-iling si Nadia.
Mas mabuti na lang na i-enjoy niya ang paglulunoy sa batis kaysa isipin ang mga bagay na alam niyang ikasasakit lamang ng kanyang ulo.
Dahil wala siyang solusyong naiisip sa ngayon.
Para maalis ang ginaw ay nilangoy niya ang kahabaan ng batis. Paroon-parito. The waters was refreshing, taking her mind away from the worries of the world. Hindi niya kailanman pagsasawaan ang ganito. Nakakaalis ng stress, nakakapalis ng problema - kahit pansamantala lamang.
Nang mapagod ay bumalik siya pampang at naupo sa mga damo. Inabot niya ng isang kamay ang dala niyang bag. May baon siyang pagkain, bukod pa sa ibinigay sa kanya ng kanyang tiya Daleng na mga kakaning gawa sa bigas.
Minutes later, she was enjoying munching on her food.
All the cares of the world vanished, even in the short spun of time. Iyon ang kanyang happy pill. At walang puwedeng sumira niyon. Kundi ay manghihiram ang sinuman ng mukha sa kambing kapag binuntal niya.
She snickered despite herself.
Nang maubos ang isang kakanin ay nagpasya siyang lumusong na muli sa batis para manguha ng kuhol sa mga batuhan. Paborito niyang kainin ang mga kuhol, lalo na kapag niluto sa gata tapos samahan ng kahit anong gulay, pero ang mas gusto niya ay sa malunggay.
Yum!
Mahigit isang oras din siyang nanguha ng kuhol. Pagbalik niya sa puwesto kung nasaan ang mga gamit niya ay halos mapunit ang pinaglagyan niyang plastic sa dami ng kanyang nakuha. Ibinagsak niya iyon sa damuhan at muling pumailalim sa batis para muling lumangoy.
Nang magsawa ay nagpasya na siyang umahon para bumalik sa bahay nina tiyo Poldo para magbanlaw. Inipit niya ng bahagya ang kanyang ilong at pumikit para ilublob ng patalikod ang kanyang ulo sa tubig, nang sa gayon ay maayos ang mahaba niyang buhok na parang sinuklay.
Hinihilamusan na niya ang kanyang mukha para maalis ang mga patak ng tubig doon nang may biglang tumama sa kanyang noo. Saktong sentro ng kanyang noo ang nasapul.
"Aray! Ano'ng --"
"What's this?" Wika ng isang tinig. She opened her mouth to protest or something, when another small, hard thing struck her. Tumama ang bagay na iyon sa kanyang leeg at dumausdos sa kanyang dibdib. Sinalo niya iyon at nanlaki ang mga mata niya nang makitang isang piraso iyon ng kuhol.
Kuhol na pinaghirapan niyang kunin!
Nanlaki ang mga butas ng kanyang ilong, nanliit ang mga mata niya.
The nerve of this intruder! "Hoy!"
"Hoy ka rin!" Ang papitlag na balik ng tinamaan ng lintik. Mulagat ang mga matang napako iyon sa kanya. Na parang nakakita ng aparisyon. Pero hindi na niya pinansin iyon. Isa lang ang nasa utak niya: ang masakal ang walanghiyang umistorbo ng kanyang mundo at sumayang sa kanyang pinaghirapan!
Pasugod na nilapitan niya ang lalaki at pinitserahan sa kuwelyo. Inambaan niya ito ng suntok. "At sino kang basta na lang sumulpot dito? Ha?"
Tumalsik ang mga laway niya sa mukha nito, pero wala siyang pakialam.
"Hey, hey! Teka lang, wait!"
Wham!
Please vote!😘
BINABASA MO ANG
Can't Stop This Thing We Started [On Hold]
General FictionNakilala ni Evan si Nadia sa panahong hindi na siya malaya at malapit na siyang ikasal. What he saw in Nadia, it was different. Nadia was the epitome of the right woman for him. Mabait, palangiti, may kababaang-loob, laging handang tumulong sa kapwa...