Hindi siya nag-angat ng paningin nang marinig ang pagkaskas ng silyang kahoy sa semento. Hindi rin siya tumingin nang paungol na umupo roon ang kanyang ama dahil inaatake na naman ito ng rayuma nito.
Ipinagpatuloy lang ni Nadia ang pagsusuri sa mga listahan sa kanyang notebook. Listahan iyon ng mga bayarin sa farm at sa bahay nila. It's been three weeks matapos siyang maaksidente at balik na uli sa dati ang buhay.
Maliban lang sa samahan nila ng kanyang ama.
Hanggang ngayon ay sariwa pa sa kanyang isip ang ginawa nito. Lalo at hindi na nabawi pa ang singsing ng nanay niya na ibinenta nito dahil lang sa sabong. Iniiwasan niya ito. Masikip na nga ang bahay nilang mas lalong sumikip dahil sa ginawa nito. Ilang beses na siya nitong tinangkang kausapin, subalit nagmatigas siya.
Hindi biro ang ginawa nito.
Akala ba nito madadaan siya nito sa pag-aasikaso nito? Ni hindi niya ina-acknowledge ang ginagawa nito. Ipinagluto siya nito ng paborito niyang masarap na ginataang bilo-bilo noong araw ng paglabas niya sa ospital. Hindi niya kinain iyon. Bagkus ay nagpa-deliver siya ng pizza mula sa pizza parlor na nasa kabilang kanto lang naman.
Nagprisinta itong suklayan ang mahaba at hanggang baywang niyang buhok noong hindi pa inaalis ang cast sa kanyang kaliwang braso, pero umiwas siya at sa halip ay tinawag si Yeye, isa sa kambal na anak ng kanyang Auntie Lou, at dito nagpasuklay.
Ilan lang iyon sa maraming pagtatangka ng kanyang ama para pahupain ang galit niya, subalit, pinatigas niya ang kanyang loob. Hindi ganoon kasimple ang kasalanan nito.
Pinapakiusapan na siya ni Toto na huwag niyang pahirapan ang ama nila. Na patawarin na niya ito dahil nagsisisi na umano ito sa ginawa nito. Walang nagawa ang kapatid niya sa tigas ng ulo niya.
"Huwag mo akong pilitin, kung ayaw mong pati ikaw ay idamay ko."
Ang mahinahon pero may bigat na sinabi niya noon kay Toto. Hindi naman na ito nakakibo. At ngayon, isang pagtatangka na naman ang paniguradong gagawin ng kanyang ama.
Hinintay niya itong magsalita.
Hindi ito umimik. Sa halip ay may inilagay itong isang brown envelope sa mesa niya at itinulak palapit sa kung saan nakapatong ang braso niyang magaling na. Maumbok iyon, na parang may lamang pera.
Napaismid siya.
Pera naman ang gagamitin ng kanyang ama?
Na parang matatakpan niyon ang halaga ng singsing na ibinenta nito? Magkano man ang bilang ng perang masa sobre -- kung talagang pera nga iyon -- ay nasisiguro niyang wala iyon kung ikukumpara sa tunay na halaga ng perang mapagbentahan niyon. The ring was worth a fortune para sa kagaya nilang mahirap. Idagdag pa ang sentimentality niyon. Dahil alaala iyon ng kanyang ina. Inang hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na maging masaya kahit sa mga huling araw nito.
Ikinurap-kurap ni Nadia ang kanyang mga mata dahil sa muling pagbabanta ng mga luha. Isang patak ang kumawala roon at bumagsak sa suot niyang wristwatch.
Tumikhim ang matandang lalaki. "Ikaw na ang bahala riyan. Titulo iyan ng lupang kinatatayuan ng bahay na ito, at ng farm. Gayundin ang titulo ng lupa natin sa Candelaria at sa Lucban. A-alam kong hindi pa sapat iyan para mapatawad mo ako, Nene. K-kahit nga.." gumaralgal ang boses nito, "k-kahit nga bu-buhay ko ay kulang pa siguro. Alam ko kung gaano katindi ang nagawa ko, anak. Walang kapatawaran iyon. Dahil sinalaula ko ang naiwang pamana at alaala sa'yo ni Norma. Hindi na kita pipiliting patawarin ako. Ang hiling ko lang ay maging masaya ka. Patawad, Nene. Ngayon ko lamang nabatid kung gaano kasama ang nagawa ko. Sana.. s-sana ay alalahanin mong mahal na mahal kita."
Nagbara ang kanyang lalamunan sa labis na pagpipigil na mapabulalas ng iyak.
"Patawad, anak ko. Patawarin din nawa ako ng langit sa aking mga kasalanan sa inyo ng nanay mo. Ang Dios na ang bahala na magparusa sa makasalanang kagaya ko.."
Tumayo ito at iniurong ang silyang inupuan nito.
Isang malakas na kalabog ang nagpagulantang kay Nadia.
"Tatay!" Sigaw ni Toto mula sa kung saan.
"Diyos ko po! Marvin, tumawag ka ng traysikel, bilis! Kuya!" Palahaw ng Auntie Lou niya.
Natumba ang kinauupuan niyang silya nang pabigla siyang tumayo. Ang mga kamay ay naisapo sa bibig. "'Tay?"
Ang mga mata niya ay nanlalaki habang nakatingin sa ama na nakahandusay sa sahig na na konkreto. Kinukumbulsyon ito. Ang isang kamay ay padaklot na nakasapo sa bandang dibdib nito.
"Tatay?" Parang talon na abot-abot ang agos ng kanyang mga luha. Ang kanyang palahaw ay sumasabay sa palahaw ng kanyang kapatid at tiyahin. "Tatay!!!!"
***
"Tatay naman, please. Huwag kayong ganyan. Gumising kayo!"
"Ate.."
"Tatay, naman, o?"
Unti-unti ay nagmulat ng mga mata ang kanilang ama.
Naisugod nila ito ng maaga sa ospital. Nalapatan ng pangunang-lunas, subalit ayon sa doktor ay mahina na ito. Ito ang kauna-unahang atake sa puso ni Mang Roman. Kauna-unahan, subalit matinding atake. Kailangan nitong maoperahan sa lalong madaling panahon. Suwerte na lang nila kung umabot pa ito ng kinabukasan.
"Nene, bakit ka umiiyak? Narito lang naman ang tatay, ah? Hindi aalis ang t-tatay.." mahina ang boses na sabi ng matanda. Halos pabulong na lang iyon. "Hindi na.."
"Patawad po, 'Tay. Ang sama-sama ko po. Patawarin mo po ako. Walang saysay na nagalit ako sa inyo. Singsing lang iyon. Mas mahalaga kayo, 'Tay.. at mahal na mahal ko rin po kayo. Magpagaling po kayo, ako naman ang babawi sa inyo. Pagsisilbihan ko po kayo. Service de Lux, coming up!" She imitated his father's voice sa mga huling salitang sinambit; mga salitang sinasabi nito noong bata pa siya at ipinagluluto nito ng masarap at paborito niyang pagkain kapag nagkakasakit siya -- noong hindi pa sila nagkakaroon ng problemang pampamilya.
Noong buhay pa ang nanay niya.
She smiled despite her tears. Hinaplos niya ang kulubot nang mukha ng kanyang ama. "Mamamasyal pa tayo, 'Tay. Promise babawi talaga ako, kaya magpagaling po kayo, ha?"
Ngumiti ng bahagya si Mang Roman. "Pinapatawad mo na ba ako, Nene?"
"Opo, Tatay. Pinatatawad ko na po kayo. Ako po ang dapat na humingi sa inyo ng tawad."
"Shh... Wala kang kasalanan, anak ko. Ang tatay mo ang maraming kasalanan sa inyo ng nanay mo. Patawad, anak ko. Mahal na mahal ko kayo ng nanay mo. At si Toto.."
"Mahal na mahal ko rin po kayo, 'Tay. Kayo ni ate, at ni t-tiyang Norma."
"Toto, anak.."
"Narito po, tatay." Hinawakan nito ang kamay ng ama nila na umahapuhap sa bunsong anak.
"Ingatan mo itong ate mo, ha? Huwag na huwag mo siyang p-pababayaan."
"Tatay naman, eh. Walang ganyanan.." sumisinok na angal niya.
"Mahal na mahal ko kayo, mga anak."
Hindi na siya nakasagot. Hinagkan na lang niya ito sa noo.
Yakap siya ni Toto na inilayo siya sa kinahihigahan ng kanilang ama nang lumapit na ang mga medical personnel na mag-aasikaso sa operasyon nito.
"Tatay, lumaban ka. Please..."
Please vote. Sana ay naiibigan ninyo ang kuwento.
Xoxo
BINABASA MO ANG
Can't Stop This Thing We Started [On Hold]
General FictionNakilala ni Evan si Nadia sa panahong hindi na siya malaya at malapit na siyang ikasal. What he saw in Nadia, it was different. Nadia was the epitome of the right woman for him. Mabait, palangiti, may kababaang-loob, laging handang tumulong sa kapwa...