Nakakahiya ka, Nadia! Nakakahiya ka!
Halos butasin na niya ang kanyang noo sa kakatuktok niya roon dahil sa sobrang pagngingitngit sa inakto niya sa harap ng guwapong lalaking iyon. Kahit tatlong araw na mula noon ay sariwa pa rin sa utak niya ang katangahang ginawa.
Kailangan pa talagang matulala?
Para siyang noon lang nakakita ng guwapo sa tanang buhay niya. Wish niya lang na huwag na niyang makaengkuwentrong muli ang lalaking iyon. Dahil kapag nagkataon ay baka ilibing na niya ng buhay ang sarili sa sobrang kahihiyan.
Dinamay niya pa si 'Cardo'.
Tsk, tsk!
Gawa-gawa lang niya iyon para maisalba ang kanyang sarili sa mas higit pang kahihiyan sa harap ng mamang iyon. Buti na lang at umalis agad. Halos manliit siya sa harap ng mga kapwa niya tindera sa kahabaan ng highway sa kagagahan niya.
Pero, hay.. ang guwapo naman kasi ng mamang iyon. Tila ba isa ito sa mga diyoses na bumaba mula sa mount Olympus. Ang tangkad, makinis, maputi, malinis tingnan.. at ang amoy, suwabe! Kulang na lang ay singhutin niya ito all over.
Hawakan all over.
Napalunok siya.
Erase! Erase! Naiiskandalong sinabunutan niya ang kanyang buhok. At kailan pa siya nagkaganito sa isang lalaki? Siya na isang never been?
Kailan pa siya natutong mag-isip ng mga ganoong bagay tungkol sa opposite sex?
Myghad, Nadia, nakakahiya ka talagaaaa!
"Hoy, atcheng!"
"Ay, ate mong maganda! Ehe! Ano ba Girlie? Kailangang manggulat?"
Pinamaywangan siya ni Girlie. "Kanina pa kita kinakausap, loka! Anyare sa'yo? Para kang timang diyan. May pagtuktok-noo ka pang nalalaman. May pasabu-sabunot ka pa ng buhok diyan!" Halos bumaliktad ang ilong ng bakla sa panlalaki.
"A-ano ba iyon?"
"Nais ko lamang ipaalala sa'yo, kamahalan, na sa Lunes na ang kasal ni Bernadette. Baka kasi makalimot kang pumunta, magtatampo ang isang iyon. Iisiping may bitterness ka pa ring itinatago riyan sa puso mo dahil siya ang pakakasalan ni Hans."
"Hoy, hindi, ah! Ang tagal na noon."
"Kaya nga!" Pandidilat nito sa kanya. "Kaya um-attend ka! Kundi ay ako mismo ang tutuktok ng martilyo riyan sa noo mo!"
"Oo na, pupunta ako. Diba, sabay tayo?"
"Mauuna ako doon dahil alam mo na, ako ang magpapaganda sa kanya sa araw na iyon."
"Nahihiya ako..."
"Aba-aba! Kalbuhin kaya kita riyan? May hiya-hiya ka pang alam diyan. Ah, basta, pumunta ka!"
"Oo na! Kalma lang. Ang altapresyon mo, remember?"
"Excuse me, wala akong altapresyon!"
"Okay, magkakaroon pa lang."
"Ah, ewan ko sa'yong maldita ka! Makukunan ako sa'yo!"
"Baliw, wala kang matris." Tatawa-tawa niyang sabi.
"Cheeh!"
Iyon lang ay tumalikod na ito para umalis. Halos magkandabuhol ang mga binti nito dahil muntik nang mawalan ng balanse, imitating Catriona Gray's infamous about-turn.
Mas lumakas ang tawa niya.
Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Oras na para bisitahin niya ang kanilang maliit na taniman. Inaasahan siya ni Tiyo Poldo na siyang namamahala roon para sa budget ng taniman sa susunod na buwan.
BINABASA MO ANG
Can't Stop This Thing We Started [On Hold]
General FictionNakilala ni Evan si Nadia sa panahong hindi na siya malaya at malapit na siyang ikasal. What he saw in Nadia, it was different. Nadia was the epitome of the right woman for him. Mabait, palangiti, may kababaang-loob, laging handang tumulong sa kapwa...