Chapter 7 ♡ Tigress

0 0 0
                                    

"Oww! 'La, dahan-dahan po. Masakit!"

Pinaningkitan siya ng mata ni Lola Saling habang patuloy na nilalagyan ng betadine ang mga sugat niya.

"Saan ka ba nagsususuot at nagkasugat-sugat ka ng ganito? At iyang pisngi mo.. may nakaaway ka ba?"

Yeah. Isang tigresang pagkatapang-tapang eh, ang liit lang naman.

Pinigilan ni Evan ang sarili na mapamura ng malakas. That woman! Malilintikan sa kanya ang babaeng iyon! Ipagdasal lang nito na hindi na magkrus ulit ang mga landas nila at pagsisisihan nito ang ginawa nito sa kanya.

"Evan!"

Parang natauhang napapitlag siya. "Yes, 'La?"

"Sino 'kako ang nakaaway mo?"

"A-ah, wala po. Nadulas lang po ako sa kakahuyan, sa palusong sa ilog."

"Eh, itong pasa mo sa pisngi?"

"Nakatama po sa nakausling kahoy kaya nagkapasa."

Nagdududang pinagmasdan siya ni Donya Rosalina. Hindi ito naniniwala. "Parang sinuntok iyan."

Alanganin siyang ngumisi. "Si Lola naman, sino naman po ba'ng makakaaway ko rito sa atin? Saka, kilala naman ninyo ako, diba?"

"Hmp! Aba, malay ko? Baka may nakatagpo kang mayabang diyan sa daan at hinamon mo ng suntukan. Umayos ka, Evan Gray. Ang tanda-tanda mo na asal-bata ka pa rin."

"Si Lola naman, oh. Itong bait kong 'to? Sinisiguro ko sa inyo, wala akong nakaaway. Aksidente nga lang ito."

Screeeetch!

Teka!

Bakit ba niya pinagtatakpan ang ginawa ng tigresang iyon? Hindi ba dapat ay magpatawag siya sa kanyang Lolo ng magaling na abugado dahil idedemanda niya ang mabagsik na babaeng iyon?

What the heck's wrong with you, man?

"Sigurado ka?"

No! Idedemanda ko ang babaeng iyon!

"Yes, 'La. Hundred percent sure!"

Luh ka diyan, tanga.

"Heto, idampi mo riyan sa pisngi mo nang maalis ang pamamaga." Inilagay nito sa kamay niya ang cold compress na iniabot rito ng isa sa mga kawaksi sa mansyon. "Huwag ka nang aalis. Bukas na ang balik mo sa Maynila. Hay, ano na lang ang sasabihin ni Lorainne kapag nakita ang itsura mo?"

"Don't worry, 'La. Next week pa uuwi si Lorainne mula sa Korea." Again, an uncontrollable bitterness hit him. Kailan niya pa ba makakasama ng matagal-tagal ang kanyang fiancée? Pagdating nito mula Korea at makalipas ng isang araw na pahinga ay susugod naman ito sa Davao para sa summit conference. One or two weeks naman ito roon. Mas busy bee pa kaysa sa kanya ang kanyang nobya, daig pa siya.

Sana lang ay magawa nitong makahingi ng dalawang linggong bakasyon para sa kanilang honeymoon. Nakukulangan siya sa isang linggo lang. He will make sure na mabubuntis agad niya ito para naman mapilitan itong mag-lie low sa trabaho. At para magising mula sa pagkakahulog sa mundo ng katamaran ang kapatid nitong dapat ay tinutulungan si Lorainne, sa halip na nagpapakasarap sa buhay.

I'll make that moron drag his nonsense ass to work when I finally become Lorainne's husband. I'll make sure of that!

And that tigress..

Itutuloy ba talaga niyang idemanda ang babaeng iyon? Hmmm! I think I know what to do. Humanda siya.

Dinampot niya ang kanyang cellphone na nasa mesita at nag-dial. His lips stretched out with a mischievous grin.

Sumagot ang nasa kabilang linya sa ikalawang ring. "Hello,  El?"

"Hm-hm.. speaking."

"May ipagagawa ako sa'yo."

"Spill."

In a hushed voice na sigurado namang naririnig ni Elijah ay sinabi niya rito ang kanyang nais na mangyari.

"What?"

"Sige na. Don't worry, you will be well-compensated kapag nagawa mo na ang ipinagagawa ko."

"I'm not thinking about money here, kid. The ridiculousness of your idea is overwhelming."

"Please, pare, just this one."

Elijah's groan can be heard. "Ilang beses mo na bang sinabi sa akin iyan, Evan? Alalahanin mo iyong times na muntik na akong makulong sa pinagawa mo sa akin noon. Remember?"

Napakamot siya sa batok. Hinding-hindi niya kailanman makakalimutan iyon. "Huli na ito."

"Ilang beses mo na ring sinabi iyan."

Siya naman ang napaungol. Seriously? The man wouldn't budge this time. Kung may iba lang siyang malalapitan, he'd definitely scratch Elijah out of the picture.

"Okay, tell me what you want in return?"

"For you to stop this nonsense, Evan."

Sabi na nga ba?

"Fine, fine. Forget what I said. Bye - "

"Evan! You moron."

He rolled his eyes.

Nagbuntung-hininga si Elijah. "Okay, I'll do it."

Bumuga siya ng hangin. Pabebe much?

"Hindi ako pabebe, you fool."

Minsan ay nagtataka siya sa kaibigan niya na ito. Ang lakas ng radar! Parang may paranormal power na nababasa ang iniisip niya.

"Hey, dude. How do you do that?"

"Do what?" Sikmat nito.

"Oh, nothing. Just ignore me."

"Give me time. Marami akong inaasikaso."

"Oh, right. I'll remind you about it time after time."

"Good. Now explain."

"What will I explain?"

"Geez! You're not dumb, yes?"

"Of course not!"

"Then start explaining. Quick!"

"Puwede bang next time na lang?"

"Inabala mo na ako, lubusin mo na."

"Yeah. Sorry 'bout that."

"Start now!"

"Oo na! Geez! Daig mo pa ang tatay ko." Tumikhim siya. "Well, ganito iyon..." He spend the last minutes explaining to his friend what happened.

Please vote 😘

Can't Stop This Thing We Started [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon