Chapter 11 ♡ Ire

0 0 0
                                    

Ang mga mayayaman talaga, gagawin ang lahat makuha lang ang gusto! Puwes, humanda sila, dahil kahit anong mangyari, hinding-hindi ko ibebenta sa kanila ang lupa!

Kung hindi siya pinigilan ni Toto at kung hindi nito maagap na naagaw sa  kanya ang tseke ay pupunitin na sana ni Nadia ang bigay ng Evan Rodriguez na iyon. Ang gagalante, ang lakas ng tiwalang madedenggoy siya ng mga ito. Hindi siya papayag! May karapatan naman silang tumanggi, hindi ba? Lupa nila iyon, eh.

Tutal, mayaman naman sila, bakit hindi na lang sila maghanap ng ibang lupang mabibili? Ang dami kayang lupang ipinagbibili sa Quezon. Ang lupa pa talaga nilang nananahimik ang pupuntiryahin ng mga ito?

Kumukulo ang dugo ni Nadia. Kung hindi lang siya nakaratay doon ay talagang pinagtatapon na niya ang mga padala ng apo ng matandang Rodriguez. Ang mga bulaklak, ang mga mamahaling prutas, mga pagkain.

Akala ba nito madadala siya ng mga ito sa suhol? Ano siya, batang paslit?? Nabuburo na siya sa ospital. Gusto na niyang umuwi para magawa niya ang gusto niyang gawin. Hindi ganitong pakiramdam niya ay helpless na helpless siya. Ang kanyang prutasan, walang tatao roon. Mabubulok ang mga paninda niya at malulugi siya.

Pero hindi pa siya puwedeng umuwi, ang sabi ng doktor. Ipapa- x-ray pa ang kanyang balakang para tingnan kung malala ang damage. Kapag minalas siya ay baka mauwi sa pagkabaog ang kanyang naging injury.

Pesteng buhay ito! Kung mamalasin ka talaga, kailangan sunod-sunod?? Naghagilap siya ng puwedeng maipambabato para kahit paano ay mabawasan naman ang kanyang tensyon at pagngingitngit.

Kaso ay maagap na nailayo ng kapatid niya ang maliit na mesang dati ay nakapuwesto sa tabi ng kama niya. Ang binabasa niyang English pocketbook ay kanina pa niya naihagis sa dingding, na halos mapunit ang cover niyon sa lakas ng pagbato niya.

She feels so bad.

"Argh!!"

Napangiwi siya nang sumakit ang kanyang tagiliran.

May kumatok sa pinto ng private ward. "Delivery po para kay Miss ---"

"Hindi ko kailangan iyan! Ibalik mo iyan sa pinanggalingan niyan!"

"Pero, miss ---"

"Ibabalik mo, o sasakalin kita?"

Nakagat niya ang ibabang labi niya nang mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman niya sa katawan.

"Ako na po ang bahala dito, boss. Salamat." Boses ni Toto ang narinig niya. Biglang bumukas ang pinto."Ate? Bakit ka sumisigaw? Ano'ng --" napamulagat ito nang makita siya nitong halos ay namimilipit na sa sobrang sakit na nararamdaman. Hangos itong lumabas habang tinatawag ang nurse.

Whatever happened after that was in a blur for Nadia. Nawalan na siya ng malay-tao nang hindi na niya nakayanan ang sobrang sakit.

***

Kunot ang noong ibinaba ni Evan ang telepono. Tinawagan siya ni Leopoldo Santamena at sinabing huwag nang mag-abalang padalhan si Nadia Santamena ng kung anu-ano dahil hindi ito minamabuti ng pamangkin nito.

Ang tanong; bakit?

Ano ba'ng nagawa niya para masamain ng Nadia na iyon ang mga kabutihang-loob niya? Tumutulong lang naman siya. Masama ba iyon? Napabuga siya ng hangin. Ang babaeng iyon talaga.. tinutulungan na niya at lahat ay siya pa itong masama.

Buti nga at nagmamagandang-loob siya..

Ni hindi naman masabi ng matandang lalaki kung anong dahilan at minamasama ng tigresa na iyon ang mga padala niya. Basta. Iyon lang.

Ang babaw!

O baka dahil.. nalaman na nito kung sino siya? Dahil natatandaan na nito na siya ang nakaaway nito sa may tabing-ilog? Napahipo siya sa kanyang baba.

Puwede.

Remembering her fury when she said he was trespassing their land and ruining her sanctuary, malamang nga ay ayawan nito ang mga padala niya. Dahil ayaw nito na magkautang na loob sa kanya.

Ah, whatever! 'Di hindi kung hindi. Bahala ito sa buhay nito. Nagsasayang lang siya ng panahon sa babaeng iyon. Na ewan ba niya sa sarili kung bakit naiisipan pa niyang padalhan ng kung anu-ano. Sino ba ito?

Ipinilig ni Evan ang ulo para mapalis ang isipin na iyon sa utak niya. Nakaka-stress lang naman iyon.

Muling itinuon ng heredero ang kanyang pansin sa mga papeles na kailangan na niyang mapirmahan. Ito ang dapat niyang pag-ukulan ng pansin, hindi ang inggratang tigresa na iyon.

After almost an hour, kung kailan tutok na tutok siya sa ginagawa ay siyang bukas naman ng pinto ng kanyang opisina. Nangunot ang noo niya. "I don't want anything, Elsie."

"Well, then, I'll go ahead."

Nag-angat siya ng mukha sa narinig. Ang kaibigan niyang si Elijah ang naroon, hindi ang kanyang exclusive secretary. The man was wearing a smug smile.

"Bye, pare, see you next month." Elijah silently closes the door.

"Sandali!"

"Bye!" Kumaway pa ito na parang bata.

"Anak ng putsa, pare, pabebe ka talaga, eh, ano?"

The door burst open. "Bawiin mo'ng sinabi mo!"

What the --!

"Kung may balak kang sirain iyan, pagbalakan mo na ring ipaayos, ha?" Sinamaan niya ito ng tingin. "Pabebe!"

"Ano?!" Elijah stormed into his office. Dinabog nito ng malakas ang mahogany table niya. Halos magsiliparan ang mga maliliit na display sa sobrang lakas niyon.

"Shit, pare! Seryuso?!"

Bigla lumambot ang ekspresyon nito. "Hindi naman. Nagpapaliwanag lang. Hindi. Ako. Pabebe!" Pinitik siya nito ng malakas sa tainga.

"Owwww!" Lahat na yata ng mura na alam niya ay nasabi na niya ng mga sandaling iyon. Mapa-English man o Tagalog.

"Ow, ang sakit, man! Ano'ng feeling?"

Nang-aasar pa!

"Get the hell outta here!" Labas ang litid na sigaw niya.

"Sure! Bye! See you next month!"

"Next month?? Saan ka pupunta?"

"Hong Kong, second honeymoon namin ni Mau. Sasama ka?"

"Second hon --! Eh, paano iyong plano natin??"

"Bahala ka nang mag-inaso niyon, my friend."

Saglit niyang nalimutan ang sakit ng tainga niya."El, naman! Walang ganyanan!"

"Hohoho! Merry Christmas! Bye!" Lumakad na ito paalis.

"Elijah! Bumalik ka rito!"

"Heh!"

"Ayaw mo?? Puwes! Tatawagan ko si Mau. Sasabihin ko sa kanya ang deepest, darkest, and nastiest secret mo! Tingnan ko lang kung matuloy pa iyang pinagmamalaking honeymoon mo." Humalukipkip siya.

"You won't!"

"You dare?" Taas-kilay na sabi niya.

"Evan Gray Rodriguez!"

"Yes, that's my name." He smirked.

"You're doomed!"

"No, you.. are.. doomed!" Dinuro niya ito.

"Sige, pag-usapan natin. Iyon naman talaga ang sadya ko eh. You're saying.. ?" Naupo ito sa visitor's chair at inayos ang magulong gamit roon.

"Sabi ko nga, wala akong sasabihin kay Mau.

Pleaseee vote!😘

Can't Stop This Thing We Started [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon