• Chapter 1•

1 0 0
                                    

Chapter One


"Congratulations, pare! Sa wakas, isasakal ka na din! Welcome to the club!"

Evan chuckled at pabirong sinuntok si Jay sa balikat. "You sound as if you're not happily married, pare. Salamat, by the way."

Jay laughed, inakbayan siya nito at hinila patungo sa mesa kung saan naroroon din ang ilan sa mga kaibigan nila.

"Bakit kayo lang? Nasaan ang mga asa-asawa ninyo?" Puna niya nang makitang ang mga ito lang ang umuukopa ng mesang iyon. Sa magkakaibigan ay si Evan na lang ang wala pang asawa. Well, ngayon ay ikakasal na din siya sa babaeng laan para sa kanya. Sa katunayan, this was his and Lorainne's engagement party. Sa ikapitong buwan simula sa araw na iyon ang kanilang kasal.

Tumayo isa-isa ang apat pa nilang mga kaibigan at binati at kinamayan siya. "Nasa restrooms, pare, nagpapaganda. Malamang ay na-trapik na naman ang mga iyon sa chikahan avenue." Ani Yuan at tumawa. "Join us. Let's drink to your incoming wedding. Hayaan mo na ang mga asa-asawa namin."

"You're damn lucky, pare," bunggo naman ni Sean sa balikat niya. " Raine was a one-of-a-kind woman. Rich, talented, famous and not to mention, beautiful as a goddess. Saan ka pa?"

Evan just smiled. Tama naman ang mga ito, pero hindi alam ng mga ito ang inner side ng kanyang nobya. But who's gonna regret? Mahal na mahal niya si Lorainne. Hindi naman niya ito papakasalan kung hindi.

"Full package na, sabi nga. Oh, man, those guys who ogle your woman would surely rot in envy!" Nilingon niya si Noel, ang nagsalita. He just smiled, and they seems oblivious from his lack of reaction.

"Pare, huwag na huwag mo nang papakawalan ang isang iyon, kundi ay magsisisi ka. Sa dami ba naman ng nag-aabang sa isang Lorainne Atayde, malamang ay pagkaguluhan ng mga lalaking may gusto sa nobya mo ang muy guapa na iyon kapag iniwan mo." Susog ni Jay.

Sa lahat ng usapang iyon, tanging si Elijah lang ang tahimik. Pangiti-ngiti lang ito at nakikinig habang sumisimsim ng alak. Sa kanilang magkakaibigan, tanging ito lang ang serious type. Kaya naman, mas malapit siya rito. Maaasahan kasi ito sa mga pagkakataon na may pinuproblema siya at naghahanap ng payo. Elijah was a good listener and a good adviser.

"Ikaw, El, hindi mo ba ako babatiin?" Untag niya rito.

Elijah just smiled and bring down his wine glass on the table. "Of course, congrats, pare. May you live happily ever after." Sa halip na kamayan ay niyakap siya nito at tinapik sa balikat.

Nagsitawanan ang mga nasa umpukan. "Iyan si El, seryuso pero walastik kung magbiro," tudyo ni Sean at inakbayan si Elijah na katabi lamang nito. "I'm sorry to disappoint you, pare, pero walang 'happily ever after' sa mundong ito." Humagalpak ito ng tawa.

Elijah just smirked, and turn his gaze to Evan. They shared a knowing look. Ang mga isip nila ay parang nagkaisa ng iniisip sa mga sandaling iyon.

Naalala ni Evan ang naging pag-uusap nila ni Elijah one month ago.

"No one's dragging you into marrying her, Evan."

Inisang-lagok ni Evan ang nangangalahating beer mula sa bote. Hindi niya alam kung ano ang problema at parang magdadalawang-isip siya na ituloy ang balak na pag-propose sa kanyang nobyang pitong taon na niyang karelasyon.

Wala siyang ibang babae, kung iyan ang itatanong. Mahal naman niya si Lorainne. They are perfect for each other. Parehong mula sa mayamang pamilya, may matatag na trabaho at career, walang problema sa partidos ng bawat isa. At kasal na lang ang kulang sa kanila dahil para na rin silang mag-asawa kung sexual na usapin ang pag-usapan.

"I don't know, pare. It's as if pagsisisihan ko kapag hindi ko pinakasalan si Lorainne. Alam mo namang parang honey iyan, pagkakaguluhan ng mga bubuyog sa oras na pakawalan ko."

"Is it your heart speaking, Evan?"

"Why, yes! I love her so much. But this -- I don't know... I'm having a second thoughts. I don't know why."

"You want to hear my opinion?"

"Naman, pare... Pupuntahan ba kita sa ganitong disoras ng gabi para lang makipag-inuman?"

"Yeah," he smirked. "To think na marami akong kasong hinahawakan at nakakaistorbo ka, pero pinatuloy pa rin kita. Kinabahan sa'yo si misis. Akala niya may problema tayo." Bahagya itong tumawa.

Evan smiled. "Yeah. I'm sorry for that, pare. Alam mo namang sa barkadahan natin ay ikaw lang itong pinakamatino. Tell Mau my apologies."

Elijah just waved it off "No problema, pare. Kaibigan kita. A friend in need is a friend indeed."

Tumango siya. "And your verdict, Attorney Elijah Andrade?"

Bumuntong-hininga ang abugado at umalis mula sa pagkakasandal sa malambot na sopa at pinagsalikop ang mga daliri sa mga kamay. "Mahal mo si Lorainne at ayaw mo siyang mawala.. correct?"

"Check."

"Pero magdadalawang-isip ka kung itutuloy mo ang pagpu-propose sa kanya at hindi mo 'kamo maunawaan kung bakit.. correct?"

"Check again."

"Bakit ka magpu-propose sa kanya?"

"I want to marry her."

"Of course. But the question is.. why?"

"Kasi mahal ko siya."

"Kung mahal mo siya, bakit ka magdadalawang-isip?"

Evan licked his lips, bakit nga ba? Ano ba ang nagbunsod para magdalawang-isip siya?

"Is there another woman involved?"

"No." Walang kurap-kurap na mabilis niyang sagot.

"Nagsawa ka na ba sa kanya?"

Again, he paused. To be honest, nitong mga nakaraang araw ay parang hindi na kagaya ng dati. Wala na ang thrill kapag alam niyang magkikita sila ng kanyang nobya. Hindi naman ito nagbago sa kanya, she was still the same Lorainne who was a fierce and confident woman, especially in sex. Compatible sila nito pagdating sa sex. She was fierce and bold as well as he was, and he was enjoying it to the max.

Marahil ay dumating na lang siya sa puntong parang normal na lang ang kanilang relasyon. Hindi sila madalas na magkita dahil pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho. At iyon nga, parang wala nang thrill. Nagkakaroon lang ng thrill kapag nagsi-sex sila. Other than that, nothing.

"Hindi.."

"Then I don't see what's the problem, man. Baka naman napa-paranoid ka lang. You know, normal lang na isipin natin ang ganyang mga bagay paminsan-minsan. Pero isipin mo kung ano ang makapagpapasaya sa'yo. Kung napapasaya ka ni Lorainne, then go for it. Ayaw mo siya mawala, then marry her. Pero.. ito pare ang dapat mong tandaan, dapat ay sure na sure ka na sa gagawin mo. Huwag mong pakasalan si Lorraine dahil sinabi ko, kundi dahil iyon ang nais ng puso mo."

Please vote. 😍♥️
Remember that this is a first draft, so expect for any typos.
Thank you.

Can't Stop This Thing We Started [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon