Chapter 13 ♡ Make Her Fall

0 0 0
                                    

☝️Matured Content! Read at your own risk!☝️

"Hindi ko alam kung paanong nabawi ng Tatay ang titulo ng lupa sa Lopez. Hindi ba at ninakaw ito sa kanya ng kumpare niya noon? At itong sa Lucban, hindi ba naibenta na ito noon?"

"Matagal nang nabawi ng kuya ang titulo ng lupa sa Lopez, buhay pa man si ate Norma. Hindi lang niya sinasabi. O marahil ay hindi niya masabi-sabi sa'yo, Nene, dahil galit na galit ka noon kay kuya Roman dahil nga sa.. alam mo na."

Dahil nadiskubre niyang may iba itong babae.

"Bakit ngayon lang niya inilabas?"

"Siguro nakalimutan. Alam mo namang nag-uulyanin na iyon."

"Eh, ang lupa po sa Lucban, Auntie?"

"Nabili niya ulit iyan gamit ang halagang.. pinagbentahan ng singsing ng nanay mo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi nga? Magkano ba ang napagbentahan ng singsing, 'To?" Baling niya sa kapatid na nakikinig lang sa kanila.

"Labin-limang libo, ate."

"Kulang pa iyon, ah? Saka hindi ba at itinaya iyon sa sabong?"

"Hindi lahat, Nene. Limanlibo lang ang ipinantaya ni kuya."

"Bale sampung libo na lang ang natira. Kung ito nga ang ginamit ng tatay, saan siya kumuha ng pandagdag?"

"Ewan ko kung matatanggap mo," sagot ni Lou nang matahimik itong saglit. "Nanalo ng tatlong doble ang ipinantaya ng tatay mo sa tupada sa tulong ni tata Efren. At hindi kumuha ng balato roon ang matanda, kahit piso."

Nawalan sila ng imik, lalo na si Nadia. Napatungo siya.

"Ang sabi ng tatay ninyo sa akin, may nag-alok sa kanya ng isang titulo ng lupa. Isang kakilala na nangangailangan ng pera para sa pagpapaopera daw ng anak nitong sakitin. Dahil sa kadesperaduhan umano ng taong iyon, ibinenta niya ang lupa sa tatay n'yo sa murang halaga, tatlumpu't limang libong piso --- ng walang kamalay-malay na si kuya ang dating may-ari niyon. Laking tuwa ng kuya nang malamang ang lupa niya iyon sa Lucban. Kaya pinakiusapan niya si tata Efren na ihanap ng malaking tupada para mapagtayaan.

Alam niyang mali ang kanyang ginawa, Nene, nang kinuha niya ang singsing ng nanay mo sa taguan mo, pero gustong-gusto niyang mabawi ang lupa sa Lucban - para sakaling puwersahin kayo ni Don Andro na ibenta ang lupa ng farm, ay may matataniman pa rin kayo. Ang lupa nga sa Lucban. Para mawala man daw siya -- huwag naman muna sanang itulot ng langit --" kumatok ito ng tatlong ulit sa mesang kahoy, "-- ay hindi na kayo magugutom, magsipag lang kayo. Ang limang libo ay ipinahiram ko sa kanya mula sa pensyon ni Arnulfo."

Ang asawa nitong nasawi na dating pulis ang tinutukoy nito.

"Walang kasiguruhan na mananalo si tata Efren, Auntie."

"Tama. Pero ewan sa kung anong suwerte, nanalo ang matanda. Ayon sa narinig ko sa usapan nila ng kuya, malakas ang kutob niya na mananalo nga siya."

Napahawak si Nadia sa kanyang noo. May maganda naman palang dahilan ang kanyang ama kung bakit nito ginawa ang ginawa nito. "Sorry, Auntie, hindi ko alam. Kung sinabi na lang sana niya sa akin na ganoon ang gagawin niya..."

"Alam niyang hindi ka papayag." Bumuntong-hininga ito. "Tama na ang sisihan, Nene. Ang mahalaga ngayon ay ang malampasan ng kuya ang operasyon niya. Ipagdasal na lang natin siya. Halikayo, magrosaryo tayong tatlo."

***

A phone rang somewhere in the room.

Pinigilan ni Evan ang kamay ni Lorainne nang akmang kukunin nito ang cellphone nito sa side table. "Let it, love.." he groaned. He licked his fiancée's glorious neck; basked in it's natural sweet scent. He grinds his groin towards Lorainne's pelvis.

Can't Stop This Thing We Started [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon