Chapter 8 ♡ Past Is Past. But..

0 0 0
                                    

Pababa si Nadia sa hagdanan sa labas ng kanilang main door nang sunod-sunod na katok ang tumunog sa kanilang bakal na gate.

Tinalon niya ang natitirang baitang at inaayos ang strap ng kanyang bag na bahagya niyang binuksan ang maliit na pedestrian gate. "Aling Minerva, ano po iyon?"

"Nariyan ba ang tatay mo?"

"Nasa taas po, tawagin ko?"

"Ah, 'di na. Nagmamadali ako. Pakiabot na lang nito sa kanya." Inilahad nito ang kamay na may hawak na resibo.

"Para saan po iyan?"

"Sa pinagbentahan ng singsing niya. Inihatid ko lang nang nakuha ko sa buyer kahapon, kasi nagmamadali ang tatay mo eh."

Nangunot ang kanyang noo. Singsing?

"Ano pong singsing iyon, Aling Minerva?"

"Iyong tubog sa ginto, 24 carats na singsing na minana pa daw umano ng nanay mo sa lola ng lola mo. Tiba-tiba roon ang tatay mo. Ang mahal ng value n'on."

Unti-unti, tila slowmo na napanganga si Nadia.

Ang pinakatago-tago at iniingatan kong singsing ng nanay, ibinenta ng tatay?!

"Tatay!!" Halos liparin niya ang hagdanan paakyat dahil sa matinding sama ng loob. Hindi na niya pinansin ang ale pagkatapos niyang hablutin mula rito ang resibo.

"O, napaano ka? Makasigaw ka, eh para kang hinahabol ng sanlibong manyak." Anang kanyang ama na prenteng nakaupo sa sopang kahoy habang nanonood ng pang-umagang balita sa TV.

Lukot ang mukhang halos isungalngal niya sa mukha ng kanyang ama ang resibo. "Ano ito?"

Tiningnan lang iyon ng tatay niya na parang wala lang. "Resibo?"

Pumadyak siya ng malakas. "Resibo nga. Ibinenta mo raw ang singsing ng nanay."

"Oo."

"Tatay naman! Bakit mo ibinenta iyon?! Alam mo naman na may sentimental value sa atin iyon! Antigong purong ginto iyon, 'Tay!" Halos sabunutan niya ang kanyang buhok sa labis na pagkadismaya.

"Maano naman? Sa kailangan ko ng pera, eh."

"Puwede naman kayong humingi sa akin, ah?"

"Bibigyan mo ba naman ako?"

"Oo naman! Bakit hindi? Tatay naman, eh."

"Ewan ko sa'yo. Alam ko namang hindi mo ako bibigyan ng pera kapag sabong na ang pag-uusapan."

"Sabong??"

"Oo. Sabong nga. Aber? Bibigyan mo ba ako?"

"Malamang ay hindi!"

Umismid ang ama niya. "Kitam?"

"Ibig mong sabihin.. ibinenta mo ang singsing dahil sa sabong??" Sasabog na yata ang bao ng ulo niya sa sobrang pagngingitngit.

"Oo. May malaking tupada sa ibayo mamayang hapon, malalaki ang pustahan. Big time na mga sabungero ang dadalo. At malaki ang tiwala ni pareng Efren na mananalo ang kanyang talisain. Kaya ipinagbili ko ang singsing ng nanay mo. Alam kong kikita kami ng malaki."

Diyos na mahabagin! Pigilan Mo po akong huwag makapatay ng tatay!

"Si tata Efren ang nagbuyo sa inyo na ipagbili ang singsing?"

"Tumpak."

Inatake si Nadia ng matinding panlalambot ng mga kalamnan. Napasalampak siya sa sahig na parang naging gelatin ang kanyang mga tuhod. Isang malakas na pagsinok ang kumawala sa kanyang bibig. Sunod-sunod na hikbi ang pinakawalan niya. Hanggang sa mauwi iyon sa malakas na hagulhol.

"Ate?" Halos ibagsak ni Toto ang dalang sako ng bigas at nagmamadali siyang nilapitan. "Ano'ng nangyari?"

Pumiksi siya nang tangkain siya nitong hawakan. "Itanong.. mo.. riyan sa tatay.. natin." Halos sumabog na ang dibdib niya sa malakas na pagdagsa ng kanyang emosyon.

"Tatay?"

Nag-iwas lang ng tingin ang kanilang ama.

Sinubukan niyang tumayo kahit para siyang nawalan ng buto sa labis na pagdaramdam sa ginawa ng ama nila. Mabuway siyang naglakad palabas sa main door. Namaybay siya sa barandilya ng hagdanang konkreto para makababa at makalayo sa kanyang ama at sa nakaka-suffocate na atmospera sa kanilang bahay. Pumiksi siyang muli nang tangka siyang alalayan ni Toto.

"Puntahan mo si Aling Minerva, pakiusapan mo kung puwedeng bawiin ang ibinenta ng tatay na singsing ng nanay ko. Sabihin mo na susubukan kong ibalik ang halaga ng napagbentahan." Iyon lang at basta na lang siya pumara ng traysikel at nagpahatid sa prutasan nila.

Hindi niya na yata mapapatawad ang kanyang ama sa ginawa nito. Una ay nang sirain nito ang kanyang tiwala. Nangako itong hindi na ito babalik sa bisyo nito. Pangalawa ay nang sirain nito ang kasagraduhan ng sentimentality ng singsing ng nanay niya na ipinamana sa kanya bago ito namayapa. Basta na lang nito iyon kinuha sa taguan niya - na ewan niya kung paano nito nalaman - at ibinenta para lang sa bisyo nito. Sa ginawa nito, muling nanariwa sa kanya ang naging kasalanan nito sa kanyang ina na dapat ay matagal nang nabubulok sa sulok ng kanyang mga alaala.

Pinatawad niya ito noon kahit na napakahirap sa kanya. Hindi niya kinaya noon ang nakitang paghihirap ng loob ng kanyang ina nang malaman nitong matagal na pala itong niloloko ng kanyang ama. Na bukod sa kanila ay may ibang babae pa itong inuuwian. May anak pa!

Tinanggap niya si Toto, kahit isa itong buhay na tagapagpaalala ng pagtataksil ng kanyang ama sa kanyang ina. Kahit na ito ang naging dahilan para atakehin sa puso at mamatay ang kanyang pinakamamahal na ina. Nang dalhin ito ng ama niya at iuwi sa kanilang bahay nang biglang mawala na lang ang kabit nito.

Umaalog ang mga balikat na naghagilap siya ng panyo sa bag at doon pinakawalan ang lahat ng emosyon na halos pumunit sa kanyang puso.

Ano ang karapatan ng kanyang ama na pakialaman ang alahas ng kanyang ina? Sa ginawa nito ay para na rin nitong tinapakan ang alaala ng kanyang ina.

Oh, Nanay!

***

He couldn't believed his own eyes.

Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata. Five seconds later, he opened them again. Naroon pa rin ang imaheng iyon ng babaeng umiiyak sa may gilid ng kalsada. Araw na araw ay ganoon ito makaiyak, na parang pinagsakluban ito ng langit at lupa.

Huwag naman sanang umulan. Oh, no, please don't. Mahaba pa ang ibibiyahe nila ni Manong Juan pabalik sa Maynila. Na mas pinahaba pa ng trapik ngayon sa kalsada. Ang alam niya sa mga teleserye, kapag ganoong umiyak ang isang babae ay isa lang ang siguradong nangyayari; umuulan ng malakas.

Napaangat sa kalangitan ang kanyang paningin. At para namang nililibak siya ng kalangitan, dahil hayun at sa abot ng kanyang tanaw ay may isang bahagi ng mga ulap na madilim. Tandang uulan ng malakas.

Tumingin siyang muli sa panig ng kalsada kung saan nakatayo ang panay ang nguyngoy na babae. He really couldn't believed his eyes. Of all the girls in this part of town, ang babaeng tigresa pa ang tinamaan ng malas na babaeng umiiyak.

Hindi ba sabi ko na ipagdasal niyang huwag na muling magkrus ang aming landas?

Naman, Evan Gray. Malay ba ng babae na naroon siya at nakatingin dito habang nagdadrama ito sa daan?

Oo nga naman.

"Manong, ano na ba ang lagay ng daan?"

"Hindi ko alam, boss. Pero ayon sa narinig ko, may tumagilid daw na trak sa gitna ng daan."

Oh, shit.

Kapag tinamaan ka nga naman ng kamalasan, o.

"Wala bang detour --"

Nahinto ang anumang sasabihin niya nang makarinig siya ng screech ng gulong na biglang pumreno sa konkretong daan at ng tilian at sigawan ng mga tao.

"Ang babae!"

Please vote!😘

Can't Stop This Thing We Started [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon