MELODY
Isang taon...
Isang taon na ang nakakalipas nang mangyari ang katangahan na yun.
And you know what? Mahal ko pa din siya...
Hindi naman talaga nawala yung pagmamahal na yun eh, ni walang araw na hindi ko siya kinulit. Nagpaliwanag ako, pero hindi niya ako pinakinggan.
Attitude ka ghorl?
5 months ago tumigil na din ako sa pangungulit at pagpapaliwanag, knowing na useless lang mga explanation ko kung ayaw naman niya talaga makinig. Mas nagfocus ako sa pag aaral dahil alam kong ito yung gusto niya para sakin and malay mo bumalik siya pag nakagraduate na ko ng grade 12 diba? Inexpect kong dadating siya pero no, walang Nash ang nagpakita sa graduation ko. Kaya tinigil ko na, siguro nakapag-move on agad siya sa 'mema' breakup namin at nakahanap na ng iba. Sa pogi ba naman nun.
And nga pala I never saw him simula nung dare dare na yun. And mas mabuti na yung wala siya at di nagpapakita, maybe it can help me forget him.
"Hoy Melo!" sigaw ni Kath, kaibigan ko.
"Anong oras na aber?" nakapamewang na sabi nito.
"8:27?" seryosong sagot ko dito.
"Ano oras pasok naten?" tanong ulit nito.
"8:30-- shit!" ngayon ko lang narealize na tatlong minuto nalang pala ang naiiwan sakin.
"First day na first day sa college oh?" pang aasar nito.
Kesa sumagot ay hinila ko nalang siya papasok ng university at saka dumiretso sa office para kunin ang schedule namin.
"1... 2... 3..." sabay naming bilang.
"I have Math!" halos sabay naming sigaw na ikinacelebrate namin. Nagyakap yakap kami na ikinatingin naman ng mga tao sa paligid namin.
"Tara na nga..." naiiritang sabi ni Kath at hinila ako. "...unang klase baka mabully agad tayo."
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi namin mahanap yung Math room.
"Omygash! Asan na ba yun?" Sabi ni Kath.
"Ano bang univ to bakit walang sign!" panggigigil ko.
"Magtanong na kaya tayo?" suggest ni Kath na ikinatango ko.
"Ayun!" sabi niya at itinuro yung lalaking nakasandal sa poste.
Napatigil ako dahil mukang pamilyar yung lalaki sakin. Hindi ko siya makilala dahil nakatalikod siya samin pero malakas yung pakiramdam ko na kilala ko siya.
"Tara na! Sobrang late na tayo oh!" sabi ni Kath na nagpabalik sakin sa realidad.
Lalapit na sana kami ng may tumawag sakin. Si Kath nalang yung inutusan ko na magtanong dun dahil nga may tumatawag sakin. Nakatitig lang ako dun sa lalaki at hindi ko alam kung bakit hinihintay ko siyang humarap o kahit sumide view lang siya.
Gustong gusto ko talagang makita yung itsura niyaaa...
"Hello? Melody are you there?" sabi ni dad mula sa kabilang linya.
"Hey Dad?" sabi ko at tumalikod na sa kanila.
Ilang seconds lang nagtagal yung tawag ni Dad kaya dali dali akong pumunta dun sa lalaking naku curious ako. Unfortunately, hindi ko siya naabutan.
"Tara na girl, kelangan nating umabot. Saka nga pala yung napagtanungan ko..." napatingin ako sa kanya. "His name is Mik---" naputol yung sasabihin niya ng may announcement na pinarinig samin.
"Welcome to Delemon University, you only have 1 minute to find your respective class. Thank you and good luck!" rinig ko na ikinalaki ng mata namin pareho.
"Shet!" sabay naming mura at nagtakbuhan na.
Ilang segundo ay nakarating kami sa math room at gladly wala pa yung teacher. Pero bigla akong nakaramdam ng awkwardness ng mapansin ko na saming dalwa nakatingin tong mga kakalase namin.
Di uso mind your own business dito eh.
Naupo kami sa dalawang bakanteng upuan sa pinakalikod at saktong dumating din yung teacher na may kasamang dalwang estudyante pa.
Napakunot ako ng noo ng mapansin na yung lalaking pinagtanungan namin kanina at yung lalaking nayon ay iisa. Yung kasama niya is babae dahil babae lang naman ang nagpapalda diba?
Bumati yung guro kaya bumati na din kami. Pagkabati ay tinawag niyang yung dalwa.
"You can now go inside the room..." the teacher commanded.
Sa pagpasok ng babae ay napanganga ako at mahihimatay na rin ata ako nang makita yung dalawang estudyante. Dalawang estudyante na hinding hindi ko malilimutan.
Kahit sila nagulat din ng makita ako sa DeU. Umiwas nalang ako ng tingin, bala sila dan.
Tangina...
"Andyan naman na din kayo..." sabi nung teacher habang nakatingin sa kanilang dalwa. "Please, introduce yourself."
"I am Jeya Francisco, nice to meet you all!"
"Mike Castallio, hope we can be friends."
Pinaupo na sila ng teacher. May dalwa pang bakanteng upuan dito sa likod pero sana naman hindi ko sila maging katabi sa upuan because if it ever happen? magiging worst na taon to para sakin.
No choice sila kundi umupo nalang. Pareho kaming nagkatinginan ni Jeya kaya naman agad kong tinarayan ito at nag iwas ng tingin, amboring teh.
"Next na magpapakilala?" tanong nung guro at naghihintay sa isang volunteer pero walang tumayo.
"Mister na nasa may bintana?" sabi nung guro na nagpatingin samin.
May isang lalaking nasa bintana na nakaearphone at tamang basa about physics. Nakaearphone siya kaya siguro hindi niya napansin si mam. Hindi ko napansin yung itsura kase naka tingin siya sa opposite side namin.
Nainis si maam at lumapit na din dun sa lalaking nag babasa ng physic.
Kinulbit ni miss yung lalaki pero di man lang napansin.
Gusto kong makijoin sa kanila pero nawawalan na ako ng ganang pumasok, kay Jeya at Mike palang oh.
Kaya naglaydown ako.Damn...
Bumabalik lahat ng katangahan ko nung gabing iyon at promise hindi ako natutuwa.
I close my eyes as a tear suddenly escape from my cheeks.
"Great morning!" rinig kong sabi nung lalaki na napatayo siguro nung guro namin. Ayan na naman yung pamilyar na yan.
Pero wala na akong paki kung sino yan, nagdadrama ako dito.
Kami pa rin kaya hanggang ngayon kung di ko ginawa yung katangahan na yun? It was all Mike's fault kaya kinasusuklaman ko siya pati si Jeya, who just worsen it. Sana makita parin kita N----
"Nash Herrera, sana maging kaibigan ko kayo!"
Naninigas ako sa pwesto ko at ni walang isang galaw ang gusto kong gawin. Hindi ko alam kung matutuwa ako or kung anong maramdaman ko. Dahan dahan kong iniangat yung ulo ko at saktong nagkatitigan kami.
Wala sa sariling nginitian ko siya pero mukhang galit padin siya dahil nawala yung ngiti niya at iniwas niya yung tingin niya.
Nagbalik ka...
Ngunit ako pa rin ba?
Author: Ano to? ReUnion? Charot.
Thanks for supporting.

BINABASA MO ANG
Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||
Teen FictionMelody Chorale Sandoval left Nash Andre Herrera just because of her worthless reason. She left him just because of a dare of mister Mike Aquines Castallio, who is somehow attached to Melody and a friend to Nash. I repeat, she left him for a freaki...