16: Contest

7.1K 128 3
                                    

MELODY

"You are so pretty baby!" sabi ni ate Harmony sakin na ikinangiti ko.

"Kinakabahan ako for you..." singit nitong si Kath na hindi mapalagay sa pwesto niya.

Nagkatinginan kami ni ate Harm at sabay na tiningnan si Kath.

"What?" sabi nito at salitan kaming tiningnan.

"Bat parang ikaw yung lalaban?" natatawang sabi ko dito.

"Hindi sa ganun, ewan? First time mo kayang makipagrampahan! Bat hindi ka ba kinakabahan?" sabi ni Kath.

"Well, kinakabahan ako pero andyan naman kayo ng families ko so kering keri ko na to..." seryosong sabi ko sa kanila.

Tonight na kasi yung King and Queen of Clubhearts and you know what? Nakakaoverwhelm kasi andito si mom and dad pati na din si kuya para suportahan ako. Si ate and si Kath naman sinamahan pa ko sa room para iguide ako and tulungan ako sa mga gagawin ko.

"Aww..." halos sabay nilang sabi.

"Basta baby, no matter how you end up in this competition, we are proud of you!" sabi sakin ni ate Harmony at sabay yumakap.

"Sali ako! Sissy hugs!" sabat ni Kath at nakiyakap nadin.

Honestly kinakabahan ako para sa gabing ito. Napipressure den actually kase kung nakita mo yung mga kalaban ko? They are a lot better than me. Mas maganda, mas sexy and mas mukhang matalino kesa sakin. Hindi ko lang mapakita sa kanilang dalawa dahil paniguradong mas kakabahan sila para sakin.

"Assemble na daw contestants..." rinig kong sigaw nung host kaya naman tumayo na ako.

"Go baby! Kaya mo yan!" ate said.

"Oo nga, talbugan mo sila!" sabi naman nitong si Kath.

"Loka! Pero thank you sa inyong dalawa!" sabi ko dito and for the last time nagyakap kami.

"Oh sigi na, mauuna na kami!" sabi ni ate Harm at hinila na si Kath palabas. "Goodluck baby!"

Muli kong tiningnan yung sarili ko sa salamin.

"You need to do great Melody! Mom and Dad is watching you!" sabi ko sa sarili ko at ngumiti bago tuluyang lumabas ng room at dumirecho sa pwesto ko.

Kokonti palang kaming naka assemble and wala pa naman yung partner ko  kaya pumikit muna ako at nagpray na sana maging successful tong kauna unahang pagsali ko sa isang beauty contest. Pagmulat ko ay bigla kong nakita si Nash sa harap ko.

"Kanina ka pa dito?" sabi nito at saka pumunta sa gilid ko.

Yes, kami ni Nash ang napili ng Art Class para magcompete sa title and kani kanina ko lang din nalaman. I was shocked nga kase hindi naman sanay si Nash sa mga gantong pacontest eh. Like me, it is his first time.

"Not really, kakadating ko lang din..." sabi ko at saka tumindig ng tayo.

Look pretty and pure! Show him what he's mistake for letting you go!

"Kinakabahan ka?" biglang tanong nito sakin.

"Yep, but alam kong kaya natin to..." sabi ko dito at ngumiti. "...we have each other, remember?"

"Yeah, we have each other..." pag ulit niya sa sinabi ko na ikina wala ng ngiti ko.

Ayokong maging malungkot para sa contest na to pero yeah? Ang sakit lang ng words na yun.

'We have each other...'

I hope we still do...

"Ladies and gentlemen, let us welcome our naggagandahan at nagsisigwapuhang contestant for this event..." panimula nung host kaya umayos na ako at kinalimutan muna yung drama na meron ako.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon