36: Capiz

5.5K 89 17
                                    

MELODY

This is it! After a long time of waiting finally we're here.

Andito na kami sa tinaguriang Seafood Capital ng Pilipinas. Ang Capiz. Roxas City to be specific.

Infairness sa Capiz ha, ang ganda ng environment nila. Ang daming heritage sites at beautiful water forms ang nadaanan namin habang papunta dito. Sa dami nga ng water forms hindi ka na magtataka kung bakit tinawag itong Seafood Capital ng bansa.

"Guys, before going out, I'd like yo tell you our rules that we need to follow. Rules that can help our camping to be successful and safe." sabi ni miss Leag kaya tumingin kaming lahat sa kanya at tumango.

"First rule, huwag hahayaan ang sarili na mag isa or dapat palagi kayong magsama ng friends niyo dahil incase na may mangyari sa inyo? You can be rescued by your company or yung taong kasama niyo..." pagbanggit ni miss Leah na kinatango namin. "...I'm sure naman na walang mag iisa sa inyo dahil for my own opinion lahat kayo ay taken na."

"Yes miss, di ko hahayaan tong pinakamagandang babae sa buhay ko noh. I'd rather die than to let my girl suffer..." sabi nung lalaki na isa sa mga ka service namin.

Agad namang nagiritan yung iba at halos mamaya matay sa kilig yung babaeng kasama niya.

I let a sigh. "Sana all diba?"

Alam ko namang di ako mag iisa dahil nandiyan si Kath pero masama bang mangarap na may boyfie kang ibubuwis ang lahat para masecure lang ang safety mo? Hindi naman diba?

"Kung hindi ko lang sana sinunod yung dare na yun, edi sana I still have you..." pagiisip ko nang dumapo ang paningin ko kay Nash. "...edi sana tayo pa din."

Nagulat ako ng tumingin siya sakin, syempre with his blank face. Di pa ba kayo nasanay dyan?

"May problema ba?" takang tanong nito na ikinailing ko.

"Wala, iniisip ko lang kung ano na tayo ngayon if ever na hindi tayo naghiwala---" agad akong napatakip ng bibig. Hindi ko kase inasahan na nasasabi ko na pala yung thoughts na dapat nasa isip ko lang.

Anubayan, Melody!

Nakaramdam ako ng kahihiyan nang makipag titigan lang siya kaya naman nag iwas ako ng tingin at napapikit ng mata.

Nakakahiya... Shet.

"Ang tanga mo naman, Melody! My god this mouth!" I scolded myself.

Ano ba kase tong iniisip ko at bakit ko ba iniisip yun ha? Diba nagmomove on na tayo self? Diba nagmomove on na ang isang Melody Chorale Sandoval?

Wala akong narinig na kahit anong response galing kay Nash na ikinarelieve ko naman. Okay na yun, atleast di na madadagdagan ang ilang ko sa kanya.

"Okay, tama na yang biruan na yan and let's move on..." dahan dahan akong napamulat at napabusangot kay miss.

Sa sinabi niya parang ang sarap tuloy magtaas ng kamay at magtanong. "Teacher, pano po mag move on?"

(Time Skip)

"Kath!" sigaw ko nang makita si Kath na kakababa pa lang ng service bus nila. Agad akong lumapit sa kanya at iniwan si Nash na nasa tabi ko habang hila hila tong mga gamit ko.

"Ano teh? Ngayon lang nagkita? Masyado mo kong miss?" pamimilosopo nitong pinakamamahal kong kaibigan.

"Tumigil ka nga, Saavedra. Ang ganda ganda ng mood ko oh..." sabi ko dito at saka nagkunwaring umirap dito.

Nagkatinginan kami at halos sabay na tumawa. Oh diba? Parang may saltik...

"Hi, Mike!" bati ko kay Mike na sumunod na bumaba galing sa service nila.

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon