22: Another

6.6K 109 5
                                    

MELODY

Another day, another start....

Last night was in the past, and kapag past? Nakalipas na, natapos na, at di na muling mababalik pa.

Kung maibabalik man? It only take a small possibility na mangyari yun.

And nakakalimutan niyo ba? I take the acceptance hug!

It means tanggap ko na kung ano man kami. Tanggap ko na kaibigan nalang ako.

"Hi, Melo!" nakangiting bati sakin ni Kath.

"Magaling ka na?" tanong ko dito na ikinairap niya.

"Siguro oo kase pumasok na ko?" pilosopong sabi nito at sabay nagcross arm.

"Mag isip ka nga duh!" sabi nito na ikinanganga ko.

Wow? Ang ganda ng mood ko oh! Wag mong sirain...

"Hoy babae tigilan mo nga yang kaartehan mo..." sabi ko at dahan dahan hinila yung buhok niya. "...pasalamat ka nga na I care for you no."

"I'm just joking lang naman eh, pero teka..." pinalibutan niya ko ng tingin mula sa paa ko hanggang sa noo ko. "...bat parang ang ganda mo today?"

Ngumisi ako bago sumagot. "Araw araw naman akong maganda no!"

"Ay wow! Iba den no..." nakangiwi nitong sabi na parang nang aasar pa. "...pero promise anong ginawa mo at blooming ka today?"

Hala? Seryoso ba siya dan?

Compliment accepted!

"Weh? Maganda nga ako today?" di ko makapaniwalang sabi sa kanya.

"Oo nga."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti dahil nafaflutter ako sa sinasabi niya.

"Anong ginawa mo? Tell me..." sabi nito at dahan dahang siniko ako sa gilid.

"Nothing..."

"Weh? Maniwala..."

"Wala nga! Seryoso I don't do anything no!" sabi ko dito at seryosong tumingin sa kanya.

"Eh? Pero bakit ang ganda mo today?" takang tanong nito at sabay cross arm.

"Ewan?" ayaw kasing maniwala na araw araw akong maganda ih...

"Siguro ganyan talaga pag nasaktan no?..." biglang nawala yung ngiti ko sa sinabi niya. "...gaman siguro pag wala ng nag aalaga sayo at nag iisa ka nalang no?"

Agad akong tumalikod sa kanya at naglakad na patungo sa math class namen. For this time, I don't want to talk about it. It's a part of my moving on stage no!

"Oh? Bakit? May sinabi ba akong mali?" gulat na gulat na sabi nito habang humahabol sakin.

"Sinasabi ko lang naman na isa kang great example ng nagmahal, nasaktan, at gumanda..." sabi nito habang hinaharangan ako sa paglalakad. "...ayaw mo ba nun?"

"Ewan ko sayo Kath..." sabi ko dito at nagdere derecho lang sa paglalakad.

Wala na, sira na mood ko.

Nakapasok na kami sa room at wala pa namang masyadong tao kaya ayun patuloy lang siya sa pag papaliwanag.

"Atleast ikaw nga gumanda eh, yung ibang broken ayun broken na, nagpabaya pa sa sarili nila..." sabi pa nito nang makaupo kami sa pwesto namin.

I look at her seriously. "Kaibigan ba kita or hindi?"

"Kaibigan mo..."

"Then stop if you are."

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon