MELODY
Umiiyak akong nagising mula isang masamang panaginip. Well, di ko alam kung panaginip siya o bangungot pero kahit sinong tao ay di yun nanaising makita.
Sino nga bang tao ang gugustuhin makita ang panaginip na yun kung dun sa panaginip na yun ay napahamak at namatay ka diba?
"Mommy..." hagulgol kong sabi habang pinupuno pa rin ng takot.
Ngayon ko lang kasi naranasang bangungutin kaya takot na takot ako. Plus, di ako ganun ka strong for that dream.
"Melody? Anong nangyari?" bigla akong napatingin sa gilid ko at nakita si Mike na mukhang nagising dahil sakin.
"Umiiyak ka ba?" takang tanong nito pero tiningnan ko lang siya habang yakap yakap yung mga tuhod ko.
Bigla itong tumayo at lumapit sakin.
"A-anong nangyari, Melody?" sabi nito nang makalapit siya sakin.
"I-I died in my d-dream..." hagulgol ko ulit habang nagsisituluan yung mga luha ko.
Yes, napaginipan ko kung pano ako napahamak at ano ang ikinasanhi ng pagkamatay ko.
I don't remember any dates pero nasa Capiz pa rin kami non. I am wearing a yellow tshirt and a long jogging pants. May kasama akong tatlong lalaki pero ni isa ay wala akong nakilala. We are going somewhere pero hindi ko alam kung saan. It looks like a forest pero may pananda ako. May isang abandonadong kubo ang nasa harap ko na pinaghingahan namin. Everything was good in my dream not until they left me alone in a forest. Nawala yung mga kasama ko at ako nalang ang naiwan mag isa. Umalis ako ng kubo at saka sinubukang hanapin ang way ko pabalik ng campsite pero hindi ko na siya maalala hanggang sa tuluyan na akong maligaw at pinalibutan ng puno ang paligid ko. In my dream I was scared dahil unti unti ng kinakain ng kadiliman yung paligid ko. Umiiyak ako na sinabayan pa ng malakas na ulan. Kumidlat nun na ikinatakbo ko dahil sa takot. At sana di ko nalang yun ginawa dahil nung oras na tumatakbo ako? Nadulas ako na kinasanhi ng pagtama ng ulo ko sa isa sa mga bato. I was shouting help pero mukhang walang sino man ang makakarinig sakin isama mo pa ang pagsabay ng malakas na ulan. It was a dead end for me, masyado nang dumadami yung nawawalang dugo sakin. I totally surrender in my dream. Tinanggap ko nalang na hanggang dun nalang ang buhay ko. I closed my eyes at ayun nagising nalang ako na takot na takot.
Di ko nga alam kung bakit ako umiiyak eh, sa takot o sa tuwa to the fact na panaginip lang yun...
Bigla akong niyakap ni Mike na ikinapikit naman ng mga mata ko. "Shh, it was a dream. Di yun mangyayari."
Sana nga! Coz I'm not ready pa Lord. Masyado pa kong bata to die. Marami pa akong pangarap na gusto kong gawin no!
"Eh p-pano kung t-totoo?" nauutal kong sabi kay Mike na nakayakap pa din sakin.
"No it will never happened..."
"H-how can you be so sure?"
Bumitaw si Mike sa yakap at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Hindi yun mangyayari kase I am here to protect you. Hindi ko hahayaan na mangyari sayo yun."
Kumalma ako sa sinabi niya. "Y-you sure?"
Tumango ito sakin at saka ngumiti.
"I promised..." sabi nito at saka ako niyakap ulit.
Sana nga, sana nga matupad niya yung promise niya. I don't want to die. There's a lot of opportunities ang naghihintay pa sakin. And hindi ko pa kayang iwan ang pamilya ko.
Lord? Please... Please guide me.
(Timeskip)
"Melody!" nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko ng pasigaw.
BINABASA MO ANG
Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||
Teen FictionMelody Chorale Sandoval left Nash Andre Herrera just because of her worthless reason. She left him just because of a dare of mister Mike Aquines Castallio, who is somehow attached to Melody and a friend to Nash. I repeat, she left him for a freaki...