MELODY
"Nagrerent ka na pala ng bahay no?" sabi ko ng makapasok kami sa bahay niya. "Akala ko dun ka parin sa bahay ng mommy mo nakatira."
"Well, kakalipat ko lang last month kase masyadong malayo na yung DeU sa bahay, kaya yun no choice kung hindi lumipat at mag rent." sabi nito at dumiretso sa kusina at kumuha ng isang basong tubig.
"You want to eat? May chocolate ako dito..." sa sinabi niya ay parang na-excite ako. Sino bang may ayaw sa chocolate no?
"Can I?" sabi ko dito at ngumiti.
Nagdala siyang isang plastic ng chocolate at isang basong tubig.
"Kain ka muna, bibihis lang ako..." pagpapaalam nito na ikinatango ko.
Pagkaalis niya ay kumuha ako ng isang bar ng chocolate at kumain. Habang kumakain naisipan kong mag gala at maglibot dito sa apartment niya.
Hindi siya ganun kalaki pero pwede na. I wonder if meron siyang kasama dito kase may mga damit na iba yung size kesa sa kanya. Pero malay mo kanya pala yun.
"Ito pala yung mommy niya..." napasabi ko nang makita yung family picture nila.
Dati kasi nung mga elem palang kami ay palagi niyang bukambibig yung mommy niya. Lagi niyang pinagmamalaki kung gano ka talino at gano ka caring yung mommy niya. Nakukwento niya yung mommy niya pero never in my life na nakita ko si Misis Castallio.
"What are you doing there?" napalingon ako kaagad nang marinig ko yun.
And sana hindi ko nalang ginawa...
"Anong ginagawa mo dan?" sabi nito na nakayuko na nakabend sa harap ko.
Shet! Parang unting galaw nalang ay mawawala na yung first kiss ko ah.
"Ahm.. A-ano... K-kasi ano..." nauutal kong sabi dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"Ahh ano kase..." tinulak ko siya at saka umalis na sa pwesto ko saka naupo sa upuan.
"Tiningnan ko yung family pictures niyo, sorry." sabi ko dito at napainom nalang ng tubig.
"You don't have to say sorry, its okay lang naman..." sabi nito at naupo na sa tabi ko.
Medyo naawkwardan pa ko kaya dumistansya muna ako sa kanya.
"Ikaw lang ba mag isang nakatira dito? Di ka ba natatakot mag isa? Alam mo kase sa mga movie na napapanood ko, lapitin ng masasamang tao yung mga mag isa lang sa bahay. And wala bang nangyayaring paranormal activity dito sa apartment mo?" hindi ko napansin na nagiging sobrang daldal ko na pala pero okay lang naman siguro to para mawala yung awkwardness namin sa isa't isa.
Imbes na sumagot ay tumawa lang ito at hinaplos yung ulo. Nasasanay ka ghorl ha!
"Hobby mo ba talagang ngumiti at manghaplos ng ulo ng babae kesa naman sumagot sa mga tanong nila?" pagrereklamo ko dito.
"May kasama din ako dito pero madalas siyang hindi umuuwi dito dahil minsan sa bahay nila siya tumitira. Kumbaga minsanan lang siya kung pumunta dito. And walang masamang mangyayari sakin dito, protektado kami ng guards dito na rumaronda araw araw. Also alam mo namang hindi ako superstitious kaya di ako natatakot about paranormal activities or happenings no..." sabi nito habang nilalabas na yung mga gamit na kakailanganin namin.
Pagkababa niya nung mga gamit namin sa lamesa ay tumingin siya sakin.
"Hindi ko hobby yung pagngiti and paghaplos ng buhok sa mga babae no! Actually sayo lang ako ganito? And hindi ko alam kung bakit sayo lang, siguro dahil nakukyutan ako sayo?" sabi nito na ikinangiwi ko.
Hindi ko alam yung magiging pakiramdam ko sa sinabi niya. Kikiligin ba ko or hindi maniniwala? Imposibleng sakin lang siya ganyan, dami dami kaya naging jowa nan.
"Alam ko namang cute ako kaya hindi mo na kelangang imention pa yun no..." lakas loob na sabi ko na syempre ikina 'wow' niya.
"Oh bakit may angal ka?" sabi ko dito.
"Hindi na ako aangal, coz I totally agree with you..."
"Ha? Agree with me?"
"Oo, I agree dun sa sinabi mo na sobrang cute mo kase totoo naman talaga." so ayun muling bumabalik si Awkwardness para sirain yung mood namin pareho.
"Tigil tigilan mo yang pambobola mo, di na epek sakin yan, remember?" sabi ko dito at saka sinimulan ng magdrawing. "...magsimula na nga tayo!"
"Okay sabi mo ih ..." sabi nito at saka tumulong sakin.
"You can tell me kung ano ang dapat kong gagawin para hindi ka mahirapan sa pag drawing sakin." sabi nito na ikibatango ko.
"You can just look to your left and okay na. Idadrawing ko nalang to and I promise na hindi to tatagal ng one hour sa pag drawing unless naglilikot ka..." sabi ko dito at sinimulan ng gayahin yung hugis ng mukha niya.
Ilang minuto na ang nakalipas and konti nalang ay matatapos na kami.
Nagpa deliver din siya ng snacks para kung sakaling nagugutom daw ako ay makakakain kami. Hindi daw kasi siya marunong magluto at lalo naman daw yung kasama niya dito sa apartment.
"Konting tiis nalang and..." sabi ko habang nireretouch yung drawing ko.
"Tapos na!" sabi ko na ikinapalkpak naman nitong si Mike.
"Ayun, goods, patingin nga ng drawing mo..." sabi ni Mike kaya pinakita ko yung drawing namin kung san nakalagay yung tig kalahati naming mukha...
"Wow? Ang ganda pala pag pinagsama tayo no?" sa sinabi niya ay nawala yung ngiti ko. Ewan ko double meaning kase yun para sakin. And yung doble meaning na yun ay baka maging sanhi pa ng pagkahulog ng damdamin ko kay Mike na hindi ko naman talaga alam kung may chance o wala. Siguro meron pero that chance was too small. Too small for making me fall for him.
Saka ang hirap kaya magkagusto sa iba kapag meron ka ng minamahal. Minamahal ng totoo. Yung nag iisa sa puso mo. Diba?
"Hoy Sandoval, ayos ka lang ba?" wala sa sarili akong tumango.
"Sigi na magligpit na tayo, anlalim na ng iniisip mo ih!" bigla akong nabalik sa realidad ng ishake niya yung balikat ko.
"Ay sigi sigi!" sabi ko dito na hindi pa din sigurado kung ano ang matutulong ko sa pagligpit.
Kumuha nalang ako ng walis at saka nagsimula ng magligpit sa bahay niya.
Habang naglilinis ay bigla namang may nag doorbell, ano ba yan teh? Kung kelan lagi akong busy, saka apakadami ng utos mader?
"Can you open it for me? Iaakyat ko pa kase tong drawing naten, mahirap na at baka madumihan ng mga pagkain eh." sabi nito na ikinatango ko.
"Sigi sigi! Ako na bahala, delivery lang naman to eh. I can handle it..." sabi ko dito kaya naman tuluyan na siyang umakyat sa taas dala yung iba niyang gamit at syempre yung drawing namin.
Ako naman ay nagtungo sa pinto para ireceive hung inorder ni Mike.
"Good evening po!" bungad na bungad ko sa kanila.
"Ito po yung baya---Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat kong sabi ng makita si Nash na nasa labas ng apartment ni Mike.
"For your information dito din ako nakatira so dapat ikaw yung tinatanong ko kung anong ginagawa mo dito..." seryosong sabi nitong si Nash.
"I invite her..." bigla akong nagulat nang dumating si Mike at lumapit sa pumwesto sa likod ko. "...may problema ba dun?"
Bigla akong nakaramdam na parang may gulong magaganap.
Enebe guys! Wag niyo ko pag agawan!
"Wala naman..." sabi ni Nash at ngumisi kay Mike. Hindi lang siya ordinaryong ngisi pero isa siyang ngising nakakatakot.
Bigla naman akong napalunok nang makipagtitigan siya sakin.
Damn... Yan na naman yung magnet! inaattract ako sayo!
BINABASA MO ANG
Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||
Teen FictionMelody Chorale Sandoval left Nash Andre Herrera just because of her worthless reason. She left him just because of a dare of mister Mike Aquines Castallio, who is somehow attached to Melody and a friend to Nash. I repeat, she left him for a freaki...