37: Mike

5.3K 92 11
                                    

MELODY

"Do you want anything to drink?" pag aaya ni Mike na paniguradong way niya para mabasag ang katahimikan na namamagitan saming dalawa.

Ewan ko ba kase sa sarili ko at biglang tumikom yung kadaldalan ko nang makita na si Mike yung ka pair ko. Para bang biglang umurong yung dila ko at napuno ng awkwardness ang buong paligid ko nung dumating siya.

"I-I'm not t-that thirsty..." I stuttered.

Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Tinatry ko kase na hindi ipakita sa kanya yung uncomfortable feeling na meron ako pero wala na, bwesit na bibig nato at bigla nalang nauutal...

Tumayo si Mike mula sa pagkakaupo niya sa sleeping bag niya. "Melody?"

Napataas ako ng kilay dahil sa tawag niya.

"B-bakit?" muli akong nautal na kinasapo ko sa noo. Anubayan, self...

Ang hirap talaga pag di ka komportable sa isang tao... bigla bigla ka nalang maaawkward.

Teka? Bat ba ako naaawkward kay Mike?

Ngumiti ito sa akin na kinapout ko. "Sorry."

Tinray kong ipakita sa kanya na walang problema, na okay lang ako pero kasalanan nitong stupid kong mouth. Di makontrol at may sariling buhay ata. Just look what happened between me and Nash dun sa service. Nakakairita na ha!

Huminga muna ito nang malalim bago magsalita.

"Look, alam mo if you feel uncomfortable? You can tell me..." sabi nito na agad kong kinagulat. "...I can transfer to another tent naman or exchange student nalang."

Damn it! Nahalata niya na! Finish na...

"It's not like I'm not comfortable with you--?" di ko na natapos pa yung sasabihin ko nang magsalita siya.

"Stop lying to me. I can see it to your eyes, you're not comfortable with me..." sabat nito na ikinatingin ko sa baba.

"Awkward ka saken no?" tanong ulit nito. "...yung honest answer sana."

Wala sana akong balak sagutin yun pero wala, he commanded me to answer it honestly. And sino ba ako for him to lie diba? Kaya dahan dahan akong tumango.

A moment of silence kaya napatingin ako sa kanya. Kay Mike na tila malalim ang iniisip.

Hala?!? Baka naghahanap siya ng reason kung bakit ako naaawkward sa kanya. Baka isipin nun na may gusto ako sa kanya kaya ganun nalang yung ilang ko.

Ghad...

Kesa mamatay sa kakaisip ng inside thoughts ni Mike ay mas minabuti ko ng magtanong. "What are you thinking?"

"Iniisip ko lang kung anong number ni Kath..." napakunot ako sa sinabi niya.

So iniisip niya si Kath? Edi wow hehe...

Ewan ko ba, bigla akong napangiwi at napairap sa mga iniisip ko nang wala sa oras.

"Kung iniisip mo na iniisip ko ngayon si Kath habang may awkwardness na bumabalot sa'tin, you're wrong." sabi nito na tila nababasa yung nasa isipan ko.

"I'm just wondering if I could exchange with her for you to be comfortable..." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

Luh? Dahil lang sa kaartehan ko lilipat siya at mang iistorbo pa kame? Kung alam kong ganto lang pala mangyayari dapat pala inayos ko buhay ko with him. Nakakahiya kaya na siya pa yung nag aadjust dahil sa pagiging uncomfortable ko na kasama siya no. ano? Special treatment?

Making My Ex Fall In Love With Me Again || COMPLETED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon