Zyrielle's POV
Booooooooooommmm
Syete naman oh! Sino ba tong lalaking 'to na paharang harang sa daanan?!
Namalayan ko na lang na nakahiga na kaming dalawa dito sa may damuhan sa harap ng Bar. And worst of all nakapatong pa ako sa kanya. Ang kamay ko ay nasa may bandang balikat nya. Tiningnan ko naman kung sino ang tanga-tangang 'to, kung bakit kasi-------- SYETEEEEE!!!
BAT KAILANGAN MAGING GWAPO PA ANG ISANG TO?!!! Author nasan ang hustisya?!!
(A/N: Aba'y hanapin mo, di ko hawak no!)
Syete naman to si author oh!. Tiningnan ko na lang tong lalaking to. Ang sarap talaga pagmasdan ng mukha nya lalo na sa malapitan ang gwapo tapos ang bango-bango---- wait anong mga pinangsasabi ko? Pinakiramdaman ko naman ang puso ko. Bakit ang bilis naman tumibok nitong puso ko? Oh no, Oh no. AYOKO NITO!!! ito yung mga pakiramdam ng mga---- tsk, ayokong banggitin...
Mukhang nagulat din si kuya dahil sa pagkabangga namin sa isa't isa. After a minute or two na pagtitinginan, bigla na lang kumunot ang noo nya at sinamaan ako ng tingin.
"Don't you have plan to stand up there?! Get up!" Sigaw nya sa mukha ko kaya dali dali naman akong tumayo, "and you didn't just bumped on me, look!" Sigaw nya ulit sakin pagkatayong pagkatayo naming dalawa, napatingin naman ako sa tinuro nya at pakiramdam ko nanlalaki ang mga mata ko, napatingin naman ako sa hawak kong plastik. Oh no. Syete. Syete.
"You just throw your vomit on me, stupid! You ruin my shirt!" Subra pa sa babae na arte nya dahil sa suka na natapon pala sa t-shirt nya. Sayang naman white pa naman."I'm so sorry, I didn't mean it, here," pinunasan ko naman yung ilang suka gamit ang dala dala kong panyo.
"Stop," malumanay nyang utos pero hindi ako tumigil, syete di ko alam kung anong ginagawa ko? Siguro nakokonsensya lang ako. Yeah, tama nakokonsensya lang ako. "I said stop," utos nya ulit pero di ako nakinig, patuloy lang ako sa pagpunas habang hinaharang nya ang mga kamay, "I said Stop!" Nagulat na lang ako dahil bigla nya na lang ako tinulak kaya napaupo ako, agad naman nangilid ang mga luha ko. Wait, hindi ako ang klase ng babae na umiiyak kapag tinutulak, sinusuntok o kung ano man, kaya naguguluhan ako kung bakit umiiyak ako ngayon at naninikip ang dibdib ko?! Syete naman oh!
Agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Syete! Di ako papayag na tinutulak tulak lang ako noh!
Hinarap ko sya ng buong tapang sumalubong naman sa akin ang mukha nya na walang emosyon, "Hoy lalaki, wag mo nga ako matulak-tulak," wala pa rin syang pinapakitang emosyon, tapos ako, parang batang nakatingala at nakapaameywang sa harapan nya at binibigyan sya ng mga matatalim na tingin, "Sinabi ko naman sayo na sorry di ba? Baka hindi mo narinig? Oh ito uulitin ko ha!" I cleared my throat and I look straight into his eyes, "I'm sorry, Mister pogi sana kaso nanunulak kang punye------"
Napahinto na lang ako sa pagsasalita dahil sa gulat ko dahil pinitik nya ang bibig ko. Syete, ang sakit. "Huwag mo kong mumurahin, stupid girl."
"Edi mamahalin na lang kita," pabulong kong sabi habang hawak-hawak ang bibig ko. wait, what did I just say?!!!
"What?!" Tanong nya pa sakin. Ay! Bingi ampt.
"Ang sabi ko hindi ako stupid, at wag mo nga akong ma-what what. What-whatin ko yang mukha mo eh," sabi ko pa sa kanya at nagbabanta pang suntukin sya sa mukha.
He just rolled her eyes, "Whatever you say, stupid girl," Nung akma ko na syang susuntukin ay bigla na lang syang naglakad palayo sakin. Sinundan ko na lang sya ng tingin papunta yata sa kotse nya at may kausap na sya ngayon sa phone nya.