Kinabukasan.Kapag ganitong weekends, wala talaga akong masyadong ginagawa sa condo, inaantay ko lang gumabi para makapunta ako sa Bar at makatrabaho, pero ang syeteng si Pj naman ay tinanggal ako, ang sabi niya daw mas mabuti pa daw na kumanta na lang ako kaysa maging waitress pa baka mapagtripan daw ako dun. Since sya naman ang boss, edi sinunod ko na lang.
Kaya ito ako ngayon, bored na bored sa bahay at wala akong magawa. Nakakabingi din ang pagiging sobrang tahimik dito sa condo kasi iniwan na naman ako ng dalawa dahil may date daw sila kasama ang boyfriend nila. Kaya ako ito, nagtatravel sa bawat sulok ng bahay.
Maya-maya pa ay biglang may nagdoorbell. "Sino naman to?" Tanong ko sa sarili ko at tinungo ang main door ng condo.
"Surprised!" Nabigla ako ng makita si kuya Zj na nandito ngayon sa harapan ko. Niyakap niya ako siguro dahil sa pagkamiss? At niyakap ko naman siya pabalik. Napansin ko naman na may kasama siyang babae. Grabe! Napakaganda niya para siyang model na lumabas sa magazine. Matangkad siya, maganda, and that so hot body of hers, grabe siguro kung lalaki lang ako ngayon, aagawin ko na kay kuya to.
"Pasok kayo!" Masayang sambit ko at ipinapasok sila sa loob ng condo. Grabe, pati paglakad nya ang gandang tingnan para sa kanya. 'Ito ba ang girlfriend ni kuya? Sigurado siyang pinatulan nya si kuya?'
Naupo sila sa may sofa na magkatabi. "So, little sis. This is my girlfriend, Jhainneth Mhalia," nakangiting pagpapakilala ni kuya sa gf nya, kitang kita sa kanyang mga mata ang pagmamahal nya kay ate Jhai sa pamamagitan lang ng pagtingin nya dito, "and Sweetie. This is my sister, Zyrielle Jade," sabi ni kuya, nginitian ko naman si ate Jhai at nginitian nya din ako.
"Nice to meet you, ate Jhai. Oh, is it okay if I call you ate Jhai?" Sabi ko matapos naming magkamay. Ang ganda ni ate Jhai kapag ngumingiti!
"Its okay for me, Zyr," nakangiting sagot nya. Pakiramdam ko mabait syang babae kaya gusto ko na sya. Hihi.
Lumipas ang ilang oras ang pakikipagkuwentuhan ko kila ate Jhai. Makuwento din pala si ate Jhai. Di sya nauubusan. Actually, lahat yata ng naging topic namin ay sya ang nag-oopen up.
"By the way, Zyr. Ilang taon ka na pala?" Tanong sakin ni ate Jhai habang nakangiti.
"16 years old po," magalang kong sagot since nakakatanda naman sya sakin.
"6 years pala ang age gap mo ng kuya mo," sabi pa niya, sinamaan naman sya ng tingin ni kuya na ngayon ay nakaakbay sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanila habang yakap yakap ang cushion ko.
Actually, Nakatatlong balik yang si kuya Zj nung first year college sya, kasi di niya alam kung ano ang gusto nya. Nung una, gusto nya daw magpulis kaya kumuha siya ng criminology and then nung magsi-second year na sya, nagpalit na naman siya bilang pilot, pagkatapos nun ay napag-isip-isip niya na mag-i-engineer na lang daw siya dahil andun yung crush niya, which is si ate Jhai. Grabe! Napakaraming arte ni kuya noh!
"You don't have to mention it, Sweetie. Alam mo naman na ayokong binabanggit ang age gap namin ng kapatid ko. Pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na," nakalabing sambit ni kuya. Nagpapacute. Kinurot naman sya sa pisngi ni ate Jhai.
"Kahit tumanda ka pa, mahal pa rin kita," malambing ang tinig ni ate Jhai. Tiningnan ko naman sila ng may halong pandidiri at umakto pa na nasusuka.
"I love you, Sweetie Pie." Malambing na sambit ni kuya Zj habang inalalapit ang mukha nya sa mukha ni ate Jhai.
"I love you too," malambing din na sambit ni ate Jhai at unti-unti ring inilalapit ang mukha nya kay kuya.