Dumiretso kaagad ako sa banyo para maligo pagkagising ko, nailalakad ko na rin ng maayos ang paa ko. Siguro may naipit lang na ugat kaya medyo masakit kung mailalapat sa sahig, idagdag mo na lang yung naipahinga ko siya kaya naging okay na.
Papunta na ako ngayon sa kusina para magprepare ng breakfast namin. Kaming dalawa kasi ni Mench ang nakatuka sa pagluluto habang sina Ash, Ann, Josh, at Pj naman sa mga hugasin. Dapat nga magpapalit-palit kami ni Mench pero dahil sa nangyari kahapon hindi ako nakaluto kagabi.
Pumunta muna ako sa may fridge para kumuha ng gatas, iinom muna ako bago magluto.
Umiinom ako ng bigla akong masamid dahil sa nagsalita, "Ang aga mo ngayon ha? Ganyan ka ba talaga?" Biglang nagsalita ang lalaking may regla sa gilid ko, hindi siya nakatingin sakin dahil abalang-abala siya sa pagluluto.
"*ubo**ubo* Balak *ubo* mo ba akong *ubo* patayin sa gulat?" Sigaw ko habang umuubo, pinatay niya naman ang stove dahil mukhang tapos na siyang magluto, isinalin niya muna ito sa isang lagayan bago humarap sakin.
"Shhhh! Tone down your voice, Jade. You might wake them," pabulong niyang sabi habang sumesenyas pa na manahimik ako.
"Bakit ikaw ang nagluto? Ako ang nakatuka ngayon noh!" Mahina kong sabi sakto lang na marinig naming dalawa.
"Ikaw ang nakatuka kagabi, ako na ngayon," sagot niya na parang balewala lang sa kaniya.
"Hind----"
"Kahit hindi ikaw ang nagluto kagabi, ako pa rin ang naka-assign ngayon. It's no big deal," putol niya sa sinasabi ko, tinakpan niya naman ang mga niluto niya at dumiretso sa may sala, sinundan ko naman siya.
"San ka pupunta?" Takhang tanong ko ng buksan niya ang main door ng cabin, nilingon niya naman ako at isinukbit ang face towel sa balikat niya.
"Magjojogging. Sama ka?" Yaya niya pa, umiling lang ako, "Kamusta na pala yang sugat mo? Mukhang nailalakad mo na ang kaliwang paa mo," dagdag niya pa saka pinasadahan ng tingin ang sugat ko sa tuhod.
"Okay na rin. Hindi na masiyadong masakit. Salamat ulit," sabi ko saka napayuko at niyakap ang sarili ko, pumapasok kasi ang malamig na hangin mula sa labas kaya nilalamigan ako.
"No problem. Sige alis na ako," sabi niya saka na nagjogging palayo. Lumabas naman ako at sinundan siya ng tingin papalayo.
Napag-isip-isip ko namang pumunta sa may tabing-dagat para panoorin ang papasikat na araw.
Napatingin naman ako sa may bandang kaliwa ko, hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung totoo bang nakakakita ako ng couple na nakaupo sa may tabi ko o nagha-hallucinate na naman ako.
Madalas itong mangyari sakin noon tuwing mag-isa lang ako at sobrang tahimik ng paligid. Nakikita ko tong magjowang to na palaging nagkukuwentuhan, magka-holding hands, magkayakap or so whatever and then mapapaiyak na lang ako. Hindi ko naman sila kilala dahil parating malalabo ang mga mukha nila.
Nakaupo lang sila sa buhanginan, nasa harapan ang babae at niyayakap naman siya ng lalaki mula sa likuran.
"Hon," pagtawag ng lalaki sa babae, nilingon niya naman ito, "Happy 2nd monthsary!" Magiliw na bati ng lalaki sa babae at hinalikan niya pa ito sa noo.
"Happy 2nd Anniversary rin, Honey!" sabi rin ng babae kaya mas niyakap siya ng mahigpit ng lalaki.
"I have a gift for you!" Sabi ng lalaki at naglabas ng box mula sa bulsa niya saka pinakita sa babae. Bumangon naman ang dalaga at humarap sa kaniya.