Maaga akong nagising ngayon dahil maaga akong pupunta ng school, sinabi ko na rin yun kagabi kila Ash pagdating namin dito sa bahay. Pinagsabihan din nila ako buong magdamag(okay, exaggerated na ako masyado. Mga siguro apat na oras lang.) About dun sa war namin ng lalaking may regla. Ha! Asa sya noh! Ako magsosorry?! Mauna sya.
Well, nakabihis na ako ngayon at handang handa na akong pumasok kahit 5:30 pa lang. Wala akong pake kung mag-isa lang ako dun basta mabawi ko yung pwesto ng upuan ko. Nagdala din ako ng mga gamit na ipangpa-prank ko mamaya sa kanya. Ewan ko ba, parang feeling ko kasi may gagawin syang kalokohan na naman ngayon.
***
Nakarating ako sa school ng subrang aga, bilang na bilang ko pa sa mga daliri ko ang mga estudyante ngayon at least may kasama na ako.
Dumiretso ako kaagad sa locker ko para ilagay yung mga gamit ko na gagamitin ko mamaya kung sakali mang may gawin yung lalaking may regla sakin. Mabuti na ang handa.
Pagpasok ko sa room ay sabay yata akong minalas at swenerte. Swenerte dahil bukas na ang classroom at may kasama na ako. Minamalas naman dahil yung tatlong clown ang kasama ko. Syete!
Alam ko naman kung bakit sila maaga ngayon, nakwento na sakin yun kagabi nila Ann, maaga daw talaga pumapasok ang tatlong clown na yan dahil inaabangan nilang dumating si Mench, nung una nga eh hindi ako naniwala pero, kita mo nga naman.
Tahimik akong pumasok sa room para hindi nila ako mapansin pero malalakas yata ang mga pakiramdam nila kaya nilingon nila ako.
"Look who's early today?" Sabi sakin ni Kleiah habang naka-crossed arms, hindi ko na lang sya pinansin at dumiretso na lang ako sa upuan ko, "Hey, I'm talking to you, bitch."
Hinawakan nya ang balikat ko at pinaharap sa kanya, "Kinakausap mo pala sarili mo, dinadamay mo pa ako," walang emosyon kong sabi at inilapag ang bag ko sa upuan na malapit sa bintana.
"What?!" Angil nya. Syete mukha syang aso, pft!
"Alam mo bagay kayo ni Jhaztine Mench," sabi ko sa kanya na may matamis na ngiti sa mga labi.
Mukhang nabigla sya sa sinabi ko at nagpipigil ng ngiting sinukbit ang ilang hibla ng buhok nya sa likod ng kanyang tenga, "Oh really? You think so?" Pabebe nyang tanong.
"Oo." Sagot ko kaagad sa kanya, "Parehas kayong bingi," dagdag ko pa saka sya lalagpasan na sana pero hinigit nya ang braso ko, mahigpit ang pagkakahawak nya dito pero hindi naman masyadong masakit.
"What the hell did you say to Jhaztine?!!" Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya napailing iling lang naman ako sa mga salitang binitawan nya.
"Alam mo, hindi ka lang bingi. Tanga ka pa. Ano bang nakita mo sa lalaking yun at gustong gusto mo sya? He's an high tempered annoying crazy lunati-------" hindi ko na napatapos ang sasabihin ko nang sampalin nya ko, nanlalaki naman ang mga mata kong ibinalik ang mga tingin sa kanya.
"Wag mong pagsasabihan ng ganyan si Jhaztine, hindi mo sya kilala!" Sigaw nya pa sakin, sinampal ko naman sya pabalik, bwesit to! Masakit yun ah!
"Bagay yan sa mga tangang katulad mo!" Sabi ko sabay higit ng braso ko,"Sinaktan ka nya kahapon, remember? Tapos ngayon kakampihan mo pa rin sya?!"
"Hindi ka ba nagmahal ni minsan ha?! Kakambal na nang pagmamahal ang masakta------"
Pinutol ko ang sinabi nya sa pamamagitan ng sampal, "Hindi pa ako nagmahal ni minsan, pero kung sakali man, alam ko kung kailan ako hihinto kung sobra na ang sakit na pinaparamdam nya!" Sigaw ko sa kanya, "Punta kayo minsan sa Angel's Bar, may kilala ako dun na nagpapayo," alok ko pa.