♥CHAPTER 12♥

1 3 0
                                    

Zyrielle's POV

"Hi Jade!" Bungad na bati sakin ng lalaking may regla nang makalapit ako sa upuan namin. Tiningnan ko naman sya ng may halong pagtataka habang nilalapag ang bag ko.

"May lagnat ka ba, Mench?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong ko at sinipat pa ang kanyang noo at leeg gamit ang likod ng aking mga palad.

"Masama bang batiin ka?" Nakangiti pa ring tanong niya, nakakairita siya! Bakit ba siya ngiti ng ngiti. Aha! Ininspeksiyon ko ang palibot ng upuan at ang buong classroom baka may ipaprank to sakin kaya ganyan ang pakikitungo niya. "Anong hinahanap mo?" Takhang tanong niya, napatalon naman ako sa gulat dahil di ko alam na sumusunod siya sakin.

"Binabalak mo ba akong patayin sa gulat ha?!" Sigaw ko sa kanya habang nakahawak ang isa kong kamay sa dibdib ko, "Hinahanap ko lang yung itinago mo," sagot ko sa itinanong niya kanina saka bumalik na sa upuan ko, bumubuntot pa rin sakin yung lalaking may regla.

"Tinatago ko? What are you talking about?" Parang natatawang sambit nya at saka naupo sa tabi kong upuan.

"Wag ka nang magmamaang-maangan pa, Mench. Alam kong may itinatago kang bagay na gagamitin mo para magantihan ako." Seryoso kong saad habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya.

"Ewan ko sayo. Tapos na ako dun, okay?" Sagot na lang nya at umiiling-iling na iniiwas ang tingin nya sakin. Sasagot pa sana ako pero dumating na ang teacher namin.

***

Andito na kami sa garden na tinatambayan namin dahil tapos na kaming maglunch. Naiirita naman ako kay Mench dahil tumabi pa talaga siya sakin at inagaw nya pa ang isang side ng headset ko habang nagbabasa ng libro nya. Hindi naman ako makapagfocus sa nirireview ko para sa quiz namin mamaya dahil naiilang ako sa pwesto namin ngayon.

"Need help?" Tanong niya nang mapansin niyang parang hindi ko inililipat ang pahina ng binabasa kong aklat. Nalilito kasi ako sa mga formula-formula achuchu dito, hirap kasi talaga ako sa math, idagdag mo pa tong katabi ko kaya mas lalo akong nalilito.

Tumango na lang ako, hindi ko na kasi maintindihan ang mga nakasulat dito at parang sumasakit na ang ulo ko sa pag-intindi.

Sa lahat ng subject, sa Math talaga ako higit na nahihirapan. Ang dami kasi masyadong numbers kaya sumasakit talaga ng matindi ang ulo ko.

"Ganito yan..." Pauna niya at kumuha ng ballpen at papel sa likurang bulsa niya, ipinaliwanag nya sakin kung paano gagamitin ang mga formula at kung ano ang mas madaling gamitin.

Unti-unti ko na ring naiintindihan ang lahat nang itinuro sakin ni Mench, kaya naperfect ko ang quiz namin na first time in history atang nangyari sa buhay ko kaya tuwang-tuwa ako.

Nung mag-uwian, ay ilang beses akong nagpasalamat sa kanya dahil sa labis na tuwa hindi ko nga alam kung ilang beses kong nabanggit ang salitang 'Salamat' nun dahil nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil at last, may naintindihan din ako sa math.

Simula nang araw na iyon ay palagi na akong nagpapaturo sa kanya sa math. Hindi naman as in lahat, yung mga hindi ko lang maintindihan.

1 week passed at magkasundo pa rin kami ni Mench. Hindi naman pala masamang tingnan na magkaayos kaming dalawa at hindi nagbabangayan.

Biyernes na pala ngayon at kailangan ko nang umuwi para makapasok na ako sa trabaho, malapit na rin kasing mag-6:00. Mabuti na lang at iniwan nung dalawa ang sasakyan sakin, may mga date kasi ang dalawang babaita kaya ganun.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa Academy nang masiraan ako ng sasakyan buti na lang may malapit na shop.

"Ma'am, baka bukas pa po tong sasakyan nyo makukuha." Kamot ulong sabi sakin ng taga-ayos ng sasakyan.

The NBSB's First BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon