Zyrielle's POV
"Andyan na sila, tukmol bilisan mo!" Sigaw ko dito sa lalaking nasa harapan ko maabutan na kasi kami ng mga lalaking naka-helmet at nakasunod samin.
"Ito na, ito na, binibilisan na nga," parang natutuliro nang banggit nya, alam kong mabilis na tong patakbo nya pero sadyang nabubuntutan pa rin kami ng mga lalaking 'to...
Madilim ang daan wala kang makikitang kahit ano kundi ang sementadong kalsada lang wala ng puno o kahit anong building, sadyang purong itim ang makikita mo hanggang sa may sumulpot na truck sa harap namin, malayo pa lang to pero alam kong sinasadya nya kaming banggain Hindi ko makita ang buong mukha ng driver, ang tanging tanaw ko lang ay ang nakangisi nyang mga labi na parang nangangahulugan na desididong desidido na sya na banggain kami.
Pilit iniiwas ng kasama ko ang motor sa daraanan ng truck ngunit hinaharangan nya kami, ng mga ilang metro na lamang ang layo nito ay biglang iniliko ng kasama ko ang motor para sana bumalik dahil konting konti na lang mababangga na kami ngunit bigla na lang nacrash ang motor na sinasakyan namin kaya tumilapon kaming dalawa, ramdam ko kung gano kabigat ang katawan ko hindi ko kayang tumayo, ang sakit ng katawan ko at may nakita akong dugo sa may kamay ko na pilit inaabot ang kamay ng lalaking kasama ko kanina sa motor, kitang kita ko pa kung paano sya hirap na hirap na pumunta sakin habang pilit na nilalakasan ang boses para tawagin ang pangalan ko pero ramdam ko ang paghihirap nya...